Chapter 5

1110 Words
Chapter 5 "Congratulations Wyn! Tuloy-tuloy ang pagkakaroon mo ng commercial. Hindi malabong kunin ka rin nila bilang model ng mga ineendorsed mong product!" natutuwang sabi ni Ms. Ramirez sa akin." Kahit ako ay hindi mapigilan ang sayang nararamdaman dahil tuloy-tuloy ang mga dumarating sa akin na alok na commercial. Bukod doon ay maraming nagsasabi na malayo ang mararating ko dahil madali raw ako pakisamahan at palaging sumusunod sa kung ano ang sabihin nila. Hindi katulad noong iba ay nag-iinarte sa mismong shoot ng mga commercials. Ayon din naman ang palaging sinasabi sa akin ni mama dati. Na maging masunurin ako at kung may ayaw ako ay kaagad ko sabihin. Iyon ay isa lang sa mga alintuntunin niyang itinuro sa akin bilang maging magaling na aktres dahil bata pa lang ako, iyon na ang pangarap ko. Tanda ko rin na palagi kong tinatanong si mama noon kung paano siya naging artista. Palagi ko rin pinapanood ang mga pinagbidahan niyang mga drama noon sa telebisyon hanggang ngayon. Kamukha ko si mama kaya hindi nahirapan si Ms. Ramirez na hulaan na isa nga akong anak ng aktres lalo na at kilala si mama noon. Nang magtuloy-tuloy ako rito sa paggawa ng commercials ay halos ipinagmamalaki iyon ni Ms. Ramirez sa lahat ng mga taong nakakasalamuha niya dahil proud daw siya na ang alaga niya ay anak din ng isang aktres. Sana lang ay ipagmalaki rin niya talaga ako hindi dahil anak lang ako ni mama. Okay naman sa akin ang ginagawa ni Ms. Ramirez. Syempre na-aappreciate ko iyon dahil siya ang talent manager ko. Pero ayoko naman magtago na lang sa pangalan ng mama ko bilang magaling na aktres. I want to create my own name too! At alam niya 'yon. Nakakalungkot man isipin pero may mga balita na kumakalat na kaya lang ako nandito ay dahil anak nga ako ni mama at hindi dahil sa talent na meron ako. Hindi naman ako nagpapaapekto roon dahil wala naman Magandang maidudulot 'yon sa akin. At isa pa, wala rin naman akong pake pa sa iisipin nila. Kaya lang, bukod doon din siya isyung 'yon eh may naririnig pa akong iba. Na ako raw ang dahilan kung bakit nasira ang career ni mama noong aktres pa siya at bida pa ang pangalan niya sa publiko at sa industriya ng pag-aartista. Hindi ko maitanggi ang bagay na iyon dahil alam ko na ako ang dahilan kung bakit nawalan ng career si mama. Hindi planado ang pagbubuntis sa akin ni mama noon. Bukod doon ay nalubog kami sa utang dahil breach of contract ang ginawa ni mama. Kinakailangan ni mama na magbayad ng multa sa hindi pagtapos ng kontrata niya sa entertainment dahil sa pagbubuntis niya sa akin no'n. Idagdag pa na iniwan kami ng magaling kong ama at pinili ang ibang babae kesa sa amin ng pamilya niya, Sinubukan iyon itago sa akin ni mama pero dahil sa lola ko ay nalaman ko 'yon. Ayaw sa akin nil ola dahil bunga raw ako ng kamalasan. Ako raw ang salot sa buhay nila. Hindi naging malapit ang loob ko sa lola ko dahil parati niyang sinasabi 'yon na taliwas naman sa sinasabi ni mama sa akin. Kaya nagsumikap ako at ako ang nagtuloy ng pangarap ni mama na maging aktres. Nagtuloy-tuloy ang magandang career ko. Tuwang-tuwa sa akin ang manager ko. Ilang beses na rin niya ako pinapasok sa iba't ibang workshop para mas lalo akong humasa sa pag-akting. Sinala niya rin ako sa ilang model workshops. Nagsimula na rin ako mag-gym para pagandahin lalo ang hubog ng aking katawan. Sunod-sunod din ang papuri na natatanggap ko sa mga tao. Ang fan base ko ay unti-unti na rin lumalaki. Masaya akong ikinukwento iyon sa kaibigan ko at kay mama na nasa ospital pa rin hanggang ngayon. Binabalitaan ako ng doktor at tulad pa rin ng dati ay walang nagbago sa kondisyon ni mama. "Ma, magpagaling ka ha? Manonood ka pa ng awarding ceremony ko eh," wika ko nang bumisita ako sa kanya. May dala pa akong bulaklak. Sinamahan ako ng P.A kong si Marjorie sa ospital at isang body guard dahil unti-unti na akong nakikilala ng mga tao. Isang matamis na ngiti ang iginawad sa akin ni mama pero ang ngiting 'yon ang naging dahilan bakit hindi ako mapalagay. Alam ko kasi na may malalim na iniisip si mama at hindi niya lang sinasabi sa akin para hindi ako mag-alala. "Wyn, anak...?" "Yes Ma?" "May hihilingin sana ako, okay lang ba?" "Syempre naman Ma. Ano ba 'yon?" "Alam kong galit ka sa Papa mo dahil iniwan niya tayo. Pero pwede mo ba siyang hanapin para sa akin?" Iyon ang huling sinabi sa akin ni mama bago ko siya iwan sa ospital. Napabuntong-hininga ako. Ayoko sa papa ko. Hindi ko itatanggi 'yon at lalong hindi ako magsisinungaling sa bagay na 'yon. I hated him since he left us for another woman. Hindi ko alam kung paano naatim ng tatay ko na iwan niya kami sa kabila ng paghihirap na nararanasan naming dalawa ni mama. Pero iisa lang ang alam ko mula noon hanggang ngayon na naging malinaw sa akin noong bata pa ako. Iyon ang katotohanan na hindi niya kami mahal. If my father loves us, he won't leave us for another woman. Hindi niya nanaisin na iwan kami sa ganong sitwasyon o di kaya'y matagal na siguro siyang bumalik sa piling naming kung totoong mahal niya kami. Pero ni isa roon ay hindi niya ginawa. Kaya hindi ko maintindihan kung paano nasasabi ni mama na mahal kaming dalawa ni papa. Pagkatapos ng usaping 'yon ay ilang araw akong hindi nakabalik ng ospital dahil naging abala sa taping. Pero hindi rin naging maayos ang mga 'yon dahil sa lalim ng iniisip ko. Hindi natuwa ang manager ko sa pinapakita ko dahil nakailang retake sa shooting kanina at galit na ang director. Nakailang hingi ako ng sorry dahil doon. Nang dahil sa performance ko sa shooting kanina ay bukas na lang daw kami magre-resume. Inayos ko ang gamit ko papuntang ospital para makasama si mama sa ilang araw na pagkawala ko at humingi ng tawad dahil sa inakto ko nang banggitin niya si papa. Pero natigil 'yon nang naghihikahos na pumunta sa akin ang P.A kong si Patricia dala-dala ang telepono ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang makita ko ang namumutlang ekspresyon ni Patricia. Kaya naman kaagad kong hinablot ang telepono at sinagot ang tumawag. "Hello?" "Hello? Is this Wynter Delgado po?" "Yes..." "This is about your Mom, Ms. Delgado. We're—" Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko nang marinig ko ang mga sunod na sinabi ng doktor habang nagmamadaling magtungo ng ospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD