Prologue
Zero's job is a gun for hire. Isa siya sa pinakamatinik na gunman sa underworld, kaya naman kinatatakutan rin siya ng ibang kapwa kriminal niya dahil sa husay niya sa pakikipaglaban. He has a clean record. Lahat ng nasa listahan niya, tiyak na patay kaagad. Walang mintis, walang sablay.
He is now one of the richest criminal in the Philippines. Pangalan lamang niya ang kilala ng karamihan dahil iilan pa lamang ang nakakakita sa tunay na itsura ng isang Zero Santiago. Mailap siya pagdating sa ibang mga tao. Hindi siya basta-basta tumatanggap ng trabaho kung kanino, at kapag hindi niya gusto, tatanggihan niya ang kliyente kahit na Malaki pa ang ibabayad nito sa kanya.
Si Matilda naman ay galing sa dating mayaman na pamilya. Lumaki siya sa luho, at madali niyang nakukuha noon ang mga bagay na gustuhin niya. Ngunit simula nang mamatay ang kanyang ama, nagsimula na rin ang kalbaryo ng buhay niya. Unti-unting bumagsak ang kanilang negosyo. At dalawang taon lamang ang makalipas, inamin naman ng kanyang ina ang katotohanan na ampon lamang siya at hindi tunay na anak. Matapos aminin ang katotohanan ay iniwan na siya nito at hinayaan nang tuluyang maghirap. She tried working hard. Nabaon na siya sa utang. She even got scammed by her boyfriend. Ngayon, hinahabol siya ng mga loan sharks dahil hindi na niya mabayaran ang halos tatlong milyong utang niya. Sa laki ba naman ng interest kada buwan, sigurado siyang kahit buhay niya ay kukulangin pa na pangbayad.
She decided to end everything. Pero paano? Takot siyang masugatan, hindi niya magawang maglaslas. Takot siya sa mataas na lugar, hindi niya magawang tumalon sa building o sa tulay. Ayaw niyang maging pangit sa burol niya kaya hindi niya magawang magbigti.
So, she hired someone to finish the business. She hired the best gunman just to kill herself. Will Zero be successful on his mission? O si Matilda na kaya ang kauna-unahan niyang sablay ngayon?