Chapter 4- Sa Unang Pagkikita°

2158 Words
"I'm not going anywhere, Ate Salve. Just tell him na sumakay ako sa hot air balloon tapos dinala ako sa kung saan at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakikita o kaya sabihin mo namundok ako at wala na akong balak bumalik." "Ano ka ba naman, Cassie! Puro ka naman biro, mapapagalitan ako ng Papa mo nito," kunsumidong sabi ni Ate Salve, kakamot-kamot pa ito ng ulo at talaga namang problemado sa akin. "I'm not joking, Ate Salve, I mean it! I want to get rid of him. What should I do? Ayoko ngang lumabas na kasama si Mang Armando. Over my dead ang sexy body na makikipag-date ako sa kaniya. Before, I don't care what people will say to me but now I am more on concern of what they will think about me. Hindi ko pinangungunahan ang utak ng mga tao pero, hello... hindi malayong isipin nila na sugar daddy ko si Mang Armando kapag magkasama kaming dalawa." "Sugar daddy agad! Hindi ba pwedeng isipin nila na care giver ka at alaga mo siya?" pabirong sabi ni Ate Salve. Nagningning ang mga mata ko, biglang may nagliwanag sa utak ko. Nagkaroon ako ng magandang ideya sa sinabi niyang iyon. "I have an idea, Ate. Pwede mo ba akong pahiramin ng uniform mo?" "Huh! At bakit ka naman manghihiram ng uniform sa akin?" takang tanong nito. "May hawig kasi ang uniform mo sa uniporme ng mga care giver kaya pwede ko 'yang suotin sa date namin. Sige na pahiramin mo na 'ko! May malinis ka naman sigurong uniform sa cabinet mo 'di ba?" Pinanlakihan ako ng mga mata ni Ate Salve. "Ikaw nga, Cassie, joke ko lang 'yon huwag mong seryosohin. Kanina pa naghihintay yung stylist at make up artist mo, nakahanda na ang mga isusuot mo. Ano paaakyatin ko na ba sila rito sa kwarto mo?" Napasimangot ako, dumapa ako sa aking kama at nagpadausdos pababa sa sahig. "Hoy, Cassie ano ba'ng ginagawa mo?" Nataranta si Ate Salve, kinuha nito ang mga kamay ko at pilit akong hinihila patayo ngunit lalo lang akong nagpabigat para hindi niya ako maiangat. "Cassie naman, eh! Kung kailan ka lumaki ay saka kapa nagpapasaway. Paano kapag nasugatan ka o kaya nagasgasan d'yan sa ginagawa mo?" "Ate, please! Sampalin mo 'ko para magising ako, panaginip lang ito 'di ba? Masamang panaginip lang 'to," parang nababaliw nang sabi ko. "Isang buwan na lang ay ikakasal ka na kay Mr. Cristobal. Dapat sanayin mo na ang sarili mo na lagi siyang kasama." "Ayoko, Ate! Huwag mong sabihin 'yan please lang!" Kumawala ako sa kamay ni Ate Salve at mag isang tumayo, inihagis ko ang sarili ko sa kama. "Sabihin mo na lang masama ang pakiramdam ko. Tama! Sabihin mo nilalagnat ako," desperadong sabi ko. "Naku, Cassie, masama ang magsinungaling." "Eh, 'di dapat maging mainit ang katawan ko para hindi nila mabuking na nagsisinungaling lang ako. Teka! May napanuod ako sa classic comedy movie, yung babae ayaw niya rin do'n sa manliligaw niya kaya nagpanggap siyang nilalagnat, naglagay siya ng dinikdik na bawang sa kilikili niya para uminit ang katawan niya. I think effective 'yon. Okay, magpapadala ako nang maraming bawang dito." Umupo ako at inabot ang intercom sa gilid ng aking kama. Balak kong tawagan ang mga maid namin na naka-assign sa kitchen para magpadala ng bawang sa kuwarto ko kaya lang ay pinigilan ni Ate Salve ang kamay ko bago ko pa maabot ang telepono. Nakikiusap ang mga mata nito na tinitigan ako. "Alam kong nahihirapan ka na sa sitwasyon mo kaya lang sana isipin mo rin ang mga taong mawawalan ng trabaho kapag ipinilit mong hindi lumabas kasama si Mr. Cristobal. Limang tao ang naghihintay sa iyo sa ibaba para bihisan at ayusan ka, mahigit isang oras na sila roon," seryosong sabi nito kaya naman natigilan ako. Kilala ko kung gaano ka-istrikto si Papa, konting pagkakamali lang ay nagsisesante talaga ito ng mga tauhan at kapag hindi nagawa ng mga taong naghihintay sa akin sa labas ang tungkulin nila ngayong araw ay siguradong bukas wala na silang trabaho. Hindi naman ako ganuon kasama. Alam kong nagsisikap sila para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya. "Sige na nga, Ate Salve, paakyatin mo na sila rito," mahina at halos pabulong na sabi ko. Nakaalis na si Ate Salve at ako naman ay nagpapahid ng mga luha sa mata. Hindi ko parin matanggap sa sarili ko na isang buwan na lang at hindi na ako magiging malaya. "Hi, Ms. Cassandra, ready ka na bang mabihisan at maayusan?" tanong ng aking stylist na si Marie. Nagkibit balikat ako. "Ano pa nga ba ang magagawa ko? Request ko lang huwag na kayong mag-effort na pagandahin ako baka mas lalo lang ma-in love sa akin si Mang Armando." Nagtawanan ang mga ito sa sinabi ko. "Kahit hindi ka naman ayusan, Ma'am, maganda ka talaga kaya nga patay na patay sa iyo si Mr. Cristobal," sabi ng assistant sylist. "Oo nga!" sang-ayon nang lahat. Nanlaki ang mga mata ko sa naging reaksiyon nila. "Ano ba'ng ipapasuot ninyo sa akin, 'yan bang maxi dress na 'yan? Akin na at isusuot ko na tapos suklayin niyo na lang ang buhok ko para matapos na tayo," may pagmamadaling sabi ko. "Pe-pero, Ms. Cassandra, hindi iyan ang utos ni Gov. Montero sa amin. He told us to make you extra beautiful today, gusto niyang mag stand out ka ng bongga sa karamihan. Hindi lang daw po ito basta date, Mr. Cristobal will introduce you to his family." Ito na nga ba ang ikinatatakot ko. Mahina ang loob ko pagdating sa matatanda at ayokong nagsisinungaling sa kanila. Kapag nakilala ko ang mga magulang ni Mang Armando kakayanin ko bang umakto na masaya sa harapan nila? Kahit labag sa kagustuhan ko ay ginawa na naman nila akong pagandahin na para bang isa akong sikat na celebrity. Kung hindi lang si Mang Armando ang kikitain ko ngayong gabi ay siguradong masayang-masaya ako ngayon at pupurihin ko sila sa galing nilang magtrabaho. Pero ng makita ko ang sarili ko sa salamin ay bigla na lang akong nanlumo dahil may isang tao na naman ang magiging masaya at proud sa sarili niya kapag nakita ako. Isa rin iyon sa mga strategy ni Mang Armando, kaya gusto niya ng batang asawa ay para lalong ma-boost ang self confidence niya at hanggaan at purihin siya ng mga nakakakilala sa kaniya. Ayaw na ayaw kong ipinagyayabang niya ako sa mga tao. I'm not a trophy girlfriend nor a trophy wife to begin with. Isang latest model Rolls Royce ang naghihintay sa akin sa labas. May mga body guard ako na kahit ayaw ko ay buntot nang buntot sa akin. Inalalayan nila ako na makapasok sa loob ng sasakyan at makaupo sa back seat. Ang isang body guard na padala ni Mang Armando ay pumuwesto ng upo sa tabi ng driver at ang tatlo ko namang body guard ay nakasakay sa kotse na pagamit ni Papa at naka-convoy sila sa amin. Akala mo ay isa akong prinsesa kung tratuhin nila at protektahan ngunit ang toong dahilan lamang naman nang lahat ng ito ay sinisigurado lang nila na hindi ako makakatakas. Pinagbuksan nila ako ng pinto at nagsama-sama na ang apat na bodyguard para bantayan ako. "Hay naku! Ang tanga mo talaga, Cassie!" Natampal ko ang sariling noo dahil sa pagbaba ko ng sasakyan ay napansin kong naka tsinelas pala ako. Nakalimutan kong magsuot ng sapatos at ang slipper shoes na paborito kong si Picachu parin ang suot ko. Nasa harap kami ng isang sikat na restaurant na mayayaman lang ang may afford na kumain. Sinimulan ko na ang lumakad para tunguhin ang entrance door nito. Nang papasok na ako ay sinita ako ng lady guard. "Ma'am, pasensiya na po pero bawal po ang nakatsinelas sa lugar na ito," sabi sa akin ng guard. Gusto kong maglulundag sa tuwa ngunit napigil ang sana'y kasiyahan ko nang sumabat ang bodyguard kong si Harold buhat sa aking likuran. "Hindi mo ba kilala ang kausap mo? Siya si Ms.Cassandra Marie Montero ang anak ni Governor Hernando Montero at mapapangasawa ng boss ninyong si Mr. Armando Cristobal. Kung ayaw mong mawalan ng trabaho ay papasukin mo na siya bago pa malaman ito ng amo n'yo," matapang at may awtoridad na utos ni Harold. Imbes na matuwa ako ay lalo lang akong nainis dito. Kung pwede lang talagang kutusan ko ang body guard ko na ito ay kanina ko pa ginawa. Pagkakataon ko na nga iyon para hindi tumuloy sa loob, may magandang rason na sana ako para hindi siputin si Mang Armando kaya lang ay may mga sagabal sa paligid ko. Namilog ang mata ng lady guard sa pagkabigla ng malaman kung sino ako. Tarantang lumapit ito sa akin at panay ang yuko. "Naku, sorry po, Ma'am! Pasensiya na po kayo, sorry po talaga! Sumusunod lang po ako sa patakaran na ipinatutupad ng restaurant," abot-abot ang paumanhin nito. "It's okay, I understand," tugon ko. Pumasok na ako sa loob at nagsipagsunuran na naman sa akin ang mga alipores ko, daig ko pa ang kriminal sa dami ng nagbabantay sa akin. Huminto ako at nagsipaghintuan din sila. Humarap ako sa mga ito. "Pwede bang mag cr muna sandali?" tanong ko. Isa lang iyon sa mga paraan ko para makatakas sa kanila kahit saglit lang. I feel soffocated, nakakairita na ang kabubuntot nila sa akin. "Sige po, Ma'am, samahan ka na po namin," sabi ni Harold. Napabuga ako ng hangin. "Excuse me! Pati ba naman sa loob ng cr gusto niyo akong samahan?" inis na tanong ko. "Hindi po, Ma'am, doon lang kami sa labas ng pinto," sagot ni Harold. Tumango ako. "Okay, buti na yung nagkakaintindihan tayo." Lumakad na ako at sumunod na naman ang mga ito sa akin. Papasok na ako sa cr ng tawagin ako ni Harold. "Ma'am Cassandra!" tawag nito sa akin. Pumihit ako paharap dito. "Anooo?" pasinghal na tanong ko. Kakamot-kamot ulo ito na alanganin pang ngumiti. "Eh, Ma'am," anito. "Pwede ba, kung may sasabihin ka mamaya na, okay?" "Pe-pero, Ma'am!" pigil nito ngunit hindi ko na ito pinansin, pumasok ako sa loob ng cr at doon nagsisigaw sa inis. "Oh, gosh! I need a break! I hate you... you...and all of you! I hate you all!" tili ko. "What's wrong with you, why do you hate everyone?" Napalundag ako sa gulat ng may bigla nalang magsalita sa likuran ko at lalo pa akong nabigla nang sa pag ikot ko para lingunin ang nagsalita ay makita ko ang isang gwapong lalake sa harapan ko. "Huh! You pervert! What are you doing here in the ladies' room?" singhal ko rito. Nangunot ang noo nito. "Who's pervert are you talking about? Excuse me, I'm not a pervert. Ikaw na nga ang wala sa tamang lugar ikaw pa ang may ganang magsungit. Kung galit ka sa mundo huwag mo akong idamay!" asar na sabi nito. "Hoy, mister hindi kita idinadamay, ang sinasabi ko lang ay kung bakit nasa cr ka ng mga babae? Bading ka ba o baka hindi ka marunong magbasa?" "I don't deal with the kind of people like you. Tingnan mo nga ang paligid mo. Ito ba ang sinasabi mong cr ng mga babae? Look! meron ba kayong urinate bowl sa cr n'yo?" Napatutop ako sa aking bibig ng igala ko ang aking mga mata sa paligid at makita ko ang nakahilerang urinate bowl sa harapan ko. Napagtanto kong ako talaga ang mali at hindi ang lalaking kaharap ko. "Oh, my gosh!" bulalas ko. "See! Sino'ng hindi marunong magbasa sa atin ngayon? If I were you lalabas na ako ngayon din bago pa may pumasok na iba. Tama na yung sa akin ka lang nagmukhang tanga," nakangising sabi nito na talaga namang ikinainis ko. "You! Hmp!" Tinitigan ko ito ng masama sabay snob at pamartsang lumabas. "Ma'am, okay ka lang po ba?" sinalubong ako ng nag aalalang si Harold. Sinamaan ko ito ng tingin. "Bakit naman hindi ninyo sinabi sa akin na sa cr pala ng mga lalake ako pumasok?" inis na tanong ko sa mga ito. Nagsipagyukuan ang mga body guard ko. "Ma'am, sasabihin ko sana pero ayaw n'yong makinig, sinubukan ko namang pigilan kayo ang kaso ayaw n'yong papigil," pangangatwiran ni Harold. Naalala ko nga kanina na parang may gusto itong sabihin sa akin pero hindi ko ito binigyan ng pagkakataon na makapagsalita. "Huh! Whatever!" Mabibigat na hakbang na lumakad ako at sumunod naman ang mga ito sa akin. Hindi naman talaga ako masungit dati. Ewan ko ba sa sobrang stress ko sa mga nangyayari sa akin ay hindi ko na magawang ngumiti. Ang bata-bata ko pa pero parang ang bilis kukulubot ng mukha ko sa konsumisyon. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para lingunin muli ang cr. Nakita ko ang gwapo ngunit antipatikong lalake na naka engkwentro ko kanina. Nakangisi ito sa akin sabay kindat pa. Sinimangutan ko ito at ipinagpatuloy na ang aking paglalakad. Narinig ko ang halakhak nito habang ako ay papalayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD