Chapter 7
"Are you ready, Wynter?" tanong sa akin ni Ms. Joey. Kahit naman sabihin kong hindi pa ako handa ay wala na akong magagawa. Hindi ko ito pupwede atrasan dahil buhay ng mama ko ang nakataya rito.
Pagkatapos ko sila tanggihan isang linggo na ang nakakaraan ay muli ko silang kinontak para sabihin na pumapayag na ako sa gusto nila mangyari. Wala akong choice. The doctor told me that the operation is the only chance to extend my mother's life. Kahit ayoko sirain ang prinsipyo at pangako ko sa sarili ko na hindi ko na ulit gagawin ito ay wala na akong magagawa.
After calling them, kaagad nila akong pinadalhan ng mga impormasyon tungkol sa sisiraan ko ng kasal. At laking gulat ko nang malaman na mayaman pala ang ikakasal. I tried to ask about them to Ms. Joey but she told me that the information was private and I don't need to know the reason why they asked me to destroy the wedding or kung ano man ang koneksyon nila sa dalawang tao na ikakasal.
Wala rin naman akong interes na malaman 'yon. Isa pa, kaya ko lang naman natanong ay dahil nakain ako ng kuryosidad ko. Maraming tanong ang pumasok sa isip ko. Bakit kinakailangan pa nila ako i-hire kung pwede naman ang pakikipaghiwalay ng maayos? O baka naman wala silang mapaglaanan ng maraming pera kaya ganito sila maglaan ng gastos sa mga walang kwentang bagay tulad nito?
I mean, if you're not ready to be with him or her, then the only thing you can do that I know is to explain your reason with utmost sincerity. Afterall, puro makikitid lang naman na utak ang hindi iyon maiintindihan kahit anong eksplanasyon mo. But I don't think that's not the case dahil kung hindi sila handa, hindi siguro ganito kagarbo ang kasal nila.
I was exploring the venue with my own eyes. Halatang pinaghandaan mula sa dekorasyon at sa mga bisita. Isang kanto lang ang layo ko sa simbahan at kitang-kita mula sa kinatatayuan ko ang dami ng tao na aattend sa kasal na ito. Hindi naman agad kasi ako pwede umeksena roon. Dapat ay bago pa dumating sa kalagitnaan ang kasal ay eeksena na ako at manggugulo.
After I destroy their wedding, they told me that they will send the money immediately. Malaki naman ang tiwala ko sa kanila dahil ipinadala na nila ang kalahati sa bangko ko. At agad ko iyon pinadala sa hospital para ipambayad. Pero laking gulat ko nang malaman na bayad na ang bills at ooperahan na kaagad si mama.
Sabi ni Ms. Joey, dahil pumayag ako sa kondisyon ay nilibre na nila pati ang pagpapagamot ni mama sa ospital at iyong dalawang milyon ay bayad nila sa akin para sa pagsira ng kasal. Wala na akong nasabi dahil si mama lang naman ang inaalala ko at wala nang iba pa.
Tumango ako kay Ms. Joey at ngumiti nang pilit sa kanya. "I know that you don't agree with this and you have your own principle but I just wanted to say thank you for accepting our offer, Ms. Delgado."
Hindi ako nagsalita. Hindi ko kasi alam kung ano sasabihin ko. Para kasing ang lumalabas ay utang na loob nila sa akin na pumayag ako sa gusto nila. Kinakain na naman tuloy ako ng kuryosidad at gusto ko alamin kung ano ang mayroon pero alam kong hindi ako sasagutin ni Ms. Joey. I only smiled at her.
At noong tumunog na ang kampana sa simbahan ay nagsimula na ako maglakad papuntang simbahan. Sinalubong ako ng malaking pintuan. Napansin ko ang paglapit sa akin ng guard at doon pa lang ay alam ko nang pipigilan niya ako sa pagpasok.
Lakas-loob kong binuksan ang pintuan na dahilan kung bakit tumingin ang mga tao sa akin. Naglakad ako sa aisle. Malalaking hakbang ang iginawad ko habang hindi alintana ang mga taong nakatingin sa akin na tila ba nagtataka kung bakit ako nandito at kung sino ako.
"Itigil ang kasal!" malakas na sigaw ko.
Naglakad ako papunta sa gitna nang aisle, sapat lang para matanaw na si Rowan. Sabi ni Ms. Joey ay dapat palabasin ko na buntis ako at gawin kong convincing ang acting ko para hindi matuloy ang kasal. Pagkatapos no'n ay sisibat na ako at hindi na magpapakita sa kanila.
"Who are you?" tanong ni Rowan sa akin. Ang bride na nagnangangalang Carine ay nakatingin sa akin habang kita sa mukha niya ang gulat at hindi maipintang ekspresyon.
I was wearing a red gown when I got here. Plakadong-plakado ang make-up ko para sa araw na 'to. Ms. Joey let me chose my make up and what I like to wear as long as the execution of my acting is done nicely.
Mukhang hindi naman problema ang pagsuot ko ng pulang gown dahil nasa akin ang atensyon ng lahat.
"Who are you? Pagkatapos moa ko buntisin, iyan ang sasabihin mo sa akin? How dare you, Caleb?" sigaw ko.
Nagbulong-bulungan ang mga tao sa paligid.
"What?" hindi makapaniwalang sabi ni Rowan sa akin. Nakakunot na ang noo nito at tila hindi na nagugustuhan ang nangyayari sa paligid. "I-Is that true, Caleb?" wika ni Carine.
"Carine, hindi ko alam kung ano ang sinasabi ng babaeng 'yan. I did not even know that woman!" malakas niyang tanggi. Syempre, hindi mo talaga ako kilala. And I am hoping that this would be the last time that I am seeing you.
"Ako? Hindi mo ko kilala? Ang galing mo rin magsinungaling! Hindi na nakakapagtaka na nagawa mo akong paikutin ng isang taon! Pagkatapos moa ko sabihan na mahal moa ko at ako lang, ito pa ang igaganti mo sa akin? Magpapakasal ka sa iba?" sunod-sunod na wika ko. I wiped my fake tears.
"And you heard it right! I am pregnant and that man who is happen to be the groom is the father of my child!"
"Caleb! Ano ba ang sinasabi ng babaeng 'to? You had an affair with another woman?" gulat na wika ng babae na sa tingin ko ay nasa edad na forty's.
"Ma! Hindi ko alam kung anong sinasabi ng babaeng'yan! Maniwala kayo, hindi ko—"Hindi pa natatapos ang eksplanasyon ni Caleb ay may sumuntok na sa kanya."You had an affair with another woman while having a relationship with may daughter? How could you do that, Rowan?" malakas na sigaw ng lalaki. Puti na ang buhok nito at mukhang may edad na.
Halos mapangiwi ako nang makita ang pagputok ng labi ni Rowan sa suntok ng matandang lalaki. Inawat ng mga tao ang matanda para hindi na masaktan pa si Rowan.
"Sir, I swear—"Tumingin sa akin si Rowan. "Please tell them the truth! I don't know you! Baka nagkakamali ka lang!"
"Anong nagkakamali lang? Are you saying na ipinapasa ko ang responsibilidad ng batang nasa tyan ko sa ibang tao! You're ruthless!" sigaw ko.
"Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa kaisa-isa kong anak! You'll pay for this!" dagdag na wika ng matanda.
Nagsimula na ako umiyak sa harap nila. Nagkakagulo na sila at mukhang eto na ang oras para sumibat ako.
"I can't do this anymore! Kung ayaw mo sa bata, papalakihin ko siya mag-isa! Kalimutan mo na ako at ang anak mo!"