Chapter8

1654 Words
Chapter 8 “Sorry Wyn, tinanggihan ka ulit nila…” malungkot na wika sa akin ng manager ko. I already expected that. Marami talagang tatanggi sa akin dahil sa nangyayari ngayon sa career ko. My name has been cleared at tumatakbo naman ang kaso ni Steven pero hindi ko naman inaasahan na babalik lahat ng mga pinaghirapan ko sa akin. “It’s fine, Maam. You already do your best to convince them.” Itinuturo ni Steven ang pangalan ko at kasabwat daw ako sa droga pero nagbigay na ako ng statement at tumutugma ang mga statement na binigay ko sa mga ebidensyang hawak namin. Halatang-halata na nagsisinungaling si Steven sa pagdawit niya sa pangalan ko kaya naman lalo siyang madidiin. Pero sa kabila nang mga inilabas naming ebidensya na walang katotohanan ang mga sinasabi at alegasyon sa akin ni Steven ay naniniwala pa rin ang iba sa binigay na statement nito. Even others think we had a special relationship kaya imposible daw na hindi ako sangkot at wala akong alam. Ginawa naman ng manager ko ang lahat para makumbinsi ang mga company na ineendorse ko noon na kunin ulit nila ako pero sa lahat nang ‘yon ay wala ni isang nag-yes sa pangungumbinsi na ginawa niya. Kahit nga maliliit na business na kailangan ng endorser or model ng product ay tumatanggi sa akin. Ganoon kalaki ang impact sa akin ni Steven. “If only Sir Rowan would help us, we won’t be here.” Tamad akong umupo sa sofa pagkatapos kumain ng agahan. Rowan? I doubt that. He told me what he wanted and that is to make me suffer and quit this career. Iyon daw ang tamang kabayaran sa ginawa ko sa kanya noon. Tama naman siya. Magkakaroon sana siya ng masayang pamilya dapat pero sinira ko ‘yon at siguro ang pangarap ko nga ang tamang kabayaran doon. But still, hindi ko pa rin alam kung anong dahilan ni Ms. Joey para gawin iyon. She didn’t tell me her motive at all. Pero siguro kahit itanong ko ay hindi niya rin naman ako sasagutin. Rowan probably knows her dahil hindi naman siguro niya ipapasira sa akin ang kasal noong lalaking ‘yon kung hindi. Hindi ko na rin itatanong kay Rowan kung kilala niya ba si Ms. Joey. Ayoko na ulit masangkot sa gulo. Okay na iyong nanira ako ng kasal at pinagbabayaran ko ‘yon ngayon. I didn’t want to add another burden. Okay na iyong wala akong alam kung ano ang koneksyon nila sa isa’r isa. Alam ko rin naman na kahit pa kausapin ni Clarissa si Rowan ay aayaw iyon. I will never forget those hatred in his own eyes. Malaki sigurong himala kung pumayag si Rowan na tulungan ako. “If I talk to him, do you think he would help us?” wika ni Clarissa sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at umiling sa kanya. Kumunot naman ang noo niya sa akin. “Why?” “Hindi ba ay sinabi niya na hindi siya tutulong kaya alam kong kahit anong usap ay hindi roon madadaan iyon,” pagdadahilan ko. Hindi ko pwede sabihin nak ilala ko ang CEO ng Star Entertainment at ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon. “Stop convincing him. He won’t help us or if he wanted to, matagal na niya siguro tayong tinulungan. Baka mamaya niyan, ikaw pa ang matanggalan ng trabaho dahil sa akin.” “Yup. We should stop convincing him. Instead of convincing him, we should prove him that we are worth of his help, Wyn,” ganadong wika niya sa akin. Hindi ko alam kung paano naming ipapakita iyon o kung ano man ang ideyang tumatakbo sa isip ni Clarissa. I didn’t want to know nor ask. Kung pwede nga lang magbago ng entertainment ay matagal ko nang ginawa pero sa nangyayari ngayon, malabo ‘yon. And my mom was a top actress on Star Entertainment. Gumawa si Clarissa nang paraan kung paano ako magkakaroon ng gig. May maliit na company na nagsisimula pa lang na kailangan ng endorser. Mukhang maganda naman ang plano ni Clarissa para sa akin kaya pumayag ako. Kinabukasan ay pumunta kami sa nasabing kumpanya. Maayos kaming tinanggap ng staff. Kinausap ni Clarissa ang CEO habang ako ay pumirma sa contract matapos kong basahin ‘yon. Six months ang contract at lahat ng product ng kumpanya ay ako ang mag-eendorse. Naging maayos iyon at wala akong naging problema. Sa sobrang ayos ay nagdududa na ako dahil parang may masamang mangyayari anuman oras. At tama nga ang kutob ko na masyadong maayos ang lahat dahil nasa loob ako ng company studio para sa acting workshop. May pinoprovide silang workshop every now and then para maimprove ang acting skills ng mga actress nila at kabilang na ako roon, Hindi ako isinama ng nagtuturo about sa acting workshop at nalaman iyon ni Clarissa kaya naman kaagad siyang nagpunta at kinausap ang management pero wala silang bukambibig kundi ang utos ni Rowan. Hindi na ako nagtaka roon. Alam ko naman kasi na haharangin niya lahat para lang hindi ako maging successful. Kalmado lang ako kahit hindi ko alam kung saan ako kukuha ng acting workshop. Alam kong hindi pa ako ganoon kabihasa pagdating sa acting kaya gusto ko rin iyon. “Sir Joel, this is unfair! Nakita niyo naman hindi ba? Magaling ang bata ko. Bakit hindi siya pwede magworkshop?” singhal ni Clarissa sa kanya. “She’s not talented. Dapat na siyang sumuko,” wika ni Sir Joel sa akin. Napatiim bagang ako. Hindi ako naniniwala na wala akong talento pagdating sa acting. Alam ko na may talento ako roon dahil kay mama. Namana ko iyon sa kanya. At hindi ko rin dapat sukuan iyon dahil hindi ko lang naman ito pangarap kundi pangarap din niya, “What? Sir!—“Clarissa, I know that you like your student,” seryosong wika ni Sir Joel sabay tingin sa akin. “Pero hindi magtatagal ang isang katulad niya lalo na at nasangkot na siya sa malaking eskandalo. Kahit na magwork-shop siya ngayon, hindi siya tatanggapin kahit lumipat pa siya. That’s how our industry works.” Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Maging si Clarissa ay ganoon din. Siguro ay nahimasmasan siya sa sinasabi nito. Totoo naman ‘yon. I was wrong. People don’t like me anymore because of things that I didn’t do. Syempre kahit sabihin ko na wala akong kinalaman doon ay natural na hindi ako paniwalaan ng mga tao lalo na at hindi pa naman tapos ang usapin sa korte. “Hindi pa tapos ang usapin sa korte! Walang kasalanan si Wynter!” wika ni Clarissa. “I know. Pero tingin mo ba, papaniwalaan pa siya ng mga tao porket pumanig sa kanya ang batas? Malamang ang iisipan ng mga tao ay nadala na naman sap era at kung hindi naman, sasabihan nila na kung anu-ano ng mga tao ang alaga mo,Clar.” Muling hindi nakaimik ang manager ko. Pero kitang-kita sa mukha niya ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ni Sir Joel sa akin at kung anuman ang tingin niya sa akin. Kahit ako ay hindi rin sang-ayon sa sinabi niya. I’ll do whatever it takes to make my dream come true. Hindi lang naman kasi pangarap ko ang pilit kong tinutupad kundi pati na rin ang pangarap ni mama. Sobrang importante sa akin ng pangarap ni mama kaya nga kahit wala na siya, pilit ko iyon tinutupad dahil alam kong kahit nasaan man siya ngayon ay magiging proud siya sa mararating ko. Umalis kami ni Clarissa sa studio at kung sinu-sino ang kinontak niya nang makabalik kami sa condo na tinutuluyan ko. I bought a condo after my mother died. Kinakailangan ko iwanan ang bahay kung saan kami pansamantalang tumira para makapagsimula muli at kalimutan ang sakit nang mawala si mama sa akin. Tamad na umupo si Clarissa sa sofa habang ako ay nag-aasikaso ng kakainin naming ngayong gabi. Pumunta ako sa kusina kung saan tanaw doon ang salas at saka naghanap ng pwede maluto sa ref. “Why do you look relax, Wyn? Hindi ka ba nag-aalala sa mangyayari sa career mo?” tanong niya sa akin. Napakurap ako nang magtagal ang titig ko sa kanya at pagkatapos ay nagkibit-balikat habang hawak ang kaldero na kinuha ko sa cabinet at inilagay ‘yon sa hugasan para hugasan. Relax? Hindi totoong relax ako. I’m actually disappointed on how they treat me as their artist especially their CEO. Alam ko na gagawin lahat ni Rowan na harangin ang pagkakataon na dumating sa akin pero hindi ko inaasahan ang ganito. He's so cruel. At tama nga ang pag-describe sa kanya ng mga empleyado sa kanya. At naiinis ako sa kanya at sa ugali niyang ‘yon kahit alam kong may kasalanan din ako dahil sa ginawa ko sa kanya noon. Pero hindi ba ay dapat marunong din siyang ibukod ang problema naming dalawa sa problema ko? “I’m not relax, Clar. I just chose to be calm dahil wala din naman akong magagawa kung matataranta ako,” paliwanag ko at saka nagsimula magbalat ng sibuyas at bawang. Gusto ko magluto ng kalderetang baka ngayong gabi kaya inilabas ko na ang mga kakailanganin ko sa pagluto. Pagkatapos no’n ay wala na akong narinig kay Clarissa. Napansin ko na lang na may kausap siya sa telepono kung saan nakaupo siya ngayon sa sofa habang nakataas ang paa sa center table sa salas. I was busy preparing our dinner for tonight when I heard Clarissa scream. Sa gulat at taranta ako ay napapunta ako sa salas. Akala ko kung anon a ang nangyari sa kanya pero nagkamali ako dahil tumatalon-talon si Clarissa sa tuwa at parang naiiyak pa. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko habang bakas sa mukha ang tuwa at sabik sa mga mata. “What—“Sir Rowan texted me! He told me that you have a new project!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD