Chapter 52

3003 Words
Tahimik pa rin ang mga pasilyo at wala akong masiyadong nakikitang mga estudyanteng naglalakad dito, kung mayroon man ay karamihan sa kanila ang wala pang ligo o kakagising pa lang. May ibang nagtatakang nakatingin sa akin dahil ang aga-aga pa pero may dala-dala na akong mga libro at iba pang kagamitan. Kasalanan ko ba na maaga ang una naming asignatura? Hindi ko rin naman inaasahan na ang isang katulad ko ay mapabilang sa kursong iyon. Alam kong ang nasa isipan ng karamihan sa mga tao ngayon ay masiyado akong sabik na pumasok sa aming silid. Kung alam niyo lang talaga kung gaano pa ako ka-antok. Huminga muna ako ng malalim bago ko sinarado ng tuluyan ang pinto at naglakad na pababa. Nasa pangatlong palapag itong dormitoryo namin, samantalang ang unang asignatura ko ay nasa pinakababa. Tahimik ko lang na nilalakbay ang hagdan pababa habang nakatingin sa paligid. Sa unang tingin ay parang makaluma na talaga ang lugar na 'to at ang ilang mga disenyo na naka-kabit sa mga dingding, pero kung titignan ng mabuti ay masasabi mo talagang bago pa rin ito at inaaalagaan ng sobra. Habang naglalakad ako ay unti-unti akong lumapit sa pinakadulong bahagi ng hagdan, hinawakan ko ang kahoy sa gilid nito at pinadaosdos ang aking kamay. Walang alikabok. Lumipas ang ilang sandali ay nakarating na rin ako sa baba. Inilibot ko ang aking paningin at wala akong masiyadong makitang tao, o mas mainam na sabihin na wala talagang tao. Nabibilang nga lang ang mga estudyanteng lumalabas sa kanilang bahay at sa labas ng dormitoryo, dito pa kaya sa baba na kung saan nandito ang aming unang asignatura. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad na muli. Hindi na masiyadong madilim ang paligid, sumisinag na ang araw mula sa malalaking bintana dito sa daan. Hindi ko naman mapigilan ang hindi tumgin sa labas nito na kung saan napakaraming mga puno. Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa wakas sa harap ng nasabing silid na nasa papel ko. Inilabas ko na ang lalagyan ng aking plate at itinaas dito, bigla naman bumukas ang pintuan. Sobrang dilim sa loob at hindi ko makita ng maayos kung anong maryoon doon, kinakabahan pa nga ako pero wala naman akong magagawa. Unti-unti akong naglakad patungo sa loob at sinisigurado pa rin na kaya kong depensahan ang sarili ko kung may bigla mang aataki sa akin. Ngunit, loob naman ito ng paaralan, hindi ba? Sino naman ang magtatangkang aatake sa isang estudyanteng katulad ko? Nang tuluyan na akong makapasok ay bigla na lang sumirado ang pinto at kasabay nito ang pag-ilaw ng isang malaking diyamante sa itaas. Sobrang ganda nito at kumikislap pa, hindi ko rin maipagkakaila ang ganda ng silid na 'to. Gawa sa ginto ang mga disenyo at ilang mga pigurins na naka-lagay sa bawat kabinet. Sobrang laki rin ng kanilang pisara at mayroon din itong isang lamesa lamang sa gitna. Kahit sobrang lawak ng silid ay labis ang aking pagtataka kung bakit isa lang ang lamesa at upuan. Hindi ko na pansin ang pagkunot ng aking noo at ang pagtikhim ng isang tao na naka-upo na ngayon sa lamesa na nasa gilid lamang ng isang pisara. Gulat na yumuko ako agad dahil alam kong ito ang taga-pamahala rito at ang magiging guro ko. "Magandang umaga po sa inyo,"bati ko sa kaniya atsaka unti-unti ng tumayo. Kitang-kita ko naman ang gulat sa kaniyang mga mata, hindi ko alam kung bakit ganiyan na lang ang kaniyang reaksiyon gayong ang ganda naman ng kaniyang kasuotan at ang lakas ng enerhiya na mula sa kaniyang katawan. Naka-suot lamang ito ng pulang damit na may laslas mula ibaba hanggang sa may hita, kitang-kita rin ang dibdib nito na sakto lamang ang laki. Maganda rin ang hubog ng kaniyang katawan at sobrang ganda rin ng kaniyang mukha, maputi ang kaniyang balat na para bang isang niyebe. Pumupula rin ang mga labi nito at sobrang haba ng kulot niyang buhok. Sino ba itong taong 'to? "Hindi ko inaasahan na ang isang makapangyarihang tao na katulad mo ay marunong gumalang," ani nito at tumayo na. Unti-unti itong naglakad papalapit sa akin habang nakatingin lamang sa aking mga mata. Hindi ko maiwasan ang hindi mapatitig din sa paraan ng kaniyang paglakad dahil parang sinisigaw nito ang kapangayrihan na mayroon siya. "Hindi naman po yata ako ang tinutukoy niyo," sambit ko, "Isa lang naman po akong isang normal na estudyante na nabigyan ng isang opurtinidad na mapabilang sa kursong ito." Unti-unti naman na kumunot ang kaniyang noo at yumuko sa akin. Hindi ko alam na ganito pala siya kataas, hanggang balikat lamang ako ng babae. "Hindi naman ang kurso ang pipili sa isang estudyante," ani nito, "Kung hindi ay ang kakayahan mo." Para akong hinihila ako ng kaniyang mga titig, masiyadong maganda ang kaniyang mga mata na kulay abo. "Ako nga pala si Ariane, Ariane of Fengari. Ang magiging guro mo simula ngayon." Pagpapakilala nito. Teka. Ano ang sinabi niya? Ariane of Fengari? Fengari? Ibig sabihin ba no'n ay isa siya sa mga taong may makapangyarihan na mahika? Gulat na nakatingin lamang ako sa kaniya nang bigla itong uamyos ng tayo at tumalikod na sa akin. Kaya pala ganoon na lang ang ibinibigay nitong enerhiya, galing pala siya sa isa sa mga malalakas na angkan sa mundong ito. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Elfrida kapag nalaman niya ang tungkol sa bagay na 'to, kapag nalaman niya na ang guro ko ay mula sa bayan na iyon. "Umupo ka muna sa iyong pwesto ay may ipapaliwanag ako sa iyo,"sabi ni Gurong Ariane at itinuro ang upuan. Agad ko naman itong sinunod at pumwesto na roon, ayaw kong galitin siya at baka hindi na ako aabutan ng kinabukasan. "Ngayong araw ay magsisimula na ang opisyal mong pag-aaral,"paliwanag nito, "Simula ngayon hanggang sa darating na tatlong taon, ngunit, kung mas madali mong makamit ang limitasyon mo ng mas maaga ay maari ka ng makapagtapos." Teka. Ano ang ibig sabihin nitong ngayon na kami magsisimula? Ako palang naman ang nandito ah? "Ano ang ibig niyo pong sabihin, Gurong Ariane? Wala pa po ang mga kaklase ko,"paliwanag ko rito. Ngumiti lang ang aking guro at umiling, "Isa itong espesyal na kurso, Kori, walang ibang makakapasok sa kursong ito kung hindi ay ang mga taong na pili lamang. Sa taon na ito, ay ikaw lang ang taong naka-pasa." Kung gayon ay mag-isa lamang ako sa malaking silid na 'to? Wala man lang akong kasama o makaka-usap rito. "Ganoon po ba,"tugon ko. "Hindi mo na kailangan pa akong tawagin na guro, tawagin mo na lang ako sa pangalan ko, Ariane. Hindi pa naman ako ganoon katanda para maging isang katulad sa mga nagtuturo rito,"paliwanag niya at tumalikod sa akin. Kumuha ito ng isang yeso, nagsimula na itong magsulat ng kaniyang pangalan sa pisara. "Sa ngayon ay nais ko munang sabihin sa iyo ang dapat at hindi dapat mong gawin, dito sa loob ng silid at sa labas." Paliwanag niya, "May ilang mga bagay na nararapat na dapat nating itago at isa na roon ay ang katauhan ko. Walang ibang pwedeng makakaalam bukod sa iyo na nandito ako sa paaralan, walang dapat makakaalam na ang isang tao na nagmula sa bayan ng Fengari ay siyang magiging guro mo. Maliwanag?" "Ngunit, bakit po?" Nagtatakang tanong ko rito. "Dahil maaring atakihin ng kalaban ng aming pamilya ang paaralan na ito, ayaw mo naman sigurong mangyari iyon, hindi ba?" Mabilis akong umiling sa kaniya at na tahimik na. Ayaw kong may madamay na naman na mga inosenteng tao dahil sa kagagawan ko. Maraming tao na ang na damay simula noon pa, kung kaya ay ngayon hindi ko na ito uulitin muli.  "Maganda na iyong nagkaka-intindihan tayo,"sabi ni Ariane at ngumiti sa akin, "Susunod ay nararapat lamang na lahat ng nangyayari dito sa loob ng ating silid ay nanatili lamang dito sa loob ng silid. Kung may pinag-uusapan dito tungkol sa mga bagay na tungkol sa ating sarili ay dapat hanggang dito lang 'yon. Susunod ay ang pag-eensayo mo, sundin mo lang ang sasabihin ko at makinig ka lang ng mabutin sa akin. Wala tayong problema doon." "Dito lang po ba ako lagi?" Tanong ko sa kaniya, "Sana po ay hindi kayo magalit, tanging kapangyarihan lamang ng pagpapagamot at tubig ang kaya kong kontrolin at mayroon ako, bukod doon ay wala ng iba." Hindi makapaniwalang tinignan naman ako ni Ariane sa mga mata at unti-unting kumunot ang kaniyang noo. "Ano ang ibig mong sabihin na may kakayahan ka magpagamot?" "Iyon po ang una kong kapangyarihan na natutunan,"tugon ko, "May mali po ba doon?" Hindi naman naka-imik si Ariane at hindi ito makapaniwala sa kaniyang nalaman. Alam kong bihirang tao lamang ang mayroong kakayahan na gamutin ang isang tao pero si Ariane? Na isa sa mga makayarihang tao ay nagulat din sa sinabi ko? Napaka-impossible naman yata no'n? "Tanging mga pili lamang ang may kakayahan na gamutin ang isang tao, at ano ang sabi mo? Dalawa pa lang ang alam mo?" Tanong nito. "Dalawa lang po ang mayroon ako,"pagtatama ko sa kaniya. Talagang dalawang kapangayrihan lang naman talaga ang mayroon ako, bukod doon ay wala na. Tanging paggamot at tubig na nalaman ko lang noong pagususulit ang mayroon ako. "Alam mo ba na hindi ka makakapasok sa silid na ito kung wala kang limang kapangyarihan o higit pa?" Gulat na tanong niya. "Ano ang ibig niyo pong sabihin?" "Ang silid na ito ay pinapalibutan ng mga makakapangyarihang artifacts na mayroong malalakas na enerhiya. Sa oras na ang isang tao na may kapangyarihan lamang na apat pababa ay mahihimatay ito at malabo ng magising pa." Paliwanag ni Ariane. Hindi naman ako makapaniwala sa aking nalaman ngayong araw. Kung totoo nga ang kaniyang sinabi ay malamang nahimatay na ako ngayon, pero bakit wala? Hindi kaya ay dahil na rin totoo na mayroon akong higit limang kapangyarihan? Bakit naman hindi pa sila lumalabas lahat? "Siguro ay mayroon ka talagang lima o higit pang kapangyarihan, hindi pa nga lang ito lumalabas dahil hindi pa kaya ng iyong katawan." Sabi ni Ariane at lumapit sa isang gintong bola at dinala ito papalapit sa akin. Inilapag ni Ariane ang ginto sa aking harapan at nagtataka lamang akong tinignan ito. "May nararamdaman ka ba?" Tanog niya. Umiling lamang ako sa kaniya dahil, wala naman talaga akong nararamdaman kahit ni isa. Hindi ko nga alam kung anong mayroon ang gintong ito. "Tumayo ka muna,"utos nito sa akin. Agad naman akong sumunod sa kaniya hanggang sa naglakad ito sa isang malaking kurtina, binuksan niya ito agad at bumungad sa amin ang isang sobrang laking diyamante. "May nararamdaman ka ba?" Tanong nito sa akin. Tinignan ko lang ang diyamante at ipinikit ang aking mga mata. "May kaunting enerhiya lamang ito,"sabi ko, "Ano ba ang pwede kong maramdaman?" Hindi ko talaga alam kung ano ang punto ng paglapit namin sa mga bagay na naririto sa silid. Gulat na nakatingin lamang si Ariane sa akin at agad na lumaki ang kaniyang mga mata. Mabilis itong tumakbo pabalik sa kaniyang lamesa at kinuha ang isang maliit na bag. Kinuha nito ang isang gintong kahon na mayroong dalawang dragon na naka-palibot sa kandado nito. "Sabihin mo sa akin kung hindi mo kaya ang enerhiya na binibigay ng ipapakita ko sa iyo, maliwanag?" Seryosong utos nito. Mabilis na tumango lang ako sa kaniya kahit labis na ang aking pagtataka. Hindi ko talaga alam kung para saan 'tong mga ginagawa namin. Ano ba ang punto niya? Kung ipaliwanag na lang niya kaya? Kinuha ni Ariane ang isang susi na gawa sa ginto na may dragon sa dulo at binuksan na ang kahon. Unti-unti na niyang binuksan ang kahon habang naka-pikit at halos mapatalon ako sa gulat ng bigla ko na lang naramdaman ang pag-init ng aking kwentas. "Ayos ka lang ba?" Gulat na tanong ni Ariane at agad na sinarado ang kahon, "Mukhang malabo nga na maging ikaw." Maging ako? Ang alin? Pero hindi muna iyon ang importante, agad kong kinuha ang kwentas sa aking leeg at tinanggal. Hindi ko maiwasan ang hindi dumaing sa hapdi dahil sa tingin ko ay na sunog ang aking balat. "Saan mo nakuha 'yan?!" Sigaw ni Ariane at mabilis na kinuha ang kwentas ko. "Iniwan sa akin 'yan ng mga magulang ko. Hindi ko alam kung nasaan sila o kung sino sila, kung ninakaw 'yan aba malay ko!" Paliwanag ko sa kaniya habang hinihimas pa rin ang aking leeg. Tahimik pa rin na nakatingin si Ariane sa akin na hindi makapaniwala. Kitang-kita ko ang mga naluluha nitong mga mata na para bang gustong umiyak. Labis naman ang pagtataka ko ng unti-unti itong ngumiti na para bang sobrang saya nito sa kaniyang nalaman. Sa kaniya ba itong kwentas? Ina, Ama, huwag mong sabihin na ninakaw niyo lang ito? "Saan ka ba iniwan ng iyong mga magulang?" Tanong ni Ariane. Kunot noong tinignan ko lang siya dahil bakit bigla na lang itong naging interesado sa buhay ko. Huminga muna ako ng malalim bago ito nginitian. "Iniwan nila ako sa bayan ng Sola, na kung saan doon ko nakilala ang mga taong naging pamilya ko,"sambit ko at tumalikod na sa kaniya. Naglakad na ako papalapit sa aking upuan atsaka umupo. Hindi pa rin mawala ang hapdi sa aking leeg, gusto ko tuloy umiyak dahil sa sakit. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at hinayaan na gamutin ng sarili kong katawan ang sugat ko. "Bayan ng Sola,"bulong ni Ariane na rinig na rinig ko naman. "May mali po ba?" Sabay tingin ko sa kaniya, agad naman niyang pinunasan ang kaniyang mga luha at ngumiti sa akin. "Wala naman,"ani nito, "Pamilyar kasi ang kwentas na dala-dala mo, pati na rin ang lugar na iyong pinagmulan. Hindi ko inaasahan na doon ka pala galing, kung ganoon nga, maari mo bang tignan itong kahon na ibibigay ko?" "Syempre naman po,"sang-ayon ko rito, "Hindi po ba ako mamatay nito?" Tumawa lang ito ng sobrang lakas atsaka inilapag sa aking lamesa ang kahon, "Hindi naman,"mayroon pa itong binulong ngunit hindi ko na masiyadong marinig. "Isipin mo na lang na isa na naman itong pagsusulit. Hayaan mong sipsipin ng iyong katawan ang enerhiya na mula sa bagay na nasa loob ng kahon,"paliwanag nito at umupo na. Tumango lamang ako sa kaniyang sinabi at unti-unti ng binuksan ang kahon. Doon ko lang na pansin ang kwentas na nasa gilid ng kahon na iniligay pala ni Ariane. Habang binubuksan ko ito ay kitang-kita ko naman ang pagliwanag ng aking kwentas na para bang pamilyar ito sa bagay na nasa loob ng kahin. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi usisain ang dahilan kung bakit naging ganoon na lang ang reaksiyon nito. Pagkabukas ko ng kahon ay kitang-kita ko ang isang itim na bola na unti-unting naging puti, bigla na lang lumutang ang aking kwentas at dumikit sa bola na nasa harap ko. Anong nangyayari? Hindi ko na lang muna ito pinansin at hinayaan na lang ang sarili ko na pumikit. Kailangan ko pumasa sa panibagong pagsusulit. Tinaggap ko lahat ng enerhiya mula sa bato at hinayaan itong dumaloy papunta buong katawan ko at sa pinaka gitna ng aking kapangyarihan. May kakaiba akong nararamdaman dito. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD