Ramdam ko ang paglabas ng enerhiya sa aking katawan na sigurado akong makokontrol ko na. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gagawin pero isa lamang ang sumagi sa aking isipan. Iyon ay ang puntahan ang aking pamilya at protektahan sila. Oo nga at malalakas ang mga ito, oo nga at may kakayahan silang labanan ang lahat ng kalaban dahil isa sila sa mga pinakamalakas na hari at reyna sa buong kontinente pero sigurado rin ako na kapag marami ang kakalaban sa kanila ay hindi nila kakayanin.
Hindi pa magaling ang mga sugat ko, medyo masakit pa rin ang katawan ko at lalong-lalo na hindi ko na alam kung tama pa ba itong nararamdaman ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Mabilis akong tumakbo pababa ng kastilyo. Kahit medyo nahihirapan ako sa suot kong damit ay alam ko naman na makakaya kong makarating sa labas.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Patuloy lamang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa isang mahabang kastilyo. Maraming kawal ang nakatayo sa tabi na para bang wala lang sa kanila ang pagsabog sa labas. Labis ang aking pagtataka dahil dito. Hindi ba at may kaguluhan sa labas? Bakit nandito pa rin ang mga ito?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Hindi kaya ay may kailangan silang protektahan dito sa loob? Sa oras na may makapasok ay saka sila gagalaw? Pero kung ganoon nga, malabo na nila itong mapigilan. Ang aking ina at ama nga ay natalo, ano naman ang kaya nilang gawin?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Iniwas ko na lamang ang aking mga mata at nagpatuloy na sa pagtakbo. Kinuha ko ang dulo ng damit ko at hinila ito pataas. Masiyado itong sagabal sa aking pagtakbo. Kailangan ko na magmadali palabas ng kastilyo. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Hindi ko maiwasan ang hindi mangamba. Hindi ko mapigilan ang hindi mag-alala. Sa pagkakaalam ko, napakarami naming kalaban at marami rin sa amin ang nasawi dahil sa pakikipaglaban. Hindi pa ako magaling at hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang makipaglaban sa kanila sa ganitong sitwasyon. Masiyado akong nahihirapan. Masakit pa nga ang aking katawan pero ano ang magagawa ko? Wala. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Ang aking plano na protektahan ang aking mga mahal sa buhay ay hindi ko magawa dahil sa nararamdaman ko ngayon, ngunit, hindi ko ito hahayaan na ito ang maging dahilan kung bakit kahit sa huling pagkakataon ay maipakita ko man lang ang aking kakayahan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Lahat ng aking pagsisikap ay hindi man lang masayang. Lahat ng aking sakripisyo ay hindi man lang mapupunta sa wala. Patuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang sa makarating na ako sa malaking pinto papalabas ng kastilyo.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Mabilis kong binitawan ang aking damit atsaka ito itinulak. Ilang sandali pa ay dahan-dahan ng bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nakakasilaw na liwanag. Hindi ko na pigilan ang sarili ko na mapapikit. Ilang araw na ba akong hindi lumalabas sa silid na iyon at ilang araw na ba akong hindi nakakakita ng araw?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Ilang sandali pa ay tuluyan na rin akong naka-adjust sa liwanag. Kung kaya ay dahan-dahan kong binuksan sa aking mga mata at bumungad sa akin ang mga bagay na hindi ko inaasahan na makita.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ