Isang matandang sa tingin ko ay nasa anim na pung taong gulang na o mahigit. Ang mukha nitong kulubot na at may ilang malalaking peklat sa pisngi at sa tabi ng mata. Ang buhok nitong pinaghalong puti at itim ngunit mas litaw ang puting buhok nito. Nakatali ito sa likod na may patay na bulalak na nakasabit. Ibang klase rin ang na isip nitong gawin sa buhok niya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Ngunit, halata sa kaniyang hitsura na sobrang dami na niyang pinagdaanan. Na sobrang tagal na niyang nakikipaglaban sa mga nilalang sa mundong ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Inuulit ko, ano ang ginagawa niyo rito?” Tanong ulit nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Hindi kami maka-imik dahil sa gulat. Ang kaniyang mga tingin na sobrang talas na tila ba ay galit na galit sa aming pagdating. Dahan-dahan akong lumingon sa aking mga kasama na ngayon ay nakatitig lang din sa matanda. Hindi ko rin naman sila masisisi kung bakit ang tahimik nilang lahat, paano ba naman ay nakakatakot naman talaga ang taong ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Ayaw niyo ba talagang magsalita o sadyang pepe kayong lahat?” Dugtong nito at pabagsak na itinukod ang kaniyang tungkod sabay kunot ng kaniyang noo.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Parang walang plano na magsalita itong mga kasama ko. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Binigyan kami ng pahintulot ng hari at reyna na manatili sa kagubatan na ito upang maghanap ng mga hayop,”tugon ko at huminga nang malalim. Kailangan kong maging matapang sa harap niya. Hindi maaring magpakita ako ng kahinaan lalong-lalo na ngayon na isa na akong ganap na prinsesa.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Hari at Reyna?” Tanong nito at ibinaling ang tingin sa akin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Bahagya itong napatigil nang makita ako ngunit agad din na yumuko, “Hindi ko inaasahan na pupunta kayo rito, Mahal na Prinsesa.”
Mas lalo akong na gulat sa sinabi nito. Alam niya na ako ang prinsesa ng kaharian na ito? Sa tingin ko naman ay hindi ito dumalo noong mga panahon na may kasiyahan sa palasyo, paanong nalaman niya na isa akong prinsesa?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Hindi namin sinabi sa lahat ang pagpunta ko rito at baka ito pa ang maging dahilan kung bakit darami ang mga taong papasok sa kagubatan,”paliwanag ko, “Pagpasensiyahan mo na at tila nakaka-istorbo pa yata kami sa iyong pamamahay. Hindi namin alam na may naninirahan pala sa malaking puno na ito.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Mabilis na tumayo ang matanda atsaka umiling. Pagkatapos ay dahan-dahan itong naglakad papalapit sa akin at tumigil lang din mga isang metro mula sa akin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Hindi ‘ho kayo nakakaistorbo sa akin. Inaakala ko kasi na ‘yong mga walang magawang manlalakbay na naman ang nanggugulo sa pamamahay ko,”paliwanag nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Ano ang ibig mong sabihin? May nanggugulo ba sa iyo rito?” Tanong ko sa kaniya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Ngayon na malapit na siya sa akin ay mas lalo kong na pansin ang mga peklat nito. Hindi ito simpleng peklat lamang. Masiyado itong malaki at malalim para maging simpleng peklat lang. Ano kaya ang pinagdadaanan ng matandang ito? Gusto kong malaman pero ayaw ko rin naman makealam sa buhay niya. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Tila kasi may nagsasabi sa akin na alamin ang kaniyang mga pinagdaanan. Siguro ay maari naman akong bumalik dito at tanungin siya sa lahat ng bagay. Wala naman sigurong masama kung ayon ang gagawin ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Masiyadong mahaba ang kwento patungkol sa bagay na iyan, Mahal na Prinsesa.” Ani nito at bumuntong hininga.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Kung ganoon ay handa ako makinig ngunit hindi muna sa ngayon. Nais sana namin maghanap nga mga hayop na pwedeng hulihin upang gawing pagkain, may alam ka bang magandang lugar sa kagubatan na ito na may mga malulusog na hayop?” Tanong ko.
Kung dito siya nakatira sa gubat ay malamang, alam na niya kung saan ang dapat namin na puntahan. Sigurado akong kahit saang parte sa kagubatan na ito ay kabisado na niya. Kung ilan taon ka ba naman naninirahan dito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Susubukan ko mamayang gabi na puntahan siya rito, sa mga oras na nagpapahinga na ang aking mga kaibigan at wala ng ibang gising kung hindi ako. Nais kong malaman ang lahat ng pinagdaanan niya at ang tungkol sa mga manlalakbay na walang magawa sa buhay at ginugulo ang tahimik niyang pamumuhay sa malaking puno na ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“May isang lugar akong alam na sigurado akong mahahanap niyo ang gusto niyong mahanap,”saad nito, “Sa isang malaking lawa anim na kilomentro mula rito ay matatagpuan ang mga hayop na kasing lusog ng isang dragon ngunit, kinakailangan niyong mag-ingat sapagkat ang daan na inyong tatahakin papunta roon ay hindi ganoon kadali.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ