Chapter 1
Matilda Morgan is an only daughter of a wealthy family. Sanay siya sa maginhawa at marangya na klase ng pamumuhay. Lahat ng kailangan at mga nais niya ay madali lamang niyang nakukuha. It's one of the advantages that you will have when you have a lot of money. And if your family is well-known and has a stable business.
Nang dahil din sa karangyaan, lumaki si Matilda na may pagkamayabang. She's a spoiled brat who loves to bully weak and quiet students. Iyon ang dahilan kung bakit wala siyang matawag o maturing na mga totoong kaibigan simula pa noon. All of those people are beside her just because of her money and her parents’ power.
Nakapagtapos siya ng kolehiyo. She majored in Business. Siya kasi ang magiging tagapagmana ng negosyo ng mga magulang pagdating ng araw. Ngunit apat na taon pa lamang siyang sinasanay sa kumpanya ay bigla na lamang nagkasakit ang kanyang ama. Unti-unting bumagsak ang katawan nito sa kabila ng mga therapy at mga gamot na sinubukan nila. Paunti-unti na ring nabawasan ang pera ng pamilya nila dahil sa tagal na namalagi ng ama sa ospital.
Dalawang taon na mula nang mamaalam sa mundo ang kanyang ama. Kasabay nitong namaalam ang negosyo nila. Nalugi, nabaon sa utang at hindi na sila nakaahon pa. Doon nagsimula ang malaking pagbabago sa buhay niya. Hindi siya marunong magtipid. Hindi niya kaya na hindi bibili araw-araw ng mga bagong damit. Ang mga mamahaling sapatos, bag at mga alahas niya, isa-isa na nilang naibenta. Grabe ang pag-iyak niya bago bitawan ang huling bag at pares na gintong hikaw niya.
She can still remember how her Mommy Mae told her the truth after she gave up everything she owns, from expensive bags, clothes, and cars she owns, just to survive.
"Mada, I know it's not the right time, because there will never be a perfect time to tell you this,” she softly said. “But you need to know the truth. Hindi ka namin tunay na anak ng Daddy Ernest mo,” pag-amin pa nito. “We adopted a child from the orphanage since he can't make me pregnant. Naging masaya ka naman sa mga nakaraang taon, di'ba? Sorry, pero kailangan ko nang umalis ngayon at iwan ka. Hindi ko kaya ang ganitong buhay. Mababaliw ako, anak. Sasama na ako sa ibang lalaki. You can now live on your own, Mada," Mommy Mae told her.
Wala siyang panahon at pagkakataon para mag-adjust. In just a span of an hour, her Mommy Mae disappeared. Totoo nga na iniwan na siya nito at sumama na ito sa lalaking nakasakay sa kotse. Ni hindi man lamang siya nito naisipan na isama? She gave up everything she owns just so they could have some money to be able to survive their daily lives. Pero hindi pala siya kasama sa plano ng itinuring niyang ina. Dalawampu’t-apat na taon silang magkasama, pero gano'n-gano'n na lamang siyang inabanduna. Matapos nitong sabihin ang katotohanan na ampon lang naman pala siya?
Napasalampak na lamang si Matilda sa sahig habang pilit na tinatawanan ang mga naiwang problema na nakapatong ngayon sa mga maninipis niyang balikat.
"Ito na nga yata ang kabayaran sa mga ginawa kong kalokohan noon?” tanong niya sa sarili. “Ang lupit naman yata masyado ng ganti? Sana may warning naman muna? Para nagpakabait na lang sana ako dati?" patuloy na pagkwestyon ni Matilda sa sarili niya.
She started crying silently. Hindi siya sanay nang mag-isa. Mula noon, kinagisnan niyang may ibang tao na nagsisilbi para sa kanya. May ibang gumagawa at nag-aasikaso para sa kanya. Pero iba na ang sitwasyon niya ngayon. Wala na siyang ibang maaasahan pa kundi ang sarili niya. Iniwan na siya ng lahat eh.
-
"You never fail to amaze all our clients, Zero. Masyado mo silang pinapasaya sa mga nakaraang trabaho mo," masayang bati pa ni Edwin kay Zero.
Kasalukuyang nasa abandonadong tulay sina Ed at Zero. Si Ed madalas ang nagsisilbing tulay kay Zero at sa mga kliyente nito. Madalas kasi ay hindi pinapansin ni Zero ang ibang sumusubok na magtext o tumawag man sa kanya. He's known for being the snob but very powerful hitman alive.
"I won't be named Zero for nothing, Ed," seryosong tugon lang ni Zero.
"I know. Zero mission failed, zero mistake, and zero rin pagdating sa buhay pag-ibig," pang-aasar pa nito.
Pabiro namang kinasahan ni Zero si Ed ng baril. Kaagad din namang itinaas ni Edwin ang mga kamay bilang pagsuko nito.
"Zero interest on women. That's what you should have said," he corrected Ed.
"Okay, I got it now. Wala namang p*****n!" tugon na lamang din naman ni Edwin.
"I won't accept any job for tomorrow. Don't you try to attempt disturbing me. I won't just simply shoot you, I will rip your chest and give your guts to the dogs," he warned him.
"I know!” Ed quickly answered. “Tomorrow is an untouchable day. Please send my regards to your Mom and Dad," Ed quickly answered Zero.
Zero didn't respond to Ed. Tomorrow is his Mom and Dad's death anniversary. It's been ten years already. 4th year high school siya noong nangyari ang bangungot ng nakaraan niya. His Mom and Dad have been killed. Nadamay lang ang mga ito sa hinahabol na drug addicts ng mga panahon na ‘yon. Natamaan ang mga ito ng mga ligaw na bala. Just like that, he became alone. He's been colder and wiser since then.
Why did he became an assassin or a hitman? Simply because it was an easy job for him. A lot of people are willing to pay him by just killing someone. Isa o dalawang putok lamang ng baril niya, daang libo o minsan pa nga ay milyon ang kapalit na kabayaran.
Hindi na nga niya mabilang kung ilan na nga ba ang napatay niya kapalit ng pera? Sampu? Dalawampu? Hindi lang. Lagpas isang daan na rin. He stopped counting after two years of being a hitman. Matrabaho pa ang magbilang kaysa pumatay.
Kilala siya na pinakamahusay, malinis at pulido kung trumabaho. Alam ng mga kliyente niya na hindi mapapahamak ang mga ito kapag si Zero ang kinuha para tumumba sa mga kalaban nila. His rate might be pricey, but you will get what you have paid for. The higher the price, the cleaner the crime.
Politicians, Artists, Religious group leaders, ordinary people, name it. Halos lahat na ng klase ng tao ay naging kliyente na ni Zero. Hindi na nga siya nagugulat sa mga taong lumalapit sa kanya para magpapatay. Minsan, ang mga hindi mo pa inaakalang makakasakit ng kahit na langgam ay kayang-kaya palang magpapatay ng ibang tao para lamang iligtas ang sarili nila. Gano'n kagahaman ang iba. Pera, pansamantala na katahimikan, kapalit ay kunsensya nila.
Hindi ba siya nakakaramdam ng takot o pag-aalangan sa tuwing pumapatay? Noong una nagkakaroon siya ng pag-aalinlangan. Pero ngayon, wala na siyang ibang nararamdaman. He could kill someone in just a blink of an eye. Mas mahal ang bayad sa kanya, mas mabilis at malinis niyang ginagawa. This is just purely business.
Alam niyang marami ring galit sa kanya dahil sa uri ng trabaho mayroon siya. Mga pamilya ng pinatay niya, mga kliyenteng tinatanggihan niya, at ang iba ay kapwa niya rin kriminal. Pero may pakialam ba siya? Siyempre, wala. They could hate him, the hell he cares. They could try killing him, but he will make sure that it's them who will end up dead first, instead of him.
Wala pang naglalakas loob sumubok na kalabanin siya. At kung magkaroon man, handang-handa rin naman siya. Mata sa mata, ngipin sa ngipin.