Chapter 2

1677 Words
Chapter 2 Matilda met someone she taught she could trust. Marlon came just in time when she needed someone the most. Akala niya ay talagang tutulungan na siya nito. Kakilala rin kasi ito ng kinagisnan niyang ama. Mabilis siyang nagtiwala nang magpakita ito ng motibo at nagsabi na tutulungan siya nitong umahon sa pagkakalugmok. She can still remember Marlon's exact words to her. "I can't stand seeing you lonely and having a hard time,” he said softly. “You don't deserve to live like this. I will help you get back to your feet again, Matilda. Trust me," he assured her. And she did. She trusted Marlon's words right there and then. She accepted him. Naging nobyo niya ito nang halos dalawang buwan. Nagplano sila na mag-invest dahil ayon kay Marlon ay kikita raw ng doble o triple ang pera na ilalabas nila. Makakapagnegosyo raw siyang muli at muling makaka-ahon.  She felt hopeful that time. Those were the words she needed to hear at that time. Kaya kahit walang isang milyong piso na hawak si Matilda ay naglakas loob siyang umutang sa nirekomenda ni Marlon sa kanya. Buong pag-asa siyang umutang ng isang milyon. Walang kailangan na background check, walang ibang hiningi na requirements sa kanya kundi ang pangalan, address at contact number niya. Mabilis lamang ang naging proseso. Pero kagaya ng bilis din ng pag-utang niya, gano'n din kabilis na natangay ang pera na inaasahan niyang mag-a-ahon sa kanya. Marlon took away her money and he never came back again. Parang pinagsakluban ng langit, lupa at impyerno si Matilda. Ilang araw siyang iyak lang nang iyak at hindi makakain. Hindi rin siya makatulog dahil para siyang binabangungot sa tuwing susubukan niyang ipikit ang mga mata. Hindi na niya alam kung ano pa ba ang mga dapat na gawin niya ngayon.  Nanatili lamang si Matilda sa loob ng inuupahang kwarto. Hindi siya makalabas ng limang araw na dahil sa sobrang sama ng loob niya.  "Bakit kailangan ko pang makaranas nang ganito?” tanong niya sa saril. “Bakit hindi na lang ako 'yong nagkasakit at namatay, imbes na si Daddy? Dapat ako na lang eh!" humahagulgol na sigaw ni Matilda. Ubos na niya ang tissue niya dahil sa kakaiyak at kakasinga. Barado na nga ang ilong niya. Magang-maga na rin ang mga mata niya sa sobrang pag-iyak. She never cried like this before. Hindi pa siya nakaranas ng sobrang pagsama ng loob noon. All she has done before was to spend money and to think again where she can spend her other remaining money.  Napakabilis nga naman umikot ng gulong ng mundo. Ang dating nasa itaas ay nasa ibaba na ngayon at lugmok na lugmok na. Alam niya sa sarili niya na wala nang paraan para maka-ahon pa siyang muli. Tumayo siya para kumuha ng tubig mula sa pitsel niya. Habang umiinom siya ng tubig ay nagulat na lamang siya nang biglang may sumira sa pinto ng kwartong tinutuluyan niya. May apat na lalaki ang kaagad na pumasok at lumapit sa kanya.  "Ayon siya,” sambit kaagad ng isa sa mga lalaki. “Simulan niyo na para magtanda 'yan," utos pa nito sa mga kasama. "Sino kayo?!" sigaw kaagad ni Matilda. "Kami ang pinadala ni Boss namin na inutangan at tinataguan mo,” pagpapakilala rin naman nito. “Dalawang linggo na, ano na ang plano mo? Kailan mo babayaran ang apat na milyon?" tanong pa ng lalaki sa kanya. "Apat na milyon?” gulat na tanong ni Matilda. “Isang milyon lang ang inutang ko sa inyo!" sigaw niya pa. Nagulat siya nang sampalin siya bigla ng isang lalaki. Ang lakas no'n at namanhid nang sobra ang pisngi niya. Pakiramdam niya ay tumalsik ang kaluluwa niya sa sampal na ‘yon. Wala pang kahit na sino noon ang nagtangkang magbuhat ng kamay sa kanya. "Kada lingo ay magiging doble ang halaga ng inutang mo,” deklara nito. “Nakadalawang linggo ka na. At kung hindi ka pa rin magbabayad ay patuloy lamang na lalaki nang lalaki ang utang mo sa amin," paliwanag nito sa kanya. "Mga wala kayong puso!” sigaw ni Matilda. “Mga manloloko!" umiiyak na dugtong pa niya.  Muli na naman siyang sinampal ng lalaki. Masakit na ang pisngi at panga niya pero wala naman siyang magawa.  "Patayin niyo na lang ako!” utos niya sa mga ito. “Wala akong ipangbabayad sa inyo kahit maging bilyon pa ang interes ng utang ko sa inyo!" dugtong pa niya. Sinuntok naman siya ng isang lalaki sa sikmura. Napaluhod siya dahil sa pamimilipit sa sakit na nararamdaman.  "Babalik kami ulit,” deklara ng lalaki. “At siguraduhin mong may ibabayad ka na sa amin. Tandaan mo, walang kinikilala ang grupo namin. Bata, matanda, babae o kahit may kapansanan ka pa," banta ng lalaki kay Matilda.  Tahimik na lamang siyang muling napaiyak nang iwanan siya ng apat na lalaki. Nakahiga siya sa sahig habang nakabaluktot at hawak ang masakit na sikmura. She wanted all of this to end. Hirap na hirap na siya. Gusto na niyang sumuko na lang. Gusto na niyang mamatay na. Wala na rin naman siyang dahilan para mabuhay pa. Bakit mabubuhay pa? Kung para ka na rin namang nasa impyerno at nagdurusa? Nakahiga si Matilda sa malamig na sahig habang nakatulala sa bubong. Pinag-iisipan niya ang mga magiging sunod na hakbang niya. She's desperate. She wanted to die. Dali-dali niyang kinuha ang wallet niya at binilang ang mga barya na naroon. Nagtungo siya sa botika para bumili ng sleeping pills. Umuwi rin naman siya kaagad. Ininom niya ang mga tabletang nabili niya at hinintay na kuhanin na siya ng dilim. "Sa wakas," mahinang usal ni Matilda habang nakakaramdam ng hilo. - Zero is currently at the top of a building. He's holding his Barrett M82 sniping gun while he's looking at his next target. Umiinom pa siya ng kape habang naghihintay ng tamang tiyempo.  Kasalukuyang may kausap ang lalaking target niya. At nang magkapalitan na ang mga ito ng mga dala nitong attache case, that's when he triggered his sniping gun. In just 4 seconds, his target is now dead and already laying on the ground. It's now a mission accomplished. And he could now rest for the remaining hours of his day. Ibinalik niya sa lagayan ang sniping gun. Nagkakagulo na ang mga tao sa baba. Kailangan na niyang umalis, dahil alam niyang mamaya lamang ay may darating na mga pulis at magsisimulang maghanap ng mga posibleng pumatay sa lalaking pinatay niya. His name is on a wanted list, but there was never a picture on the list. Wala pang ibang nakakakita sa mukha niya bukod kay Ed. Lahat ng kliyente niya ay walang ideya kung ano nga ba ang itsura niya. Kahit mga pinapatay niya, malayo man o sa malapitan, hindi rin nakikita ang mukha niya. He always wear his mask. Maingat siya, dahil alam niyang masyadong magiging madali sa mga pulis o kung sino man ang matunton siya kung alam ng mga ito ang itsura niya. Nang makababa siya sa building ay kaagad siyang pumasok sa isang coffee shop at dumiretso sa banyo para magpalit ng damit, at magtanggal ng takip sa mukha. Nailagay na niya kaagad kanina sa loob ng kotse niya ang bag na naglalaman ng sniping gun niya. Wala na siyang ibang dala ngayon, maging ang suot na damit kanina ay iniwan na niya sa basurahan sa banyo.  Nagpatuloy siya sa pag-inom ng kape habang nakatanaw sa labas at pinapanood ang mga paparating na sasakyan ng pulis at ang ambulansya.  "May pinatay sa labas,” rinig niyang bulong ng isang lalaki. “Sniper daw ang dumali," dugtong pa nito. "Baka dahil sa drugs na naman 'yan?” tanong pa ng kausap ng lalaki. “Natokhang? Baka hindi nagkasundo sa hatian?" patuloy na diskosyun nila. He doesn't have the slightest idea of what could be the reason of his client why he needed to kill the man he just killed earlier. Wala rin naman kasi siyang pakialam. Masamang tao man ito o mabuti, hindi na niya inaalam pa. As long as they will pay him and he feels like doing the job, then he will accept it and comply. Bakit pa niya sasayangin ang oras niya sa kwento ng buhay ng ibang tao? He's already living the life he wanted.  - Biglang lumagabog ang paligid. Napamulat tuloy ng mga mata si Matilda. Natagpuan niya ang sariling nasa lapag na. Napahawak siya sa sentido. Sobrang kirot ng ulo niya. Ilang beses pa niyang ipinikit-pikit ang mga mata, saka lamang niya naalala kung ano nga ba ang ginawa niya. "Bakit nagising pa rin ako?” tanong ni Matilda sa sarili. “Bakit buhay pa rin ako?" dugtong pa niya. Maraming sleeping pills na nga ang ininom niya, hindi pa rin siya natuluyan? Bakit pati sa planong pagpapakamatay ay palpak din siya? Gano'n na ba talaga kasalimuot ang buhay niya? Pati kamatayan, ipagkakait pa sa kanya? Kumuha siya ng tubig at mabilis na ininom. Matapos niyang uminom ay ibinato niya sa sahig ang babasagin na basong pinag-inuman niya. Kumalat ang mga basag na piraso no'n sa sahig, kaagad naman siyang pumulot ng isang matulis na piraso mula sa nabasag na baso. Tinitigan niya iyon saglit. Napatitig siya sa kamay niya sa bandang palapulsuhan. Dahan-dahan niya iyon na inilapit sa balat niya. Idiniin niya ang matulis na piraso sa palapulsuhan niya. "f**k!” biglang sigaw ni Matilda. “Ang sakit!" reklamo niya pa. Kaagad naman niyang binitiwan ang bubog na hawak. Hindi pa man niya naibabaon ang matulis na parte ng bubog ay nasaktan na kaagad siya.  "Hindi ko kayang maglaslas, masyadong masakit 'yon,” lahad niya sa sarili. “Ibang paraan na lang. Sa ibang paraan na lang ako magpapakamatay. Punyetang buhay naman eh!" patuloy na reklamo pa ni Matilda. Kaagad din naman niyang winalis ang mga bubog ng baso na binasag niya kanina. She has a very low tolerance on pain. Hindi niya kayang saktan ang sarili niya. Masyado siyang takot at kinakabahan. Iisip na lamang siya ng ibang paraan para kitilin ang buhay niya. Marami pa namang paraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD