Chapter 9

2327 Words
Chapter 9 Napaawang ang labi ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni Clarissa sa akin. I didn’t expect that Rowan will give me a new project despite of the issues that is on-going between the two of us. Sa sobrang hindi ko inaasahan ay talagang hindi ako makapaniwala. Ipinakita sa akin ni Clarissa ang text ni Rowan at doon ko nakumpirma na totoo nga dahil kahit sa akin ay nakatanggap din ako ng text galing sa kanya. Ni hindi ko nga alam na alam pala ni Rowan ang number ko. Nagtapos ang gabing ‘yon na masaya ako na nakatulog dahil looking forward ako sa project na ibinigay sa akin. Kinabukasan ay maaga kami pumunta ni Clarissa at ng mga crew para sa project. Inaasahan nga namin na may mga tao na roon at naghihintay na sila sa amin pero laking-gulat naming lahat nang wala kaming madatnan na tao sa lugar na ‘yon. Clarissa called the project manager even the director at iyong mga crew members and they told us that we have to wait kasi wala pa sila sa site. We waited for more than five hours. Inis na inis na si Clarissa dahil mistreatment daw iyon sa akin at sa mga crew na naghihintay sa kanila pero ang project manager ay tinawanan lang ang manager ko at hindi nagbigay ng kumento roon. Nagsisimula na ako ma-frustrate. I was happy last night because the project was given to me tapos eto ang madadatnan ko. Ayoko magreklamo kasi wala naman akong karapatan. I tried to be more patient and understanding pero nang magsimula na ang shoot para sa short commercial ay hindi ko nagustuhan ang mga trato sa akin ng mga tao roon. I was not even treated fairly. May co-actress akong kasama roon sa commercial na mas pinagtutuunan ng pansin kesa sa akin. I was not even asking to pay their attention to me dahil actress din ako. Ang hinihingi ko lang ay tamang pakikisama lang pero hindi ko ‘yon nakuha. I was pissed but I still must act professional because I am an actress. Pinilit kong ngumiti sa mga kasama ko doon sa site kahit na malapit na ako pumutok na parang bulkan. Even Clarissa could tell that I was already pissed and ready to lash out in any minute. Siguro ang naging last straw ko na ay noong napagalitan ang isa sa mga crew member na part ng team ko dahil hindi sinasadyang matapunan ng juice iyong katrabaho ko na actress. Nag-sorry na iyong gumawa pero nakatanggap pa ito ng malakas na sampal at sigaw galing doon sa actress na kasama ko. I was shocked pero hindi sapat iyon para masampal muli ng isang beses ang crew na ‘yon. Bago pa niya ito muling masampal ay nahawakan ko na ang kaliwa nitong kamay at inilayo iyon sa pagmumukha ng kasama ko. “What—“Why did you slap her?” I shouted. I matched her irritating voice with my voice. Umangat ang isa niyang kilay at kita ang inis doon sa pagmumukha niya. “Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita na natapunan niya ang damit ko? Do you know how much this dress cost?” “Tanga ka ba o sadyang bobo ka lang? Hindi niya sinasadya na tapunan ka! And I don’t give a fvck about how much that dress cost! May mas pakialam pa ako kung paano ka naging actress sa ugali mo na ‘yan!” “How dare you to slap—“Save me from your nonsense talk, Claire. Kahit actress ka pa o kung sinong pontio-pilato ka, wala kang karapatan na manakit ng ibang tao! And our crew already said sorry! Not once but twice! Kung ako siguro iyong crew na pinagsasampal mo, baka hindi pa ako humingi ng sorry. Just be thankful that she was sorry enough to say sorry for what she did kahit hindi naman niya sinasadya!” Lumipas ang araw na hindi ko kasundo ang mga katrabaho ko. Hindi na rin naman ako umaasa na makakasundo ko pa sila pagkatapos ng eksena na ginawa ko noong nakaraan. I slapped Clair hard. Naging usap-usapan pa iyon at kumalat sa buong building hanggang sa nadagdagan na nang nadagdagan ang ginawa kong pagsampal sa kanya na kesyo kaya ko raw siya sinampal ay dahil hindi ko siya gusto o dahil gusto ko maging pabida and so on. Wala naman akong pakialam na roon kaya kiber lang kung anong isyu ang ipagkalat nila. Binalitaan ako ni Clarissa na may shoot daw sa ibang lugar kaya kinakailangan ko bumili ng mga kailangan ko sa loob ng tatlong araw na nandoon ako. Kaya naman pagkauwi ko ay kaagad kong inasikaso ang mga ‘yon kahit na may binigay nang P.A si Clarissa para utusan ko. Hindi kasi ako sanay na may nag-aasikaso ng mga gamit ko. I’ve been doing it since then at doon na ako nasanay. Wala naman sigurong masama na iyon pa rin ang sundin ko lalo na at nagsisimula pa lang naman ako sa career ko. Inabot ko na lang ang mga gamit ko kay Paula na P.A ko bago sumakay sa van. Kasama ko iyong iba kong katrabaho sa shoot. Dalawang van din ang ginamit at si Clarissa na manager ko ang katabi ko. Nagkukwentuhan sila at hindi iyon matapos-tapos. Hindi ako nakikisabat dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihiin ko. Wala sila Claire sa van kung saan ako sumakay dahil doon sila sa isang van. Hindi kami ipinagsama sa iisang van dahil sa gulo na nangyari noong nagkasagupaan kaming dalawa. “Balita ko, kasama si Sir Rowan sa pagpunta natin doon?” wika noong isang crew. Hindi ako napatingin sa nagsasalita pero nagpantig ang tenga ko roon. Hindi ko masabi na okay na kami ni Rowan pero thankful ako sa project na ibinigay na. Hindi ko maiwasan na umasa na dito na magsisimula ang pangarap namin ni mama na maging artista balang araw. “Oo nga raw eh. Gusto niya raw kasi makita ng personal ang itsura ng pagsho-shooting-an kahit na hindi naman ganoon kalaki ang ginastos para sa shoot.” Saglit akong napaisip at nagtaka kung bakit gusto niya ito makita. Base on what I see, hindi siya magkakaroon ng interes sa mga ganitong bagay. Maybe he’s just doing his job as the new CEO and a business owner. Or maybe… Binabantayan niya ang bawat kilos at galaw ko. Mukhang hindi naman malabo mangyari ang bagay na ‘yon lalo na at galit siya sa akin. Hindi na nga siguro ako magtataka kung kukuha pa siya ng magbabantay sa akin para lang tignan ako kung may ginagawa ba akong kagaguhan. Until now, hindi ko pa rin gets kung bakit nagawa niyang ibigay sa akin ang project na ‘to. I know he’s doing something behind my back that will hurt me and get waiver. Mabuti na lang at mas makapal ang mukha ko na magtagal dito kesa alalahanin ang emosyon at nararamdaman ko. I was being practical. Kahit naman sundin ko ang emosyon ko at magalit kay Rowan dahil sa ginagawa niya sa akin kahit na alam kong ako naman ang may kasalanan ay pinili kong unahin ang pangarap namin ni mama. Ano bang magagawa ng emosyon kung iyon ang pipiliin ko? Natulog ako buong byahe. Dalawang oras ang inabot bago kami makarating sa nasabing hotel. Everyone was told to get some rest to get ready for the shoot tomorrow by morning. Kaysa magpahinga ay naglibot-libot muna ako sa nasabing hotel. The hotel was incredibly beautiful. Mula sa interior hanggang sa mga gamit na pinili ay halatang pinag-isipan. I even saw Rowan talking to a female in the lobby. Saglit kasi akong napadaan doon dahil sa paglalakad ko. Wala naman akong napansin na kahit na ano maliban sa alam kong nagkakacrush na sa kanya iyong babae sa front desk. Umangat ang kilay ko nang makita kong nakangiti si Rowan. He is using his charms to seduce women. Iignorahin ko na lang sana sila nang makita ako ni Rowan. Sa hindi inaasaahang pagkakataon ay lumapit sa akin si Rowan habang nakakrus ang magkabilang braso dahilan para lumitaw ang maputi nitong balat at ang mga ugat nito. “What are you doing here?” tanong niya habang nakataas ang kilay. Umatras ako ng isang hakbang palayo sa kanya dahil masyado siyang malapit sa akin. “Have you forgotten that I am your trainee, Mr. Santiago?” Ngumisi si Rowan at iyon ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ngumisi pero sa nakakatakot na paraan. He has this devilish look that made my heart beat faster than usual. “Not official, Ms. Delgado.” I was about to say something nang may tumawag sa pangalan niya. Isa ata iyon sa mga kasosyo niya sa negosyo kaya umalis na ako dahil mukhang naging abala na siya sa pakikipag-usap. Ayoko rin naman mapalapit kay Rowan. I was distancing myself to him for a reason and that is because I know I did something terrible to him. Isa sigurong ayoko sa sarili ko ay hindi ako makatagal na makitungo sa mga taong nagawan ko ng kasalanan dahil kinakain ako ng konsensya sa tuwing kinakausap ko sila. Pinapaalala lang ng bawat pakikitungo ko sa kanila ang kasalanang hindi ko dapat ginawa sa kanila. Lalo ko lang din napapatunayan na mabuti silang tao and I was wrong of my judgement. That is why I always cut ties with my client after their request. Dumaan ako sa CR at sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay narinig kong nag-uusap ang dalawa kong katrabaho tungkol kay Rowan.. Papasok dapat ako pero hindi ko tinuloy dahil seryoso ang pinag-uusapan nila. “Nagi-guilty na nga ako sa totoo lang eh. I can tell that Ms. Delgado was a good person perro hindi ko alam kung bakit iyon ang gusto ni Sir Rowan.” Tanda ko ang boses nung nagsasalita. Siya iyong crew na natapunan ng juice na pinagtanggol ko kay Claire last time. “Nagtataka nan ga rin ako eh. Nagsorry naman sa’yo si Claire no?” “Yes. After that act, nag-sorry siya sa akin. Pero hindi ko pa rin alam kung anong purpose nito at inutussan tayo ni Sir Rowan na umaktong hindi natin kasundo si Ms. Delgado.” I was dumbfounded. Ni kahit ang paglakad paalis sa pwesto ko ay hindi ko magawa dahil sa panginginig. Hindi ako makapaniwala na umabot sa puntong ganoon si Rowan. I know that he was mad but this is already crossing the line. Hindi ko ito basta-basta matatanggap. Pakiramdam ko ay nauto ako at nagalit pa kay Claire kahit na wala naman pala siyang intensyon na saktan iyong crew dahil utos ni Rowan. Lumabas sila sa CR at nakita akong nakaabang palabas roon. Pareho silang nagulat sa akin at kitang-kita sa mga mata nila ang takot at hindi maipintang ekspresyon. “Ms. Delgado…” “Totoo ba ang lahat nang ‘yon?” Tumango sila sa akin. Galit na galit ako lalo na sa mga nalaman ko na iba pang detalye na nagpakulo ng dugo ko. I understand what he wants and that is for me to get out of this industry so that he would never see me again and regret what I did in the past. Matagal ko naman nang pinagsisihan iyon. I told him that I was sorry and ready to face all the consequences pero hindi tamang isabotahe niya ang pangarap na meron ako dahil lang galit siya sa akin! I was fuming mad. Kaagad ko ssiyang hinanap at hindi naman ako nahirapan na hanapin siya dahil papunta rin siya sa gawi ko kasama ang sekretarya niya. “Wyn!” tawag sa akin ni Clarissa. Siguro ay nagtataka siya bakit galit ang ekspresyon ko habang nakatingin kay Rowan. Hindi ko pinansin ang ginawa niyang pagtawag ssa akin at naglakad papunta kay Rowan na may kasamang mabibilis na hakbang. “Rowan!” pagalit na sigaw ko sa kanya. Tila ba nagulat ang lahat sa pagtawag ko sa mismong pangalan niya at wala akong pakialam doon. I was mad and hurt. Siguro nga ay tama lang na gantihan niya ako pero hind isa ganitong paraan. Nang makalapit na ako sa kanya ay masama ko siyang tinitigan at bago pa siya makapagsalita ay bbuong lakas ko siya sinampal. Halos mamanhid ang kamay ko sa ginawa kong pagsampal sa kanya. “How dare you to use other people for your evil schemes? Alam kong galit ka sa akin pero hindi ka dapat nagmamanipula ng tao!” “Manipulation? Saan banda?” tanong niya sa akin. Ang bawat salita na‘yon ay ramdam ang bawat galit at poot na nararamdaman niya para sa akin. “You used them for what?” turo ko sa dalawang babae na nakassunod sa akin. Alam kong sinundan nila ako dahil nabasa nila kung ano ang balak kong gawin. Sinubukan naman nila ako pigilan pero nangingibabaw ang galit at sakit sa ginawa niya. Kung tutuusin, binigyan ko naman siya ng karapatan na gumanti sa akin para mabayaran ko ang kasalanan ko sa kanya, para masabing kwits na kami pero hind isa ganitong paraan na gagamit siya ng tao para utuin at saktan ako. “Because you wanted to hurt me? Because you’re mad? Who the fvck gave you the right to use other people to mess with my feelings?” “And how about you? Who gave you the right to messed up with my wedding?” “Yes! Ginulo ko ang kasal mo noon pero hindi ibig sabihin no’n ay may karapatan ka nang gawin ang lahat nang ‘to Rowan! Tinanggap ko lahat ng galit mo! Pumayag akong kawawain mo ako para ano? Para magbayad sa kasalanan na ginawa ko sa’yo noon dahil alam ko kung gaano ka nasaktan noon hanggang ngayon! Pero hindi makatarungan ang ginawa mo! You used other people to hurt me! Kung sasaktan moa ko, huwag kang gagamit ng ibang tao para manakit! It’s unfair!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD