Chapter 4

1563 Words
Chapter 4 Nakatulala si Matilda sa kumpol ng pera na nilabas niya mula sa brown envelop. Hindi pa rin siya makapaniwala na may nagbigay sa kanya ng ganito kalaking halaga ng salapi.  Noon, mabilis lamang niyang maubos sa pagshopping sa online ang ganitong halaga ng pera, pero ngayon, malaking bagay na ito. Napaisip siya kung talaga bang binayaran siya ng lalaking nakabangga sa kanya para sa perwisyo at para wala nang mahabang usapan pa? Sobrang yaman ba nito para magtapon ng ganitong halaga? "Wala na akong pakialam kung mayaman man siya, o hindi. O kung may saltik man siya sa ulo kaya binigyan niya ako ng pera. Ang mahalaga, may pera ako ngayon," bulong pa ni Matilda sa sarili niya. Kaagad siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa hospital bed niya. She wanted to get discharged immediately. Ayaw na niyang magtagal pa, dahil baka siya na ang magbayad ng mga magiging bills niya. Iika-ika pa nga siyang naglakad palabas ng ospital. Hawak niya nang mahigpit ang brown envelop na naglalaman ng pera niya. Bago siya tuluyang umuwi ay dumaan muna siya sa isang coffee shop. She ordered a chocolate frappuccino and a blueberry cheesecake. She deserves this reward after all of what she experienced these past few days. Bago man lang siya mamatay, makakain man lang siya uli ng mga ganito.  Yes, she still wants to die. Why? Because despite having this large amount of money now, which she thinks is roughly around three hundred thousand pesos. She knows, once this money has been spent, she will experience the same hard ship again. So, why will she make it hard for herself? Iniisip pa rin niya ang lalaking nakabundol, nagsugod sa kanya sa ospital, at nagbigay ng pera. Isa pa rin itong pala-isipan. Pero ikikibit na lamang niya ang mga balikat niya sa ngayon. She will just treat this as a blessing. Kahit paano pala ay hindi pa rin siya pinagdadamutan ng tadhana. Sa kabila ng maraming sablay sa buhay niya ngayon, may isa pa ring magandang nangyari.  Pagkauwi niya sa kwartong tinutuluyan niya na may sirang pinto ngayon, kaagad niyang itinago ang perang ibinigay sa kanya. Sinigurado niyang hindi 'yon madaling mahahanap kung sakaling mapasok man siya ng mga magnanakaw o kung bumalik man ang mga walang modong lalaking sumira sa pinto niya noong nakaraan.  Hirap siyang makatulog sa gabing 'yon. Kumikirot ang tahi niya sa noo. Nakalimutan niyang bumili ng pain reliever kanina dahil kakaisip na may nagbigay ng pera sa kanya. Tiniis niya 'yon hanggang sumapit ang umaga, kaya umaga na rin siya nakapagpahinga at nakatulog nang bahagya. Kasalukuyang malalim ang tulog ni Matilda nang biglang may humila sa braso niya. Kaagad siyang naalimpungatan at napangiwi dahil sa sakit. Marami kasing galos sa parte ng brasong hinila ngayon-ngayon lang.  "Sino kayo?!" sigaw niya. "Wala ka pa rin bang ipangbabayad sa amin?" tanong ng isang paos na boses. Pamilyar ang boses na 'yon. Ito ang mga lalaking nagpumilit na pumasok sa bahay niya noong nakaraang araw para singilin siya sa pera na inutang niya ngunit itinakbo rin naman ng pinagkatiwalaan niya. "Wala pa akong pera. Wala akong ibabayad sa inyo!" sigaw ni Matilda. "Wala? Alam mo na siguro ang kahihinatnan mo kung wala ka pa ring pangbayad ngayon?" tanong ng lalaki. Hindi kumibo si Matilda. "Sige, pahirapan niyo 'yan. Hindi pa rin pala nagtatanda. Kailangang makaramdam ng takot 'yan," utos pa ng lalaki sa mga kasamahan nito. "Maawa kayo!" sigaw ni Matilda. Ngunit tila bingi ang mga ito. Pinagbuhatan pa rin siya ng kamay. Lalo tuloy sumakit ang mga galos niya, lalo na ang bagong tahing sugat niya sa noo kahapon lang. Ilang beses siyang sinuntok sa sikmura. Wala talagang puso ang mga lalaking 'to. Bakit hindi na lang siya patayin ng mga ito? Nang manghina na siya, saka lamang huminto ang mga ito sa p*******t sa kanya. Dumudugo na ngayon ang benda niya sa noo. Manhid na rin ang panga niya at ubod nang sakit ang sikmura niya. "Sa susunod na araw, kapag wala ka pa ring pera na maibabayad sa amin, hindi lang bugbog ang aabutin mo. Bubukaka ka na," banta pa ng lalaki. Hindi na nakasagot pa si Matilda dahil sa sakit ng katawan niya ngayon. Kagaya ng unang pagkakataon noon, iniwan siyang muli ng mga masasamang lalaki. Halos gumapang na lamang si Matilda sa sahig. Pinilit niyang makatayo.  Nakita niya sa salamin ang sarili. Namumula ang dalawang pisngi. May dugo na ngayon sa benda ng tahi niya sa noon. Pumutok din ang gilid ng kaliwang labi niya. Napa-iling na lang si Matilda sa nakikitang repleksyon ng mukha. "Buhay ka pa, pero parang hindi ka na rin naman tao kung mamuhay," bulong niya sa sarili. She's very desperate to end her own life. Mas maganda sana kung sinaksak na lang siya ng mga lalaki kanina para tapos na ang paghihirap niya eh. Kaso mukhang wala sa plano ng mga ito ang patayin siya. Takutin, saktan at mukhang may pagnanasa pa ang mga ito sa kanya. Hindi siya papayag na magpagamit sa mga ito. Sisiguraduhin niyang malamig na bangkay na ang aabutan nila sa susunod na pagbalik nila. - "What? Hindi mo kilala 'yong babae pero ibinigay mo ro'n ang perang ibinayad sa'yo para patayin si Mr. Angelo?! Nababaliw ka na ba? Halika, ipapatingin kita sa Doktor," gulat na sabi ni Ed kay Zero. "What do you want me to do? Just leave her? Kung walang maraming saksi kanina, tatakbuhan ko siya. Kaso hindi eh. It will be a pain in the ass. At ang ibinigay kong pera, parang danyos na rin 'yon sa mga injuries niya. Bakit ba galit ka? Pera mo ba ang ibinigay ko? Hindi naman, ah?" Singhal din ni Zero. "Sinisigurado ka lang na hindi ka pa nahihibang. Bahala ka na nga!" Tugon din ni Ed. "Hindi ako ulit tatanggap bukas. Kung may kumausap sa'yo, sabihin mo, puno ang listahan ko ng mga papatayin. Kapag tumanggap ka, idadagdag kita sa listahan ko ng itutumba," banta pa ni Zero. "Bakit ayaw mo na namang tumanggap bukas? Wala ka namang ganap, ah?" Tanong ni Ed. "I just want to think," tugon ni Zero "What? Think of what?! Inlove ka ba? May ka-date ka ba bukas?" Sunud-sunod na tanong ni Ed. "Nasaan na ba 'yong caliber 45 ko? Ang ingay masyado nitong nagtatanong?" bulong ni Zero. "Sabi ko nga, aalis na ako. Hindi ako tatanggap ng para bukas. Imo-move ko na. Sa susunod na araw na lang," tugon din ni Ed. May mga araw o oras talaga na biglang ayaw ni Zero na magtrabaho. May magagawa ba ang mga kliyente niya? Siyempre, wala. Kung atat ang mga ito na magpapatay, sila na lamang ang gumawa.  Humiga si Zero sa kama ng kwartong tinutuluyan niya. Natulala siya sa kisame at nag-isip ng kung anu-ano. Wala siyang permanenteng tinutuluyan dito sa Maynila. Alam niya kung gaano ka-delikado ang magtagal sa iisang lugar. Kung may kalaban man, madali siyang mahahanap at mako-corner kung masyado siyang maging kampante na manirahan sa iisang lugar lamang. Natutulog si Zero na may nakatabing baril sa bed side table nila. May baril din sa ilalim ng lamesa na 'yon, mayroon din sa ilalim ng kama at sa sahig. He never slept in peace. Palaging mababaw ang tulog niya simula nang pasukin niya ang mundong ginagalawan niya ngayon. Pakiramdam niya kasi, kapag natulog siya nang mahimbing, tutuloy na 'yon. Wala nang gisingan pa. - "You have a new assignment today. Madali lang 'yan. Isang kabit na babae ang ipinapapatay. Kill her while she's asleep in her room. Easy, right?" lahad pa ni Ed. "Why do you need to tell me the details? Wala akong pakialam kung kabit, disente o kung ano pa man 'yan. Akin na ang address," tanong ni Zero. "Sorry, dumulas lang naman sa dila ko. Minsan 'yong mga detalye kasi, nasasabi ko pala nang malakas. Akala ko iniisip ko lang eh," paliwanag din naman ni Ed. "Don't forget that I don't give a damn about them, Ed. There's no room for any emotions towards them," paliwanag ni Zero. Tumango lang naman si Ed sa kanya at hindi na nagsalita pa dahil nagsimula na itong maglaro sa sariling cellphone. Kinagabihan ay napadpad si Zero sa isang apartment building. 6th floor naroon ang next target niya base sa mga detalye na galing kay Ed. Mabilis niyang nahanap ang kwarto ng susunod na biktima. Ngunit nagtaka siya kung bakit bukas at sira ang doorknob ng kwartong 'yon. Mabilis siyang nakapasok sa loob. Nadatnan niya ang makalat na kwarto sa loob. Maraming basura. Balat ng pinagkainan at pinag-inuman na kung anu-ano.  Nakita niyang may nakatulakbong na tao sa kama. Sigurado siyang 'yon na ang target niya, dahil ayon kay Ed, mag-isa lang naman raw ito sa buhay. Inilabas na niya ang silencer na dala at dahan-dahang lumapit sa nasa kama. Itinutok na niya ang baril sa bandang ulunan ng biktima, ngunit gumalaw ito mula sa ilalim ng kumot. Nag-alangan tuloy si Zero. Pinakiramdaman niya kung muling gagalaw ang nasa loob ng kumot pero wala na. Muli niyang itinutok ang baril sa ulo ng biktima. He was about to pull the trigger to kill this b***h. But, he became uncertain. Suddenly, he was hesitant to do this. The curiosity in him started growing. Inangat niya ang kumot at tinignan ang nasa loob no'n.  "Ang tagal mo naman akong barilin!" sigaw bigla ng babae na nag-alis ng kumot. He was surprised.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD