Chapter 22

2789 Words
After that good time together with his parents and validating day we spent at his parents house, our days with Jazz got into a flash. He never changed no matter what circumstances is. He still the Jazz whose very consistent and persistent in showing and in convincing me about his true intentions; about his way of proving his love. Gaano man kalayo ang school na pupuntahan niya kung on call ang duties and responsibilities niya ay hindi niya kami nakakaligtaan. Sinisiguro niyang kahit si Sophie man lang ay maihatid niya ito sa school niya. Siya rin ang nag-suggest na ipapasabay na lang ang anak ko sa school service kung uwian para di na rin ako mas lalong mapagod at mahirapan. Sophie grew happier and happier sa bawat araw na nagdaan dahil may Dydy palagi sa tabi. Minsan nga nagseselos na ako dahil mas hinahanap na niya si Jazz kaysa sa akin, ultimo sa pinakasimpleng gawain gusto niyang ang Dydy niya ang tumutulong sa kanya. Kahit ang paggawa ng mga assignments nito na dati naming nagiging bonding ay hindi na rin ako ang kasama niya. At iyon ang unang naging away namin ni Jazz. Matinding selos sa atensiyon mula sa anak ko ang pinagmulan. Doon ko kasi unang naramdaman ang takot. Takot na isang araw di na niya ako kakailanganin sa buhay niya. Mawawalan na ako ng papel sa kanya. Nawala ako sa sarili ko isang gabi pagkatapos naming mag-dinner. I let him do the bathing to Sophie and tucking her to bed before I reprimanded him that he's taking away my position as Sophie's mother. With my sudden outburst, he got surprised. Akala ko nga aalis siya o mas matindi ay sasabayan niya ang galit ko. But I was surprised when he pulled my waist and he hugged me tight until I forgot the reason why I'm angry that time. Nung kumalma na ako inakay niya akong umupo sa tabi nito, doon niya ako kinausap ng masinsinan. He told me that he wasn't routing for Sophie to be only his but he was trying to raise her with me. Nanahimik ako pagkatapos noon. I went quiet as I let the warm feeling in my chest invade my other senses. As for us, wala pa namang comeback na mag-le-level up sa status namin na naganap. He never pressured me, rather he keep me closer to him, watching me and loving me everyday. Kahit mas mapilit pa siya sa tindera ng Divisoria di niya ako minamadali. Seryoso siya sa sinabi niyang 'your time, it's our pace'. Basta ako, masaya akong nagsasama kaming tatlo tuwing dumarating siya ng umaga at bago siya umaalis ng gabi. Minsan natatanong na rin ni Jazz sa akin kung ano ang opinyon ko sa sinabi ng mommy niya tungkol sa pagtira naming mag-ina sa iisang bubong kasama siya. Ang bayad sa unit namin kada buwan ay iponin ko na lang daw para sa kinabukasan ni Sophie pero palagi akong nagkikibit-balikat. Hindi ko rin ipagkakaila na mas magaan ang lahat sa akin. "They have a lot of mangoes there baby. Different kinds of animals, that I'm sure you'll enjoy it." Jazz said while he drives. I was mindlessly watching the green passing by my window when he puts his hand on my knees, giving it a gently squeeze. Napahinto ako sa pagdaday dreaming ko at tumingin ako sa kanya. "Hun, isat-kalahating buwan na. Kailangan mo na silang makilala. Mga kaibigan ko din sila at extended family." Napapikit ako. Palagi na lang ito ang paksa na pinagdidiskusyunan namin. Ever since that his parents was here in the country and he introduced us with them, he went on a frenzy on the introduction. He wanted that everyone knows that we are his 'mag-ina'. Ngunit nang sinabi niyang ipapakilala niya ako sa mga ito ay biglang umurong ang sikmura ko. Hindi ko alam na ang meeting sa anak ng Head Teacher ko at ang buong kaibigan niya seems to trigger my fears. Ilang beses na rin akong nagpalusot na hindi kami makakasama tuwing iniimbitahan siya ni Mrs. Tamura na mag-lunch o mag-dinner sa kanila. Palagi akong may rason, pero hindi siya nagsawa sa kaaaya sa akin hanggang sa ngayon at na-corner niya ako. He spoke to me sincerely, that's why I agreed with him. Like I said, the Jazz I knew is a very persistent man when he wants something. "I know. I was just afraid you know." I replied. Pinatong ko ang kamay ko sa kamay niyang nasa tuhod ko. Maya-maya pa ay pinagsiklop niya ang mga kamay naming dalawa saka niya hinalikan ang likuran ng kamay ko. "Hun, trust me. They already know you from my story. And Ninang Lea knows you for how many years now. You don't have to be afraid, besides there's no reason to be afraid of them." "Head Teacher ko pa rin siya. My boss Jazz." I said sternly. Tumawa siya. "Hun, alam ko naman iyon. Pero sa ating dalawa ikaw naman ang boss ko." I smiled to what he said and I jokingly punched his arm. Agad naman akong sinaway ni Sophie. "Mymy, don't hurt Dydy po." "Sorry. Di ko sadya Sweetheart." siya namang sagot ko. Di naman nagtagal pumasok kami sa isang malaking gate. Bumusina si Jazz at may lalaking nagbukas ng gate at kumaway pa dito saka siya patuloy na nagmaneho sa kahabaan ng sementadong daanan. Saka namin natanaw ang malawak na lupain. The new colossal farm is an eyesore on the landscape. That I couldn’t ignore its gray walls and endless fields. All that breaks up the view are a few scattered shade trees and fences. Everywhere you look you can see animals grazing on the most beautiful emerald grass imaginable. The edges of the farm are flanked by enormous magoe trees that seem to touch the sky. Namangha ako at nakanganga akong nakatingin sa naratnan naming malaparaisong-lugar. "Kina Mrs. Tamura 'to?" I ghostly whispered, still in awe with the green and beauty of the place. Meron namang farm ang mga magulang ko pero hindi ganito kalawak. Parang Hacienda na nga ito sa paningin ko. Not to expect that Mrs. Tamura has this kind of paradise. "Yup! Welcome to Tamura's Nature Promise." he said driving up the curvy driveway. Agad naman naming natanaw ang isang farmhouse. Alongside of the house may apat na sasakyan na naka-park. "Nandito na sila. Nauna na sila sa atin." tugon niya saka niya itinabi ang pagparada niya sa kulay itim na sasakyan. He turned off the ignition and turned to me. "You're gonne be fine, Hun. Basta sa araw na ito di mo iisipin na Head Teacher mo si Ninang at kaibigan mo rin ang mga kaibigan ko." Paano ko magagawa iyon? He didn't gave me a chance to ask question. Bumaba na siya ng sasakyan saka kami inalalayan ni Sophie bumaba. I was drowning of anxiety and trepidition as we walk ahead. We followed the cemented sidewalk until we reach the farmhouse. It's a small cream colored house with a porch that spans the entire front side. On the two sides are rose gardens with roses of every color known to man. "Bago ba 'to?" bulong ko sa kanya habang sinusundan siyang maglakad. Buhat-buhat niya si Sophie habang ang kamay namin ay magkahawak. "Yes. Bagong patayo lang ang bahay pero ang farm nila medyo matagal na. Kung gusto mong malaman gaano na rin katagal tanong mo mamaya si Ninang." he answered intriguingly. Akala ko diretso kami sa bahay at kakatok na papasok pero lumiko siya sa kaliwa at sinundan pa rin ang nakasementong daanan. Then I heard distant chatters and laughs. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko ng kamay sa kanya na siyang nagpabaling ng tingin niya sa akin. But he didn't have to say anything, because when I saw a beautiful smile appearing on his face, I kind of felt brave enough to meet another set of important people in his life. "I told her our son will be fine. She doesn't need to check on him every now and then." Narinig kong sabi ng isa sa kanila. Tulad ng nasa isip ko pa kanina, lahat sila napatingin sa amin nang naabot na namin ang likuran ng farmhouse. Nadatnan namin ang grupo ng mga taong nagkukuwentuhan sa isang malaking open bamboo hut. "We thought you will not make it." a lady with a beautiful face said. "Pasensiya na, imouto. Traffic sa daan." sagot naman agad ni Jazz. " Mag-ina ko pala. Si KC but it's Kiara to all of you, sa akin lang ang KC na pangalan niya. Tsaka si Sophie." pagpapakilala niya sa amin. Umaandar na naman ang pagiging ewan nito. Pati sa pagbibinyag niya sa akin ng pangalan na KC pinagdadamot niya. Pero sa totoo lang siya lang naman talaga ang tumatawag sa akin ng ganun, lahat ng nakakakilala sa akin Kiara ang tawag sa akin kahit ang pamilya ko. Pero hindi iyon ang rason kung bakit sobrang napuno na naman ng hindi ko maintindihan ang dibdib at sikmura ko sa tawag niyang 'mag-ina ko'. This is not the first time though that he introduced us using that term but it gets me everytime. I always felt my heart backflip. "Akala ko ba disbanded na ang Syringe Fanatics." biglang sambit ng lalaki na may hawak na batang babae habang pinapadede iyon sa bote. Agad naman siyang pinalo ng babae na katabi nito may hawak na baby bib, "Carl! Mukha kang tanga, anong alam ni Kiara sa fanatics mo. Hindi mo siya close para maintindihan niya." suway sa kanya nito. Lumabi naman ang Carl sa kanya at nagpa-cute. "Sorry na, love. 'Wag ka ng nagagalit diyan. Sinasamahan mo pa ng hampas." bawi niya. I cannot avoid from laughing because of their cuteness from joking a fight. Napatawa na lang din si Jazz saka siya nagsalita. "Si Carl at Maisie pala, Hun. Tapos 'yong limang buwan nilang anak. Si Maddox Caia. Nasaan si Carter Myer?" "Wag kang magtaka sa kaartehan ng asawa ko na nagpangalan sa mga anak namin." dagdag ni Maisie na nakingiti ng malawak. Nakita niya siguro ang pagka-amaze na bakas sa mukha ko. "Nasa ranch ang panganay namin kasama si Mang Abner. Gusto niyang makita ang mga alaga nilang kabayo at tupa." "Si Jonas Lei. Anak 'yan ng sikat ng novel writer." Turo niya sa lalakeng naka-clean cut na hairstyle. Nakatayo ito may hawak na cellphone at naka-headset pa. "Kinakapatid ko, si Mika. Ang panganay ni Ninang Lea na nakabase sa Japan sa pag-momodel." Turo naman niya sa babaeng maganda na sinasabi ko kanina. Alam kong lima ang anak ni Mrs. Tamura at kilala ko na sina Yuna, Nagi, Miu at Jun. Pero ngayon ko lang nakilala ang panganay niya dahil nga sa sabi ni Jazz nakatira ito sa Japan. "Tapos si Deandre na kaibigan din ng Kuya mo. At si Jaliyah asawa niya." Pagtatapos ni Jazz sa sinasabi niya. Kilala ko tong si Kuya Deandre dahil katrabaho ito ni Kuya Kenn sa aviation. Siya ang sinasabi ni Kuya dati na nagbigay ng number niya kay Jazz ng mangailangan ito ng Architech. "Hi, Kiara Celestine. Small world 'di ba?" Nakangiting tugon ni Kuya Deandre habang hinihimas ang malaking tiyan ng asawa niya. Wala akong nagawa kundi ngumiti lang din sa kanya, pati sa asawa niya na nginitian din niya ako pabalik. "Syringe Fanatics kasi lahat kami nursing by degree. We are all Registered Nurse. Pero hindi lahat kami ay bumagsak sa pagiging nurse, katulad ko at ni Mika." We proceeded to take our seats on the available space. Jazz let Sophie seats on his laps while my daughter was quietly surveying the new people around her. "Mas maganda pala itong si Sophie sa personal kaysa sa picture na nakita namin sa post ni Jazz. Ilang taon na siya?" Tanong ni Maisie. "Mag-fi-five na siya this year." sagot ko. Tumango naman siya. "Ang tangkad ng baby niyo ang ganda pa ng pangangatawan. Baka naman gusto mong ibahagi sa amin ang secret mo na tricks and tips sa akin na nanay na at sa magiging nanay pa." natatawang dagdag niya. Nginitian ko naman siya at pakiramdaman ko nag-uumpisa na akong maging at ease sa kanila. Akala ko kasi maiilang ako lalo't ito ang unang beses na makilala ko sila. "Baka kailangan niyo ng isang pad paper para may notes kayo." biro ko. "Naku. Saka na iyan. We'll leave it for next time. Kapag all girls na lang ang usapan." Sabat ni Jaliyah na kumindat pa sa akin. "Kaya ikaw Jonas, mag-asawa ka na rin kayo ni Mika, napapag-iwanan" na kayo." Carl said, shifting the topic. Siniko siya ni Maisie. "Sulsol ka talaga. Malay mo wala pang balak mag-settle down ang mga iyan." Pero mukhang hindi naman niya pinansin ang pagsiko sa kanya ng asawa niya. Instead, he look at her with more and more of love and affection reflected in his eyes. "Tama nga naman si Carl," pukaw ni Kuya Deandre "Habol-habol din pag may time. And the more the merrier." natatawang sabi niya. Jonas and Mika rolled their eyes at him habang hinehele ang bata sa mga bisig niya para patulugin. "Hay nako. Kung magiging pihikan kayo, malalaglag na lang kayo sa kalendaryo, single pa rin kayo." he said in exasperation which earned a few laughs from our group. "Iba ang pakiramdam ng may asawa at anak na sasalubong sa'yo pagkagaling mo sa sobrang pagod at puyat na trabaho." "Mauuna muna si Jonas kasi balita ko may lihim siyang pagtingin sa sumita sa kanya na lady officer dahil wala sa lugar ang pinag-parkan niya. Nilagyan ba naman ng resibo ang windshield wiper ng sasakyan niya." Mika remarked before taking a zip of the can juice infront of her. Jonas glared at her instantaneously. "Fake news ka naman Mika, ikaw nga 'tong may manliligaw na Director." Panlalaglag din nito sa isa na nagpatawa sa amin. Parang di na rin bago sa pandinig ng mga kaibigan nila dahil sa uri ng reaksyon ng mga ito. " 'Wag mong ipagpilitan ang nasagap mo na chismis, walang katotohanan iyan. Kulang na kulang ka pa sa source para mabreak mo si Lolit Solis." ani ulit ni Jonas kaya mas lalo kaming naghalakhakan. "Nagsimula na naman ang mga single na bitter." biglang sabi ni Kuya Deandre na ikinatawa ulit namin pero ang dalawang nasa hotseat umaasim ang mga mukha nila. Hindi ko alam na marunong din pala itong mang-asar. Kung nagagawi siya sa bahay namin tahimik lang naman ito, di nakikisali sa mga katrabaho niya kung naglolokohan. "Jaliyah, darating talaga ang araw na bigla ko na lang masasapak itong asawa mo. Kaya ngayon pa lang humihingi na ako ng pasensya at tawad." sabi ni Jonas na seryoso pero ang iba parang walang narinig. "Baka maitakwil ko din." Dugtong din ni Mika. "Pagpasensiyahan niyo na itong asawa ko. Malakas lang mang-asar kasi di na siya kabilang sa inyo na single. Pasalamat na lang talaga siya at naduling ako kaya ko siya pinakasalan." Natatawa ring sabi ni Jaliyah na ikinasimangot ng asawa niya. Natawa ulit kami kaya siya napalabi lalo. Nakikinig lang ako at nagbibigay din ng komento sa usapan nang kinuha ni Jazz ang kamay ko at banayad na hinawakan kaya napatingin ako sa kanya. "Sabi sa'yo eh, mababait sila." bulong niya. I nodded my head. I was about to whisper something to his ear when I noticed that all of his friends were silently looking at the both of us. "Why?" Jazz asked grinning. "Umpisahan na natin ang mag-barbecue sa likod. Para mapag-usapan na 'yong plano sa pharmacy na ipapapatayo natin kaso mukhang busy ka pa diyan na makipaglandian." tugon ni Carl sabay kindat. "Huy. Wag kang ano diyan, Carl. Hayaan mo lang si onii-chan. Matagal na walang kalandian 'yan." sapaw naman ni Mika. "Akala ko ba si Deandre ang alaskador?" natatawang sagot ni Jazz. May sasabihin pa sana si Carl kaso biglang tumayo si Jonas. "Mauuna na ako sa likod kung ayaw niyo pang magsitayo diyan. Wala na naman tayong matatapos na plano." Tugon niya saka siya humarap kay Maisie at ngumiti bago niya hinalikan sa noo pati rin ang anak nila. Then he marched off and disappeared. "Maiiwan ka muna sa kanila para makapag-girls talk kayo." Sabi naman ni Kuya Deandre kay Jaliyah bago humalik din siya sa pisngi niya at hinimas ang tiyan ng asawa. And then hurriedly jog towards at the back of the farmhouse. "Well, I need to follow them. I'll be back later. Mag-girls talk muna kayo rito." paalam ni Jazz saka inupo si Sophie sa iniwan niyang espasyo. I thought he will follow them immediately but to my surprised he bend his head and give me a lingering kiss on my lips not minding that we have an audience. "Babalik ako." bulong nito saka siya nawala sa harap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD