Chapter 2- Luther Frio°

1056 Words
Maaga pa lang ay umalis na ang twenty-eight years old na si Luther Frio sa kanyang apartment upang pumasok sa eskuwelahan. Anim na buwan na ang nakalilipas simula nang lisanin niya ang Pilipinas at lumipad patungong California. Kasalukuyan siyang umuupa sa isang apartment dito sa Belmont malapit lang sa Standford University kung saan siya nag-aaral ng Strategic Management course. Isa siyang sikat na arkitekto sa Pilipinas at ang kompanya nilang Frio Architectural Firm ay kilala sa buong asya. Ginawa niyang mag-aral muli sa prestihiyosong paaralan upang paghandaan ang pamumuno sa kanilang kompanya. Anim silang magkakapatid at silang lahat ay puro mga lalake. Ang FAF (Frio Architectural Firm) ang nakatakda niyang pamahalaan, isa lang ito sa napakaraming negosyo ng mga Frio. Sa loob ng anim na buwan ay nasanay na siyang mamuhay nang mag-isa. Kung noon ay may nakasunod sa bawat kilos niya at naglilinis ng bawat kalat niya ngayon ay siya na ang gumagawa nang lahat ng iyon gaya ng, paglilinis ng kaniyang apartment, pagluluto ng kanyang pagkain at paglalaba ng kanyang mga damit. Ang kagandahan nga lang ay pumupunta na lamang siya sa laundry shop at doon pinalalabhan ang kanyang maruruming kasuotan. Pagkatapos ng mahigit apat na oras na klase ay dumideretso na siya sa Lily's Place ang restaurant na malapit lamang sa university, dito na niya nakasanayan ang kumain ng tanghalian. Si Lily na isang Filipino American ay ang may ari ng Lily's Place. Madalas niyang makita sa lugar niya si Luther at sa katagalan ay naging regular customer na nga niya ito. Alam niyang Asian ang lalake ngunit hindi niya sigurado kung saang bansa ito nanggaling. Lagi niyang inaabangan ang pagdating nito sa kanyang restaurant. Unang kita pa lamang niya kay Luther ay humanga na siya sa taglay nitong kagwapuhan. Mapapansin mo ito kaagad at hindi mo maaring dedmahin kasi naman agaw atensiyon ang pagiging matangkad nito at ang magandang pangangatawan bukod pa sa talaga namang gwapo ito. Ngayong araw ay nakita na naman siya ni Lily sa paborito nitong pwesto sa pinakagilid ng restaurant na nasa tabi ng bintana. Palagi lang itong mag-isang kumakain. Hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon si Lily na makausap man lamang ito at malaman ang pangalan ng lalake kahit halos anim na buwan na niya itong nakikita sa kanyang restaurant. Katulad ng nakagawian ay palilipasin na naman niya ang oras na hindi ito nakikilala. Sa counter naka-assign si Lily at may mga tauhan siyang nagse-serve ng mga pagkain sa kanilang customers kaya naman hindi siya nagkakaroon ng pagkakataon na malapitan man lamang ito. Napasimangot siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone at makita niya ang pangalan ng kaibigan na si Cassie, nagre-request ito ng video call. Hindi niya namalayan na napindot pala niya ang accept button dahil ang mga mata niya ay naka-focus parin sa gwapo niyang customer. "Lily... Hey, why aren't you talking to me? Lily girl, are you still mad at me?" tanong ni Cassie sa kaibigan dahil in-accept nga nito ang request niyang video call pero hindi naman ito nagpapakita sa kanya, nakatutok lamang ang camera ng cellphone nito sa kisame. Alam niyang may kasalanan siya rito dahil hindi niya agad nasabi sa kaibigan ang ginawang panloloko ng boyfriend nito sa kanya. Nakita kasi niya ang nobyo nitong si Wilson na may kasamang ibang babae sa mall. "Lily girl. I told you, long distance relationship wouldn't work. Bakit hindi ka nalang kasi maghanap ng boyfriend d'yan sa California? Please lang, huwag mo ng pagtiyagaan ang walang kwentang si Wilson!" aniya sa kaibigan, panay ang salita niya pero hindi naman siya sinasagot nito at puro kisame lang ang nakikita niya. Napabuntong hininga nang malalim si Lily, nakalabas na naman ng restaurant ang gwapong lalake na hindi niya nakakausap. Binalingan niya ang kanyang cellphone at napaigtad pa siya sa kanyang kinauupuan ng makita sa screen ang pagmumukha ng kaibigang si Cassie. "Huh! What are you doing there?" kunot noong tanong niya rito. Nagtataka siya kung paano nangyaring ka-video call niya ito ngayon gayong wala naman siyang naalala na in-accept niya ang request nito. "Hey! Kanina pa kaya ako rito. Galit ka pa ba sa akin? Mas matimbang pa talaga sa'yo ang boyfriend mo kaysa sa pagkakaibigan natin. Sinasabi ko sa 'yo, Lily, tigilan mo na ang pakikipag relasyon kay Wilson dahil hindi naman magwo-work ang LDR, tingnan mo nga nakikipag-date na sa iba!" "Hmp! FYI, nakipag-break na ako sa lalaking 'yon," sagot naman nito kaya natigilan si Cassie. "Oh, nakipag-break ka na pala bakit hindi mo man lang nabanggit sa akin?" "Bakit no'ng nakita mo si Wilson na may kasamang iba sa mall hindi mo rin naman sinabi sa akin 'di ba? Kung hindi pa nagsumbong si Ate Salve ay hindi ko pa malalaman," sumbat nito sa kanya. Napakamot siya ng ulo. "Sorry naman, ang gulo kasi ng utak ko ng mga oras na 'yon. Ang laki ng problema ko, Lily," aniya rito. "Huh! Kung pera ang problema mo kaya kitang pautangin pero hanggang 3,000 dollars lang," sagot naman nito. "Sira, hindi pera ang problema ko!" singhal niya rito. "Kung hindi pera, eh ano?" Napabuntunghininga nang malalim si Cassie. "Gusto akong ipakasal ng parents ko kay Mang Armando," pagsusumbong niya sa kaibigan. Nanlaki ang mga mata ni Lily sa narinig. "Mang Armando! You mean Armando Cristobal 'yong best friend ng daddy mo?" paninigurong tanong nito. "Yes, exactly!" maagap na sagot niya sabay tango. "Yuck! Parang tatay mo na rin 'yon!" bulalas nito. "Kaya nga eh, 'yon ang pinu-problema ko. Tulungan mo 'ko, ano ba'ng gagawin ko? Kahit anong pakiusap ko sa kanila ay ayaw nila akong pakinggan. Hindi ko talaga kayang makasal sa lalaking 'yon," mangiyak-ngiyak na sabi niya. "Oh, my gosh! That's really a big problem, Cassie! I know how strict and consistent your father is, kapag sinabi niya gagawin niya at wala ng bawian iyon." "Kaya nga, eh. Habang lumilipas ang mga araw na wala akong nagagawa para mapigilan ang pagpapakasal ko sa lalaking 'yon, pakiramdam ko ay katapusan na ng buhay ko kapag naikasal ako kay Mang Armando." "Kailan ba kasi ang kasal ninyo?" "Oh, gosh! Marinig ko palang ang tanong mong 'yan ay kinikilabutan na talaga ako!" "So, kailan nga kasi?" "One month from now ang kasal at mamaya na ang engagement namin. Iniisip ko nga kung ano'ng gagawin ko para hindi makasipot sa engagement party?" "I feel so sorry for you, Cassie!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD