Chapter 5*- Hindi Inaasahang Muling Pagkikita

1664 Words
Mula sa California ay panandaliang umuwi ng bansa si Luther para sa wedding anniversary ng kaniyang mga magulang. Ginanap ang okasyong iyon sa fine dining restaurant na pag aari ng isa sa mga kasosyo sa negosyo ng kaniyang ama na si Armando Cristobal. Hindi niya akalain na sa lugar na iyon ay makakatagpo siya ng isang wirdong babae. Bakit ba naman hindi niya ito tatawaging wirdo? Nakasuot nga ng mamahaling evening dress kaya lang ang gamit naman sa paa ay tsinelas na pambahay. Take note, character design pang talaga, dinaig pa nito ang bata. Ang mas nakapagpabagabag pa sa kaniya ay kung bakit sa cr ito ng mga lalake nagsi-cr, wala naman siyang nakikitang bakas na may pagka-bading ito. Babaeng-babae ang tingin niya rito. Ang totoo nga ay napakaganda nito. Sanay na siyang makakita ng magagandang babae at marami na rin siyang naging nobyang mga modelo, beauty queen at socialite pero ang babaeng iyon kanina ay talaga namang kakaiba. Ang ganda nga sana, iyon nga lang nagsasalitang mag-isa, mukhang may tama sa utak at napakataray pa. "Mom, Dad, I need to go," paalam niya sa mga magulang ng makabalik na siya sa table nila matapos mag-cr. "Oh, son, it's too early!" sagot ng kaniyang ina na para bang ayaw pa siyang paalisin. "It's eleven in the evening. I have a flight tomorrow morning. I need to take a rest," sagot niya. "Bukas ka na ba talaga ang alis mo? Can you re-schedule your flight? Bakit hindi ka na lang sa makalawa umalis?" sabi naman ng kaniyang ama. "I would love too, Dad, but I can't. May exam kami at may mga importante pa akong dapat asikasuhin pagbalik ko ng California," tanggi niya. "Okay, If you have decided wala na kaming magagawa," napipilitang sabi nito. "Don't worry, I only have two semesters left and I'll be back for good. Anyways, happy anniversary to both of you!" bati niya sa mga magulang, yumakap siya sa kaniyang ama, gayundin sa kaniyang ina at humalik pa siya sa pisngi nito. Bago umalis ay dinaanan niya ang lamesa ng mga kapatid at nagpaalam din sa mga ito. Ito ang bukod tanging okasyon na kompleto silang lahat. Narito ang panganay nilang si Draco, ang sumunod sa kaniyang si Deacon, ang kambal na si Seth at Keith gayundin ang bunso nilang si Archer. "Tsk! Ang daya mo naman, bro. Ngayon pa lang nagsisimula ang kasiyahan tapos aalis ka na agad," sabi ni Deacon. "Oo nga, Kuya. Dapat ipinagpaliban mo muna ang pag alis mo. Halos dalawang araw ka lang dito, ngayon na nga lang tayo nakompleto," reklamo ni Keith. "Let him go. Just be thankful na binigyan niya ng oras ang makauwi para sa anniversary nila Mom and Dad kahit busy siya sa pag aaral," seryosong sabi ni Draco. "Hayaan n'yo babawi ako sa inyo pagbalik ko," pangako niya sa mga ito. "Just take care, Kuya. Have a safe flight!" ani Archer na tinanguan naman niya. "Thanks, bro!" aniya rito. "Basta pagbalik mo, Kuya. Huwag mo kakalimutan, size 10 ako," paalala ni Seth. "Okay, ako nang bahala sa request mo," tugon niya. Matapos magpaalamanan ang magkakapatid ay lumabas na si Luther sa restaurant at dumiretso sa parking kung saan nakaparada ang kaniyang kotse. Malayo palang ay pinindot na niya ang remote key, tumunog iyon kaya nalaman niya kung nasaan ito banda. Lumapit na siya rito, mga tatlong hakbang na lang ang layo niya nang matigilan siya sa paglalakad. Nag- vibrate kasi ang cellphone niya na nakalagay sa bulsa ng kaniyang pantalon. Kinuha niya iyon at tiningnan, tawag iyon galing sa assistant niyang si Darwin. Agad niyang sinagot ang tawag nito. Saglit lang naman iyon, nag-confirm lang na ayos na ang maleta niya at iba pang gamit na dadalhin para sa pag-alis bukas. Pagkatapos magpasalamat dito ay ibinalik na niya ang cellphone sa bulsa. Napalingon siya sa kaniyang likuran ng may marinig siyang nagkakagulo, lumabas ang mga ito sa restaurant. Grupo iyon ng mga naka-unipormeng kalalakihan, aligaga ang mga ito at para bang may hinahanap. Binalewala na lamang niya iyon at binuksan na ang pinto ng kaniyang kotse at pumasok sa loob. Naupo siya at nagsuot ng seatbelt at saka ipinasok ang susi sa susian. Paandarin na sana niya ang makina ng may biglang nagsalita. "Nakaalis na ba sila?" Napaigtad siya sa kinauupuan sa gulat, bumaling siya sa passenger seat at may nakita siyang babaeng nakasiksik sa upuan, yukong-yuko ito at tila ba nagtatago. "Huh! Who the hell are you? What are you doing in my car?" gulat na tanong niya sa babae. "Pwede ba mamaya na kita sasagutin, paandarin mo muna ang sasakyan para makaalis na tayo rito, bilis!" utos nito habang pilit paring itinatago ang sarili sa ilalim ng upuan. Napakunot ng noo si Luther, hindi niya nagustuhan ang pagmamando ng babaeng ito sa kaniya. "And why should I follow you? I don't even know you. Get the hell out of my car now or I call a police. Carnapper ka siguro ano, hindi mo naituloy na itakas ang sasakyan ko dahil dumating ako." "Excuse me, I'm not a carnapper! Paandarin mo na ang sasakyan bilisan mo na bago pa nila ako makita!" nanggigil sa inis na sabi nito. "Who are you reffering too? Iyon bang mga naka-uniform na kanina pa paikot-ikot sa labas ng restaurant? Ikaw siguro ang hinahanap nila, noh?" Napakamot ng ulo si Cassie, wala na siyang nagawa kung hindi ang tingalain ang nakakainis na lalake. Nagkagulatan pa sila ng magtama ang kanilang tingin. "Ikaw!" sabay na sambit ng dalawa. "So, mga body guard mo ba 'yon?" tanong muli ni Luther ng mahimasmasan. Naalala niyang nakita nga pala niya ang mga ito sa labas ng cr, kasama ng babaeng ito ang mga iyon. "Oo na sabi, paandarin mo na ang sasakyan, please lang!" Nakikiusap ang mga mata ni Cassie kaya naman parang nakaramdaman ng awa ang binata rito. Hindi niya alam kung bakit nito tinatakasan ang mga bantay niya ngunit sa pagkakataong ito ay ginawa niya ang pakiusap ng babae. Hinubad niya ang suot na coat at itinakip dito para hindi ito makita kung sakaling mag-check man ang mga iyon pagdaan niya. Hindi nga siya nagkamali, kinatok siya ng isa sa mga gwardiya ng restaurant at pinahinto kaya napilitan siyang tumigil at buksan ang kaniyang binatana. "Ah, Sir, pasensiya napo sa istorbo, itatanong ko lang kung may napansin kayong maganda at maputing babae na nakaitim na damit?" tanong nito. Hindi nakabukas ang ilaw sa loob ng sasakyan niya kaya madilim kahit sumilip ang gwardiya sa loob ay hindi nito napansin si Cassie dahil kakulay ng upuan ang coat na nakatakip dito. "I'm sorry, wala akong nakitang babae na gaya sa description mo," sagot niya rito. "Can I go now, I have a flight to catch up!" pagsisinungaling niya dahil ang totoo ay bukas pa naman talaga ng umaga ang flight niya. "Okay, Sir. Maraming salamat po sa abala!" magalang na tugon ng guwardiya at hinayaan na siyang makaalis nito. _ "Pwede ka ng lumabas d'yan, malayo na tayo sa kanila," sabi ni Luther matapos ang ilang minutong pagmamaneho. "Huh! Okay, thanks I owe you one!" Dali-daling umahon si Cassie sa ilalim ng upuan at naupo ng maayos. "I don't know what your reason is, kung bakit mo tinakasan ang mga body guard mo pero ang masasabi ko lang ay siguro kailangan mo ng bumaba. Ayokong madamay sa nangyayari sa 'yo at baka mapagbintangan pa ako na kinidnap kita." "It's a long story to tell, why I escape from them. I'm so sorry to drag you into this mess and thank you for covering me up. Pwede mo na akong ibaba sa gilid ng daan, magta-taxi na lang ako pauwi." "Are you sure you're okay with it. I can drive you home if you want," pagpepresinta niya para naman kasing nako-konsensiya siya na basta na lamang niya iiwan ito sa gitna ng daan. "Yes, I will be okay. Ayoko nang abalahin ka pa, tama na 'yung tinulungan mo akong matakasan sila at saka sabi mo naghahabol ka sa flight mo 'di ba?" Hindi na itinama pa ni Luther ang sinabing iyon ng dalaga. Ginawa na lang niyang sundin ang kahilingan nito. Naghanap siya ng mas ligtas na lugar kung saan pwede itong mag-abang ng taxi. "I think it's safe here." Itinigil niya sa gilid ng terminal ang sasakyan. Bababa na sana si Cassie nang matigilan. Alumpihit na bumaling siya sa binata. "Ah, can I ask you one more favor?" nahihiyang tanong niya rito. "Huh! What is it?" balik tanong ni Luther. "Pwede mo ba akong pahiramin ng pera, pambayad ko lang sa taxi? Naiwan ko kasi ang bag ko sa restaurant," alanganing sabi niya. "Iyon lang ba? Sure!" Agad nitong dinukot ang wallet sa likuran ng kaniyang pantalon at kumuha ng limang pirasong tag-iisang libo. "Is this enough?" tanong niya habang inaabot ang pera kay Cassie. "Huh! Sobra-sobra na 'to, tingin ko tama na ang one thousand." Ibinalik niya ang apat na libo sa binata. "Are you sure," naninigurong tanong nito. "Oo, okay na ito. Hayaan mo balang araw, malay mo magkita uli tayo, babayaran kita, pangako 'yan, basta lang may dala akong bag at wallet." Napangiti si Luther. Hindi naman siya umaasa na magkikita pa silang muli ng babaeng ito. "Salamat, dito!" Itinaas ni Cassie ang kamay na may hawak na perang papel at binuksan na ang pintuan ng sasakyan ngunit, bago bumaba ay binalingan niyang muli ang binata. "Tungkol nga pala kanina do'n sa nangyari sa cr. Sorry kung nasungitan kita. Marami lang kasi akong iniisip ng time na 'yon. Again, thank you!" anito at tuluyan ng lumabas. Muli ay napangiti ang binata. Hindi naman pala totoong masungit at may sayad ang babaeng iyon gaya ng first impression niya rito. Habang tumatakbo ang kaniyang sasakyan ay sinisilip pa niya ito sa side mirror. Dahan-dahan lang ang pagpapatakbo niya para hindi ito mawala sa paningin niya. Nakampante siya ng makita itong pumara ng taxi at makasakay. Doon lang niya pinaharurot ang sasakyan ng makasigurong okay na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD