"Sophie!" narinig namin ang matinis na sigaw ng anak ni Maisie at Carl sa di kalayuan. Sabay-sabay kaming kababaihan na napalingon dito.
Naglalakad ito na may bitbit na maliit na basket na puno ng mangga at may lalaking nakasunod dito na may hawak din na kalapati. Kahit malayo pa lang ito ang malawak na ngiti ay pansin na nakapaskil sa guwapo niyang mukha. My daughter mirrored the smile of Carter's had before she jumped off my lap and made her way to her playmate.
Animo'y matagal na silang magkakilala dahil nang magsalubong sila ay bigla na lang silang nag-akapan ng mahigpit. They hugged each other tight which earned a loud 'aww' from us before Carter animatedly showed my daughter the dove. Tuwang-tuwa naman si Carter habang pinapakita kung paano hawakan ang kalapati at mukhang enjoy na enjoy naman ang anak kong nakikinig sa kanya.
"So, anong meron sa inyo ng kinakapatid ko?" napalingon ako nang narinig ko ang tanong ni Mika.
Pakiramdam ko nga nabulunan ako sa sarili kong laway dahil parang biglang may nakabara sa lalamunan ko.
"Huh? Ah.. eh..." I stuttered while I watch their faces lit up with amusement. Kung bakit? Kailangan ko pang alamin para malaman. "Ex-lover? Friends?" even to my own ears, it sounded like a question.
Maisie shook her head while a soft giggle bubbled from Mika's throat. Jaliyah just stared at me with a smile on her lips.
"Walang magkaibigan na humahalik at nagpapahalik ng ganun." sabi ni Maisie.
I stayed quiet when I heard what Maisie said. I didn't know what would I feel first. Embarassment? Confusion?
"Sabagay, all of us passed through that stage. When Carl and I were just exploring the attraction between us, I kept insisting myself that we are really just friends. Alam niyo 'yon? Magkakaibigan kami nila Mika since college. Dati pa nga ang rule namin walang magkakagusto sa member ng barkada pero di namin napigilan. Pero tulad nga nang sinasabi nila na kapag tumibok ang puso mo para sa isang tao wala kang magagawa para pigilan ito. Kaya 'yon sinugal naming pareho ang pagkakaibigan namin para sa pagmamahal. Pero kita mo naman ngayon, worth risking the frienship that we had because we're already married with two children together." Maisie told all of that with a euphoric smile on her face.
I remained quiet habang nagdadasal na sana bumalik na lang si Sophie at Carter sa puwesto namin para may iba kaming mapag-usapan. I really don't like getting grilled with regards to my relationship with Jazz. I know he's been very clear about what he wants with me and my daughter. He's been very vocal telling me that he still loves me, ako lang naman ang walang naisasagot sa mga katagang 'yon.
"Alam niyo kung iniisip ko ang mga pinagdaanan namin ni Deandre, di pa rin ako makapaniwala na kami pa rin hanggang ngayon. Ako ang mahal niya pero may gusto ang mga magulang niya para sa kanya. Hindi naman lingid sa inyong magkakaibigan kung paano namin itinago ang relasyon namin. Kaya nga nagpakasal kami na walang nakakaalam para wala ng magawa ang mga magulang niya na ipagpilitan pa ang gusto nila. Kahit di kami nakakatungtong sa pamamahay nila sabi niya ay ayos lang. Basta nasa tabi niya ako at di ko siya bibitawanan anuman ang mangyari sa mga susunod pa na bukas. Na kahit ako man din, hahamakin ko din kahit sino 'wag lang mawala sa akin ang asawa ko." Jaliyah adding her two cents into the conversation.
Tinitigan ko siya at nakita ko kung paano sumilay sa mga mata niya ang nag-uumapaw na pagmamahal habang hinihimas nito ang malaking tiyan. Patuloy na kumakabog ng mabilis at malakas ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit nila sinasabi sa akin ang mga ito.
"Well, hindi naman sikreto kung ano ang nangyari sa relasyon ko. Parehas lang naman kami ni Jazz. Ang pagkakaiba lang namin, siya ay may binalikan pa at puwede pang humantong sa balikan sa pangalawang pagkakataon. Ako ay talagang wala ng pag-asa dahil ayaw ko namang maging kerida."
Sandali kaming natawa sa huling sinabi ni Mika. Pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang lungkot sa mukha niya habang nagsasalaysay ng karanasan nito.
"Alam mo bang halos dalawang taon na walang naging girlfriend si Jazz bago niya inanunsiyo sa group chat namin na may bago siyang girlfriend?" Si Maisie na nakatutok ang tingin sa akin. "Inaway-away pa namin ni Mika na gusto naming makilala ang bagong babae niya, pero sabi niya dati pag-uwi niya dito sa bansa natin para personal daw niyang maipapakilala sa amin. Turned out that you're the person who mend his broken heart and it's you whom he found the cure to his aching soul." She narrated.
"You can't keep your feelings bottled up forever. Sooner or later, sasabog 'yan." Jaliyah uttered after Maisie's narration.
"Wala namang sasabog, Jaliyah." Paniniguro ko pero umiling lang ang ulo nito.
"What's stopping you, Kiara?" Mika inquired.
I stared on my lap and started playing with my fingers. I really don't know where to start about my reservations. I know I'm almost there, but there's still this fear that stopping me to embrace him again.
"You can share with us, Kiara. You can tell us anything. You are already part of this circle at mukhang hindi ka na makaalis." Si Maisie ulit habang tinatapik ang umiinat na anak sa bisig niya. "You know, no matter how hard you avoid things, if it's meant to happen, destiny will work it's magic."
"Alam mo, Kiara. Hindi mo maitatago sa mga mga taong nasa paligid mo, dahil sarili mo lang ang niloloko mo. Ang lolokohin mo sa huli" dagdag ni Maisie.
And she's right. But somehow I can't seem to place why I'm afraid to admit my true feelings towards Jazz. Jazz who's been nothing but an amazing Dydy to my Sophie. Jazz who have done so much for me and my daughter in a short period of time. Jazz who have been my helpmate in many ways.
"Halla! Ooops, I can hear the wheels turning." Mika remark with a laugh before drinking from her glass of orange juice.
"Hayaan na natin si Kiara." sabi ni Maisie sa wakas. She gave me a warm look before continuing. "I hope you'll find the answer soon and have the courage to admit it."
Isa isa ko silang pinasadahan ng titig at wala akong ibang nakita kundi ngiti. A smile that looks encouraging enough for me explore and keep more of Jazz and I have. Scary but I know I must try again.
"Kiara, you're here too, finally." Mrs. Tamura said so happy.
Halos takbuhin niya ang distansiya sa puwesto namin kasunod ang apat na lalaki. Si Kuya Deandre at Jonas Lei na may hawak na case ng bottled water. Si Carl na may bitbit na juice in can at si Jazz na may hawak ding stainless platter na malamang iyong barbecue.
"Hello Ma'am. And yes po, finally napilit na po ako ni Jazz." Nahihiyang sagot ko pero kahit ganunpaman ay nakangiti pa rin ako.
"Ang formal talaga nang batang 'to. Nasa labas na tayo ng eskwelan, you can call me Ninang too, Kiara." sabi pa nito na may kasamang kindat.
Mas nahiya tuloy ako nang tuksuhin nila akong doon naman daw papunta 'yon hanggang bumalik siya sa loob ng farmhouse nila.
Nanatili namang nakatago ang mukha ko sa likod ni Jazz habang pinag-uusapan nila ang iba pang plano nilang magkakaibigan sa pharmacy na ipapatayo nila. Paminsan-minsan sinasama din nila ako sa usapan kung tinatanong ang opinyon ko sa plano nila. Nakaset na pala ito bago pa umuwi sina Jazz at Mika ng Pilipinas. Na di na rin nakakapagtaka sa gusto nilang business dahil lahat naman sila ay may alam sa field ng medisina. Squad goals talaga ang mindset ng bawat isa.
Of course with the right set of mind that is not impossible to reach. They work so hard for setting their goals and reaching it. Somehow, it symbolizes what they achieved in life and how their grew in their careers.
"So, what did you and the girls talked about when we got busy." Jazz asked on our drive back home.
Sophie is sleeping on the backseat minutes passed on the travel. Wala kasi silang ibang ginawa ni Carter buong araw kundi maghabulan at maglaro. Hindi ko naman siya sinuway dahil bihira naman siya magkaroon ng ibang kalaro maliban kay Elisha na anak ng katabi naming unit.
I felt Jazz placing his hand on my knee making me look at him. "Mommy, kausap ho kita. Kung saan saan na naman lumilipad ang utak mo." nagpa-cute pa siya.
Umikot ang mga mata pero di naman niya tinanggal ang kamay niya sa tuhod ko. I kinda like feeling his touches.
"Girl talk nga di ba? There's no need for you to know." giit ko. Paano ko ba naman kasi sasabihin sa kanya na wala kaming ibang pinag-usapan kundi siya?
Natawa siya pero walang sinabi kaya muli kong ginawi ang titig ko sa kanya. "Why?" I asked.
Napailing siya ang ngiti ay hindi nawawala sa mga labi niya. "Now I know the feeling what Carl always told me."
"Told you to what?"
"Whenever we have this dates before, which is once or twice a month depends on the availability of everybody, we are required to leave the girls alone for their tea time. Kahit pa nasa ibang bansa kami ni Mika, ganoon pa rin, iba ang GC naming magkakaibigan iba din ang GC nila na kababaihan. Usually, we talk our all man group to talk about work and sometimes any random topics na maisipan ng bawat isa. Tapos tong si Carl, laging nagrereklamo na hindi sinasabi ni Maisie kung ano ang pinag-uusapan nila kung sila-sila na lang ang nag-uusap. Wala naman akong dinadala noon kaya di ko maintindihan ang pakiramdam niya. I know now how does it feel. It really is an itching thought to process."
Natahimik ako at prinoseso lahat ng mga sinabi niya sa utak ko. In order to start everything to Jazz I must come clean first. I need to tell him the truth about my Sophie. Saka ko na iisipin kung ano ang gagawin ko at ang hakbang na susunod na plano ko kung sakaling hindi niya matanggap ang katotohanan. I will cross the bridge once I get there. Sa ngayon kailangan kong mag-ipon ng lakas ng loob at tamang oras para makausap siya.
I peeked at my daughter through the rearview mirror and watch her angelic face while she's asleep.
Maybe when we get home. If Sophie will be in the room. I can invite him to sit down with me by the living room amd we'll havr the talk.
I'm all ready to risk everything again for Jazz; to break my walls, to bend my principles and let him in.
I was still prepping myself for the things I'm about to say to him when blue and red revolving lights coming from our street captured my eyes. All my lingering thoughts blown away when dreadfulness hit me. My heart started to beat erratically until we reach the corner of our unit.
Jazz slowed down and park infront of the information house behind the police car. Nakaparada ito sa harap mismo ng tower namin kung saan ang unit floor na tinitirhan namin ni Sophie.
Nakita ko kung paano naging matapang ang ekspresyon ng mukha niya matapos niyang kalasin ang seatbelt niya. Bubuksan na niya sana ang pintuan ng sasakyan niya ng pigilan ko ito hawak ang kamay niya.
"I'll come with you."
But he's was quick to shook his head in disapproval. "No, Hun. Stay here with our daughter and I'll go and talk to the officers."
Hindi niya ako hinayaang sumagot man lang. He left me with a kiss on my lips before he jogged towards the uniformed men.
Mula sa sasakyan niya pinapanood ko lang siyang nakikipag-usap sa mga pulis. He was nodding his head from time to time. He even pointed at his car, then he shook his head, he again said something before he walked back to where he left us.
Naupo siya sa driver's seat at mahigpit niyang hinawakan ang manibela ng sasakyan niya. He was blanky staring at it while his body was kept tight and he was shaking.
"Dydy." I called out when I found my voice.
After a few seconds, he held my face in between his hands and rested his forehead on mine. Pagtapos pinikit nito ang mga mata niya. "If you're weren't with me the whole day, something bad may have happened to you and to our daughter." his voice was low and shaking.
"Come again. I-I don't understand."
"Kapapatay lang ang apoy na na-detect sa loob ng unit niyo. According to the staffs of your building and the police it happened between 6:00-6:30 pm. Naalarma sila bakit nagkaroon ng sunog sa loob gayong nakita naman daw nila kayo na lumabas ng unit niyo. Nagsimula daw ang sunog sa kusina mabuti na lang at di na kumalat pa sa ibang bahagi ng bahay. Pero ang nakapagtaka kung bakit sira ang fire system. Ang sabi ng Manager sinimulan na daw ng security team ang pag-check ng CCTV recordings. The officers will contact me if they found anything."
Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya nang mapansin niyang nanginginig ako sa takot. Sa tagal na naming nakatira ni Sophie sa unit na 'yon ito ang unang nangyari na magkaroon ng sunog sa loob. Di ko naman kasi iniiwan ang mga appliances sa loob na nakasaksak. Sinisiguro kong binubunot ko lahat ng plug nga mga de kuryenteng gamit namin sa loob. Paanong nangyari na magkaroon ng sunog?
"Hey, hey, Hun. It's alright. I'm here." Jazz whispered before he enclosed me in a hug. "I asked the management to take care everything for the mean time. I told them also that you'll talk to them tomorrow. You need to rest and I don't want you to talk to them in your state right now. Let's do together the checking inside your unit tomorrow."
Hindi naman iyon ang inaalala ko. Kung sakaling may sumubok na manloob o kaya sinadya ang nangyari natatakot na ako para sa aming mag-ina na bumalik pa at tumira doon.
"Paki-hatid na lang kami sa bahay ng mga magulang ko." bulong ko habang nakakapit ako ng mahigpit kay Jazz.
"No! You're coming home with me."