Chapter 5

1459 Words
Chapter 5 "Ang tagal mo naman akong barilin!" reklamo ng babaeng nasa harapan niya ngayon. Nabitawan ni Zero ang hawak na baril. The woman is awake and she was actually waiting for him? "Alam mo na nandito ako para patayin ka?!" tanong ni Zero. "Pulutin mo 'yong baril mo. Take 2 tayo, kunyari wala akong alam. Bilis!" utos pa ng babae kay Zero. Humiga muli ang babae sa kama at nagtilakbong pa ng kumot na akala mo ay wala lang ang lahat sa paligid nito. "Hey. How did you know that I will be here? Nagsumbong ka na ba sa mga pulis?" tanong muli ni Zero. "Why would I report you? Bakit ba marami ka pang satsat? Bakit hindi mo na lang ako patayin kaagad?" tanong din ni Matilda. Zero knows this woman. Ito ang babaeng nabangga niya noong nakaraang araw. Nagkrus na naman ang landas nila sa pangalawang pagkakataon at muntik na naman niya itong mapatay ngayon. "So, ikaw ang kabit na dapat kong patayin ngayong gabi? Bakit hindi ka natatakot na mapatay? Why do you sound like you're okay with it?" nagtatakang tanong ni Zero. "Ako ang kumuha sa'yo. Okay na? Wala ka nang tanong? Babarilin mo na ba ako? Pakibilisan naman," tugon din ni Matilda. "No, I won't kill you," mariing tanggi ni Zero. Napabangon tuloy si Matilda sa narinig niya. "What?! Why won't you!? Bayad ka! Gawin mo ang trabaho mo!" singhal pa niya rito. "My job is to kill. Not to consent a suicide. Why would you want to die, anyway?" tanong pa ni Zero. "Why would you want to know? Hindi ba gun for hire ang trabaho mo? Usually ba talaga may interview ka pa muna sa mga pinapatay mo bago mo sila patayin? Hindi 'yan nabanggit sa akin ng kausap ko, ha?" nagtatakang tanong ni Matilda. "Did you use the money I gave you to hire me?" kunut-noong tanong ni Zero. "Money? What money?" Nagtatakang tanong ni Matilda. Nanglaki bigla ang mga mata niya nang marealize ang sinabi ng gunman na nasa harapan ngayon. "Ikaw 'yon? Ikaw 'yong lalaking bumangga sa akin?!" sigaw ni Matilda. Hindi naman sumagot ang lalaki sa kanya. Nakatakip pa rin kasi ang mukha ng lalaki ngayon at madilim sa kwarto ni Matilda kaya hindi rin niya maaninag nang maayos ang bulto nito. "Ikaw man o hindi, kailangan mo pa ring tapusin ang trabaho mo ngayon. Bilis na, para wala nang mahabang usapan pa," udyok pa rin ni Matilda sa gunman. "I already told you, I'm not consenting a suicide. Do it by yourself," mariing tanggi rin ng lalaki. "What?! Seryoso ka ba riyan? Bayad kita! Hindi ka pwedeng tumanggi!" singhal ni Matilda. "You paid me using my own money," pangangatwiran pa ng lalaki. "It's no longer your money. You gave the money to me, so technically, it's mine," laban din naman ni Matilda. "But, I still won't kill you. I'm done here," the man declared. Akmang tatalikod na sana ito kay Matilda pero kaagad na humarang si Matilda sa harapan nito. "Hindi ka makakalabas sa kwarto na 'to hanggang hindi mo 'ko pinapatay," deklara pa ni Matilda. "Are you sure about that?" tanong pa ng lalaki. "Kung hindi mo rin naman ako papatayin, i-r****d mo nalang ang ibinayad ko, para maibayad ko pa sa iba!" galit na tugon ni Matilda. "We're not a department store. No r****d, no exchange," malamig na tugon lamang nito. Nilagpasan siya ng lalaki ngunit hindi nagpatinag si Matilda. Muli siyang humarang. Inagaw rin niya bigla ang baril ng lalaki na kanina lang ay hawak nito. Itinutok niya ito sa lalaki. "Huwag kang madaya. Pati ba naman ikaw, lolokohin din ako?" tanong ni Matilda. Tila hindi naman nagulat ang lalaki sa ginawa ni Matilda. Nagawa pa nga nitong agawin pabalik ang sariling baril. Tinapik lamang niya ang kamay ng dalaga. "Aw, aray," reklamo ni Matilda. Nakita niyang balak na siyang iwan ng gunman pero dahil desperada na si Matilda, sumunod siya sa lalaking hindi niya naman kilala. "Hindi kita tatantanan hanggang hindi mo 'ko pinapatay," deklara niya pa rin dito. "Kayang-kaya kitang iligaw. Try me," mabilis na tugon lang ng lalaki sa kanya. Lalong napasimangot si Matilda. "Ano bang mahirap sa gagawin mo? Papatayin mo lang ako? Ang sabi ng kausap ko, ikaw raw ang pinakamagaling na gunman sa buong bansa. Napakamahal ng ibinayad ko, pero heto ka at nag-iinarteng patayin ako? Lahat ba ng gunman may attitude kagaya mo?" galit na tanong ni Matilda. Hindi naman siya pinansin ng lalaki kaya mas lalo siyang nagpupuyos sa galit. Pumasan siya bigla sa likod nito. Sa gulat naman ng lalaki ay naihagis siya nito sa semento. "f**k! Don't surprise me, or else, you would really end up dead!" Sigaw pa nito. "Aray! Patayin mo na nga kasi ako para tapos na!" hamon din ni Matilda sa lalaki. Umiling lang at at muli siyang iniwan. "Hindi ako magpapadaya sa'yo! Hindi ako magpapalamang sa pagkakataon na 'to! Pagod na akong maging tanga! Gusto ko lang namang mamatay, bakit ayaw niyo pang ibigay 'yong gusto ko?" naglulupasay na sabi ni Matilda. Nakasalampak ito ngayon sa sahig sa mismong harap ng apartment building. Mabuti na lamang at wala gaanong tao na maaaring makakita sa kanila. Binalikan siyang muli ng lalaki at tila naiinis na ito sa kanya. "Why don't you just kill yourself? Bakit kailangang iba pa ang gumawa no'n? You had a chance earlier, naagaw mo na ang baril ko," tanong ng lalaki. "Akala mo ba hindi ko muna sinubukan? I don't have the strength to hurt myself! Gusto kong mamatay, oo! Pero hindi ko kayang saktan mismo ang sarili ko. I pity myself too much! How did I ended up in this situation? Kaya pakiusap, patayin mo na kasi ako. Para tapos na. Madali lang naman, di'ba? 'Yon naman ang trabaho mo, di'ba?" Pakiusap ni Matilda. "Don't expect other people to always do the job on your behalf. Stand up and be matured enough to face what your problems are. Hindi pagpapakamatay ang solusyon," sermon ng lalaki sa kanya bago siya nito talikuran. Hahayaan na lamang sana ni Matilda ang lalaki ngunit biglang may dumaan na Police mobile mula sa hindi kalayuan. Kaagad siyang tumayo at sumigaw. "Pulis! Tulong! May gunman dito! Tulungan niyo 'ko!" sigaw niya bigla. Napalingon naman kaagad ang lalaki at kaagad siyang binalikan. Nagulat pa si Matilda nang biglang takpan ng lalaki ang bibig niya. "What are you doing?! Are you out of your mind?!" singhal nito sa kanya. Inalis naman ni Matilda ang kamay nito sa bibig niya. "Kung hindi mo 'ko matutulungan, mas mabuti pang makulong ka na lang. Wala ka rin namang silbi," galit na tugon din ni Matilda. "Pulis! Nandito 'yong gunman!" sigaw muli ni Matilda. Wala nang ibang pagpipilian ang lalaki kundi kaladkarin papalayo si Matilda habang tinatakpan niya ang bibig nito. He can't get caught right now. Hindi gano'n kadali. Lalong hindi lang dahil sa babaeng 'to na hindi niya pinatay. Dinala niya ito hanggang sa kotse niya at ipinasok sa loob. Nagpupumiglas naman si Matilda pero hindi siya pinayagan ng lalaki na makawala. "Saan mo 'ko dadalhin?!" sigaw niya rito. "Sa lugar kung saan walang pulis, para kahit magsi-sigaw ka, walang makakarinig sa'yo," deklara naman nito. "At sa tingin mo, sasama ako sa'yo?" tanong ni Matilda. "Pwede kang tumalon habang umaandar ang kotse ko. You could also die by doing that. Isn't that what you want?" suhestiyon pa ng lalaki sa kanya. "Ayaw kong mamatay na bingot o lasug-lasog ang katawan!" sigaw din naman ni Matilda. "Pero gusto mong mamatay na may tingga ng bala sa ulo? That's the same. Dying by accident or by bullet will be the same. You would still be a cold corpse after that," kibit-balikat na tugon lang sa kanya ng lalaki. Natahimik si Matilda. Her body, her rules. Desisyon niyang mamatay sa bala ng baril. Mas ayos na 'yon, kaysa mababoy siya ng mga walanghiyang lalaki na naniningil sa utang niya. Mas mabuti pang walang makinabang sa kanya. Naramdaman niyang nakatitig sa kanya ang lalaki mula sa rearview mirror. "What?!" singhal niya rito. "You're too young to die," komento nito. "And you are too old to gossip with my life. Bakit ang mga gunman na napapanood ko sa pelikula ay hindi naman madaldal at walang pakialam sa buhay ng mga papatayin nila? Isa ka bang scam?!" tanong ni Matilda. Hindi naman siya kinibo ng lalaki. Para itong bingi na namimili lang ng mga tanong na sasagutin nito. Kaya lalong umiinit ang ulo ni Matilda. She wanted to throw a fit. She wanted to cry and curse, but she's no longer the rich Matilda she used to be. Wala na siyang karapatan na mag-inarte sa ngayon kahit na ano'ng oras niya gustuhin. Hindi na sa kanya naka-ayon ngayon ang mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD