Nang tuluyan na kaming makalabas ng gusali ay agad kong tinignan ang paligid. Maraming tao pala ang nakakalat dito, hindi ko man lang na pansin noong papasok kami sa loob ng gusali.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Handa na ba kayo?” Tanong ni Draco sa amin at tinignan kami isa-isa.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Kanina pa kami handa.” Tugon naman ni Sam at na una nang maglakad.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Sumunod na rin sa kaniya si Draco hanggang sa magkasabay na silang maglakad dalawa. Napapailing na sumunod na rin si Lauriel at Treyni na ngayon ay abala sa pag-uusap. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Kailan pa naging malapit ulit ang mga ito?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa dulo ng daan. May malalaking pinto rito papasok sa kagubatan. May iilan na nakabantay na mga kawal sa gilid ng pinto at tinitignan ang bawat tao na nagtatangkang pumasok sa kagubatan.
“Ang higpit naman yata nila pagdating sa pagpasok sa kagubatan?” Rinig kong tanong ni Treyni.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Hindi ko rin nga alam kung bakit pero ayon sa aking na sagap na impormasyon ay talagang piling tao lamang ang pwedeng makapasok riyan,”tugon ni Lauriel.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Napalingon sa gawi niya si Treyni habang may mga nagtatanong na mga tingin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Bakit daw?” Tanong nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Hindi ko rin alam,”sabi ni Lauriel at nagkibit-balikat, “Siguro ay dahil na rin sa malalakas ang mga hayop o halimaw sa loob ng kagubatan. Iniingatan lamang ng mahal na hari at mahal na reyna ang kanilang mga nasasakupan.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
May punto nga naman si Lauriel. Alam ng aking mga magulang kung anong klaseng mga nilalang ang naghihintay sa kagubatan. Kaya siguro sinisigurado nilang may espisipikong antas ang makakapasok sa loob ng kagubatan. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Ngunit, kung ganoon nga maari kaya kaming makapasok lahat? Alam namin na sobrang lakas ng mga tao na naninirahan sa lugar na ito pero hindi lahat sila ay pwedeng makapasok sa kagubatan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Kaming mga lumaki sa labas ng kaharian ng Fiend, malamang ay mas mababa ang antas namin. Siguro ay pwera na lang sa akin dahil ilang buwan din akong walang tigil sa pag-eensayo at pagtaas ng aking antas.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Halos ilang araw akong walang pahinga para lamang lumakas ako para sa paghahanda para sa nalalapit na digmaan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Ayos ka lang ba?”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Mabilis kong ibinaling ang aking paningin sa taong bigla na lamang nagsalita at nakita si Nola na nag-aalalang nakatingin sa akin.
Minsan ay hindi ko talaga ito maintindihan. Minsan ay sobrang seryoso nito sa mga bagay-bagya. Minsan naman ay parang wala lang sa kaniya ang mga nangyayari.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Minsan naman ay parang nawawalan na siya ng pake pero kadalasan, tahimik lamang ito na parang binabantayan ang lahat ng kinikilos namin. Sabagay, may inuutos nga pala ang aking mga magulang sa kaniya. Kaya siguro ganoon na lang.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Isang ngiti ang ibinigay ko rito sabay tango. Pagkatapos ay ibinaling ko na ang paningin ko sa harapan at mas lalo pa binilisan ang aking paglalakad.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Bakit naman ako hindi magiging maayos?” Tanong ko rito pabalik.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Hindi naman umimik si Nola bagkos ay sinabayan lamang ako nito sa paglalakad. Tumahimik na lamang din ako at nakinig na lang sa dalawang babae na nag-uusap-usap sa aking harapan habang papalapit kami sa kawal na dadaanan muna namin bago kami makakapasok.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Sa tingin mo ba ay aabutin tayo ng gabi bago tayo makakahanap ng makakakain? Masiyado tayong na tagalan sa pag-alis sa palasyo.” Wika ni Treyni.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Hindi malabong gabihin tayo. Ito pa ang unang beses na papasok tayo sa loob ng kagubatan na iyan kung kaya ay wala tayong ideya kung saan ang mayroong maraming hayop na wpede nating gawing ulam.” Walang tigil na sabi ni Lauriel sabay labas ng kaniyang dalawang matutulis na kutsilyo. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Hinanda na rin ni Lauriel ang kaniyang tungkod at inayos na rin nito ang kaniyang roba.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Kung sabagay. Sana nga lang at wala tayong makakaharap na halimaw na mahihirapan tayong talunin,”saad ni Treyni, “Ngunit, sa tingin ko naman ay wala.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Sigurado ka ba riyan? Alam mo naman siguro ang rason kung bakit kailangan pa tayong tignan bago tayo makakapasok diyan, hindi ba?” Tanong ni Lauriel.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Hindi naka-imik si Treyni dahil sa sinabi nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Napapailing na lamang akong sumunod sa kanila hanggang sa tuluyan na kaming nasa harap ng kawal.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Saan kayo papunta?” Tanong ng kawal.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Ang malaking boses nito na sobrang nakakatakot ay ang tanging maririnig namin. Hindi nakapagsalita ang aking mga kasama dahil na rin siguro ay na tatakot ang mga ito sa kaniya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Uulitin—.” Hindi nito natuloy ang kaniyang sasabihin dahil natigil ang kaniyang mga mata sa gawi ko. Unti-unti itong lumakit at bigla na lang sumaludo.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Magandang Hapon, Mahal na Prinsesa.” Bati nito sa akin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Bahagya naman akong napakamot sa aking ulo dahil sa ginawa nito. Ang ilang mga kawal na nakatayo malapit sa amin ay bigla na lamang tumakbo patungo sa likod ng kawal na nasa aming harapan at sinunod ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Magandang Hapon, Mahal na Prinsesa.” Sabay-sabay nilang bati atsaka yumuko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Magandang Hapon din sa inyong lahat,”bati ko sa kanila pabalik habang taas noo silang tinignan. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Wala akong ideya sa kung ano ang gagawin ko. Hindi naman pwedeng ipakita ko sa kanila na parang wala akong alam sa mga nangyayari. Ayaw kong ipahiya ang aking mga magulang.ㅤㅤㅤㅤㅤ
“Pasensiya na ho kayo at hindi ko kayo na pansin kaagad,”sabi ng kawal na kausap kami kanina.
“Ayos lang iyon. Nais sana namin pumasok sa kagubatan kung maari?” Tanong ko rito.
Mabilis na tumango naman ang kawal ngunit agad din tinignan ang aking mga kasama. Inisa-isa niya muna ito bago siya tumalikod at dahan-dahan na binuksan ang pinto.
“Nasa tamang antas na ang inyong mga kasama, Mahal na Prinsesa. Kung kaya ay maari silang pumasok sa loob ng kagubatan.” Paliwanag nito.
Mabuti naman kung ganoon. Akala ko ay may matitira sa amin dito, baka iyon pa ang magiging dahilan kung bakit hindi matutuloy ang aming pinaplano.
“Mabuti naman kung ganoon. Salamat sa iyo.” Saad ko.
“Nais niyo po bang ihanda ko ang ilang mga kawal para masamahan kayo sa loob ng kagubatan?” Tanong nito.
“Huwag na,” pigil ko, “Hindi na kailangan. Kaya ko naman ang sarili ko at nandito rin naman ang aking mga kaibigan. Kung kailangan namin ng tulong ay agad kaming tatakbo dito sa harapan ng pinto.”
“Masusunod po, Mahal na Prinsesa.” Tugon ng kawal.
Umikot na ako at tinignan ang aking mga kaibigan na ngayon ay malawak na ang mga ngiti. Hindi ko alam kung ano ang dahilan at parang nag-aasar pa ang mga ito pero bahala na sila.
“Tara na?” Aya ko sa kanila.
Tumango lamang silang lahat at na una nang maglakad. Ano na naman kaya ang nasa isipan nila. Muli akong nagpasalamat sa kawal at sumunod na sa mga ito.
Nang makarating na kami sa labas ng pinto ay bigla na lamang nagsalita si Treyni.
“Mahal na Prinsesa,”pang-aasar nito sabay hawak sa kaniyang saya at yumuko sa harapan ni Lauriel.
Itong si Lauriel naman ay sinabayan si Treyni at inilagy ang kaniyang kamay sa dibdib habang nakatingin sa taas na para bang nagpapaganda.
“Ano iyon, Alipin.” Tugon nito.
“Grabe ka naman. Alipin agad?” Tanong ni Treyni at umayos na ng tayo.
“Ano ba sa tingin mo? Isa akong prinsesa, malamang ay alipin kita. Ano ba ang iniisip mo? Gagawin kitang reyna?” Tugon naman ni Lauriel at umiiling itong naglakad na.
“Kayong dalawa, talagang magkaibigan kayo, ano? Pinagkakaisahan niyo talaga ako.” Sabi ko at bumuntong hininga, “Baka gusto niyong ipahuli ko kayo?”
Nagbibiro lamang ako kaya sabay-sabay na lumaki ang kanilang mga mata habang nakatingin sa akin.
“Hindi namin inaasahan na ganiyan ka na, Kori.” Sabi ni Lauriel habang nakaturo sa akin.
“Hindi ko rin inaasahan na ganiyan na kayong dalawa.” Pang-aasar ko pabalik.
Inirapan lamang ako ni Lauriel at padabog na na una nang maglakad. Natatawang nakatingin naman ako kay Treyni na nakangiwing nakatingin sa gawi ko.
Agad akong nagkibit-balikat atsaka sumunod na kay Lauriel. Sumunod na rin sila Sam, Draco, Nola at panghuli si Treyni.
“Alam mo ba kung saan papunta ang daan na tinatahak mo, Lauriel?” tanong ko rito.
Hindi ito umimik at bagkos ay nagpatuloy lamang ito sa paglalakad hanggang sa makarating ito sa harapan ng isang napakalaking kahoy. Kahit ako ay gulat na nakatingin sa kabuuan nito.
Hindi ko inaasahan na makakita ng ganitong klaseng puno sa loob ng kagubatan namin. Parang sakop yata nito ang buong kaharian pero bakit hindi ko ito nakita mula sa aking silid.
“Anong klaseng puno iyan?” Gulat na tanong ni Sam sa likod ko.
“Ngayon pa lang ako nakakita ng ganiyang klaseng puno sa tanang buhay ko. Totoo ba ito?” Tanong ni Draco.
Sa loob lang din ng ilang buwan kong paglalakbay ay ito pa ang unang beses na nakakita ako ng ganitong klaseng puno. Sobrang kakaiba nito sa mga punong na daanan ko na noon.
“Ano ang ginagawa niyo rito?”
Mabilis kaming napatingin sa bigla na lamang nagsalita at halos mapatakbo ako sa gulat.