Chapter 6

1353 Words
Chapter 6 Hindi na alam ni Wynter kung saan siya kukuha ng pera para maipagamot ang mama niya. Alam niyang kahit magtrabaho pa siya ng magtrabaho ay hindi aabot ng mahigit isang milyon ang pera niya sa liit ng sinasahod niya at sa dami ng gastusin sa araw-araw. Gusto na lamang niya maiyak dahil gulong-gulo na siya. Ang gusto lang naman niya ay ang makasama pa ang mama niya nang matagal. Wala naman siyang hiniling na iba kundi iyon lang pero bakit parang hirap na hirap ang diyos na ibigay iyon sa kanya? Her mother is the only family she had. May tatay naman siya. Iyon nga lang, hindi rin nagpakatatay ang lalaking 'yon sa kanya. And now she needs him. Napangiti siya nang mapait at napailing. She would never call him nor see him again. Ayaw na niyang maramdaman ulit ang sakit na naramdaman niya noong bata pa siya. She did not grow up hating her own father without a reason. Oo, nakita niya kung paano sila iniwan nito noon pero hindi roon natatapos ang sakit na dinanas niya nang iwan sila nito. As a mere child, she was wondering why he left them. Alam niyang kahit itanong niya 'yon sa mama niya ay hindi nito iyon masasagot kaya nanahimik siya. Pasikreto niyang hinanap ang ama niya noon, hoping for an answer... hoping that he would come back for them. Iyon lang naman ang gusto niya noon eh, ang maging buo sila at makita ulit ang mama niya na masaya. As a child who is with her mother all the time, she would do anything to make her mother smile. Kaya akala niya kapag nagkita sila at nasagot ang mga tanong na nasa isip niya ay mawawala na ang sakit at makakangiti na ulit ang mama niya. But she was wrong. She ended up hurting and that wound left a deep scar on her heart until now. Nakita niya ang papa niya sa isang park noon. Remembering her father's face, nilapitan niya ito habang nakangiti at tinatawag itong 'papa' pero tinitigan lang siya ng lalaking 'yon na may panlalamig sa mata. Tandang-tanda niya kung paano tinanong ng babae ang papa niya kung sino siya at hindi niya malilimutan kailanman ang naging sagot nito roon. Malakas at malinaw nitong tinanggi na hindi niya kilala ang bata at baka nagkamali lang ito ng tawag sa kanya. Pagkatapos no'n ay hinila siya nito at sinabing ihahatid niya ito sa police station para makabalik sa totoong magulang na hindi naman talaga nangyari. Itinaboy siya nito at sinabi ang mga masasakit na salita na hindi niya akalain na maririnig niya sa sariling kadugo. She was bullied in her school. Aside from that, she was envious. Naiinggit siya sa mga kaklase niya na may tatay dahil iyong tatay na dapat nagpapakatatay sa kanya ay sa iba nagpapakatatay at itinataboy siya. Doon nagsimula ang galit na namuo habang lumalaki siya. Ni isa roon ay hindi niya sinabi sa mama niya dahil ayaw na niyang masaktan pa ito at umasa na babalik pa ito sa kanila. Akala niya, titigil na ito sa kakaasa but she was wrong because until now, her mother was still hoping that her father would see them or she already know the truth and she just wanted to continue hoping because that's how much her mother loves him. Kaya naman ganoon na lang ang ginawang pangako ni Wynter sa sarili niya. She would never be like her mother. She will become a strong woman. Strong enough to turn her back to people who have hurt and betrayed her. Ayaw man niya makita ang taong minsan na siyang itinaboy noong bata pa siya ay wala siyang pagpipilian ngayon dahil nasa bingit ng kamatayan ang mama niya. She needs to ask that man for financial assistance. At kahit magmukha siyang kawawa dahil sa pagmamakaawa na gagawin niya ay wala na siyang pakialam. She's desperate to save her mother's life. Kaya kahit magmukha siyang tanga sa pamilyang kinamumuhian niya ay gagawin niya. Ibababa niya ang pride na mayroon siya para sa mama niya. She called him pero sekretarya ang sumagot nito. Sinabi niya kung ano ang kailangan nito sa kanya. "I will talk to him about you and your mother situation, Maam. But I can't promise anything," malungkot na wika nito sa telepono bago ibinaba ang tawag. Dahil sa kadesperadahan ay napagdesisyon niyang magpunta sa opisina ng lalaking 'yon at personal na kausapin ito dahil alam niya na walang kahahantungan ang pakikipag-usap ng sekretarya nito. That man is heartless and until now, she can't accept the fact that she's running after him... because of money that she needs to extend her mom's life. Hindi niya maiwasan na sisihin ito dahil hindi naman magkakaganoon ang mama niya kung hindi sila nito iniwan noon. Pero hindi pa man siya nakakapunta ng opisina ay may sasakyan nang humarang sa dinaraanan niya. Kakatapos lang ng shift niya sa coffee shop at mamayang gabi pa ang susunod niyang trabaho kaya naman may oras siya para magmakaawa sa lalaking 'yon. "Are you Ms. Delgado?" tanong ng misteryosong lalaki na bumaba sa itim na sasakyan. Tumango siya at tumingin sa paligid. "My boss wants to talk to you. Don't worry, we won't hurt you." Tila nabasa ng lalaking 'yon ang iniisip niya kaya lalo lamang siyang kinabahan. Aakmang tatakbo siya pero nahawakan siya kaagad ng mga lalaking hindi niya napansin na kasama pala nung kumausap sa kanya. Hinawakan siya ng mga ito at pwersahang ipinasok sa sasakyan. "Bitiwan niyo ako! Saan niyo ba ako dadalhin?" "Let her be, Paulo." Tumingin siya sa babaeng nagsalita. Nakashade ito at halatang mayaman dahil sa kasuotan. Hindi niya maaninag ang mukha ng babae dahil sa suot nitong salamin. "Sino ka? Saan niyo ako dadalhin ha? Mga kidnappers kayo no? Mayayaman na ba ang—"We will give you twenty million if you take our offer," pagputol ng babae sa sinabi niya. Twenty million? Malaking pera iyon at siguradong sobra pa para maipagamot ang mama niya. "W-What offer? T-Teka nga! Sino ka ba?" "You can call me Joey. I'm the secretary of our boss who's unfortunately cannot meet you today because of her personal reasons." Boss? At hindi niya ito makikita o makakausap dahil sa mga personal na rason? Ano ba ang kailangan nito sa kaniya at bakit kilala siya nang mga ito? "We need you to intrude a wedding, two weeks from now. And if you successfully do that, we will give you the twenty million that you need, Ms. Delgado." "And if you're wondering, how did we end up knowing you and your situation, we run a background check about you." "W-What? Background check?" "Yes. You know Mr. Watson, right? He paid you to pretend his girlfriend to stop his ex-girlfriend from stalking him and harassing whoever woman he likes." Wala sa sariling napatango si Wynter dahil totoo 'yon. Minsan na siyang nagpanggap na girlfriend ni Lorenz dahil ginugulo siya ng ex niya. That Lorenz Watson is one of her workmates sa model industry. Nakilala niya ito nang maging kapartner niya iyon sa commercial at dahil nga magaling naman talaga siyang umakting kahit hindi pa ganoon kausbong ang career niya ay inaya siya nito na magpanggap na girlfriend kapalit ng pera. Hindi iyon alam ng management dahil labag iyon sa rules nila. That was a secret between him and her. Kung hindi naman niya kailangan nang pera ay hindi siya hahantong roon eh. "So, you're here because you want me to intrude a wedding in exchange of twenty million?" Tumango ang sekretarya sa pagkumpirma niya. Kaagad naman siyang umiling. "I can't accept your offer. I already made a rule about that and I will never do it again kahit na kailangan ko ng pera. I won't destroy a wedding. It is against with my principles." "Alam naming nasa malubhang kalagayan ang Mama mo, Wynter. Don't you want to save your mother?" Kumuyom ang palad niya. "Of course, I want to save my mother. Who wouldn't save their mother? But you can't use my mother to break my principles for your own likings, Ms. Joey. I hope you understand that."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD