"Kumusta naman ang aftershock sa pagkikita niyo ni Mr. Division Nurse?" Narinig kong tanong ni Ma'am Mhae habang ngumunguya ng chicken joy.
"Patingin ng nginig kamo, kasi parang ngayon lang nahimasmasan." Pangguguyo ni Dhea sa sinabi ni Ma'am Mhae. Binigyan ko nga ng nakakamatay na irap.
"Ngayon ko lang nakita si Kia na nanginginig. Maliban kung emergency call sa kanya pagdating sa bebe girl niya." Sabi nito. Parang siya lang din ang sumagot sa tanong niya noong una.
Tahimik lang ako at napangiti sa palitan nila ng salita bilang sagot nilang dalawa. Ngunit hindi katulad ng ibang pagkakataon na ako mismo ang sumasagot, ngayon ligalig ako sa nangyari kanina simula sa classroom ko hanggang matapos ang pagbisita ng mga taga-Division.
Likas na likas lang sa kanya na makipag-usap sa akin na parang wala siyang kasalanan. Fine, hindi niya kasalanan na umasa ako. Hindi niya kasalanan na naghintay ako pero wala kasi siyang isang salita eh.
Nahatak ako sa aking pag-iisip nang tawagin ng atensyon ko ni Ma'am Lynde. "Dada na kami ng dada, kanina ka pa namin kinakausap, okay ka lang ba talaga?"
"Ah... Eh oo naman. Bakit ba?"
"Pag sure?" Sabay-sabay nilang sambit.
"Hanep. Ang galing niyo rin no? Pwede na kayong pumalit sa choir ng simbahan. Galing magsabay-sabay eh." Masungit na sambit ko sabay irap.
Pero syempre hindi naniwala at natinag ang nag-iisang Dhea a.k.a. Cristy Fermin 2nd. "We want the truth. You're hiding something from us, I'm sure of that."
"Yan na ang certified local journalist ng universe." Ma'am Mhae whispered pero sapat na marinig naming lahat sa mesa.
Hindi ito pinatulan ni Dhea dahil napako sa akin ang buong atensyon nito. Nag-aabang nang kung ano ang susunod kong sasabihin. Pero mahirap matinag ang babaeng to. Hindi ko rin basta-basta na magpapasabog ako ng bomba. Hindi ko sasabihin sa kanila kung ano ang meron sa amin ni Jazz six years ago dahil noon, hirap akong umusad.
"Wala namang masyadong big deal sa rason. Bakit naiintriga kayo na malaman ang dahilan?"
Nagsitinginan silang tatlo. Napapailing na lang ang mga ibang guro na di nakikisali.
"Iwas na iwas ka kasi dahil sa presensiya niya, akala mo ba di namin napansin iyon. Tama ba ako kapwa kong magagandang guro?" Si Dhea ulit.
"Don't avoid the topic, Ma'am Kia. The more you avoid, the more we pester you about it." Di napigilan ni Ma'am Annaliza na sagot sabay kuha ng brownies sa harapan ko.
"Tara na, sa ibang araw na 'yan dahil magpupunta pa ako pa opisina ni Mrs. Tamura. Baka may negative feedback ang taga-division sa akin." Wika ko na lang para wala na silang ibang maidadagdag at itatanong pa.
"Hanep sa palusot ha. Galingan mo sa susunod. Negative feedback my ass. Imposible na ang pinakamagandang classroom ang may negative feedback. Biggest joke of the year na iyan." Sarkastikong sabi ni Dhea na may kasamang ngisi.
Natawa ako. "Malay niyo naman, di pasado sa paningin nila ang sinasabi niyong maganda." Pagbibiro ko.
Wala na namang katapusan na kulitan ang nangyari hanggang matapos kaming magligpit ng pinagkainan namin. Naramdaman ko ang kaba at sumagi sa isip ko ang posibleng dahil sa nangyari kanina kaya ako pinatawag ni Mrs. Tamura.
Alanganin akong kumatok sa pinto. Ambot sa kambing na may bangs. Ano ba kasi ang naisip nang taong iyon kanina. Pag may pagkakataon siya lapit siya ng lapit. Kung gaano ang pag-iwas ko siya naman ang dikit niya.
"Mrs. Tamura." Bati ko na may matamis na ngiti sa aking mga labi pagkatapos kong kumatok.
Hindi siya nag-angat ng titig. She just continue in signing the papers infront of her.
"Have a sit, Ms. Real. This is just quick." The authority in her voice is unknown.
Para akong nag-mala-Flash sa bilis kong umupo sa itinuro niyang silya.
"I'm not in the position to meddle or whatsoever. Gusto ko lang magtanong bakit ganoon ang mga naging reaksyon mo kanina." Diretsa niyang tugon. Walang intro si Ma'am ha.
Napalunok ako. Ano ang sasabihin ko?
Nag-panicked ako? Ninerbyos?
Tapos ang susunod na tatanungin niya; bakit?
Dahil kay Jazz?
Tapos ulit ang susunod na tatanungin niya; Bakit? Sino ba siya?
Sasagutin ko o paninindigan kong itiklop ang mga labi ko.
Of course, common and usual route. Neither of the two.
"Nothing, Ma'am. Nabigla lang po siguro ako kanina." Ang boses ko ay parang sa boses ng anak ko kung pinapangaralan ko siya tungkol sa pagliligpit ng mga laruan niya.
"How are you related to Mr. Balbastre, by the way?"
Shooot! Sabi ko na nga ba. Isip ka na lang ng palusot, Kiara.
"Kakilala lang, Ma'am." Sabi ko. Wala naman na sanang kasunod na tanong, jusmiyo.
"Di ka mag-re-react nang ganun lang, Ms. Real." Ngumito ito sa akin nang makahulugan. "He's even asking me your personal number awhile back." She removed her eye glasses and stared at me seriously.
Gusto kong salubungin ang mga titig niya pero baka madulas ako at maamin ko sa kanya ang totoo. "Kakilala lang talaga, Ma'am. Nothing more." Mahinang sabi ko. Talagang paninindigan ko una kong sagot.
"Okay. I will just tell to my godson that he is your acquaintance only." She's looking at me without blinking her eyes. I felt frightened suddenly. "Magka-iba kayo kasi ng sinabi sa akin." Dugtong niyang sabi.
Di ko alam ang magiging reaksyon ko kung kakabahan ba ulit ako lalaki ang mga mata ko sa gulat sa sinabi niyang inaanak niya si Jazz. Hindi ko tuloy mahanap ang mga salitang gusto kong sabihin. Napipi ako bigla.
"Don't worry. I told him that if he wants your number he will get by himself." She laughed.
Guminhawa ang pakiramdam ko sa narinig ko. Di ko inaaasahan ang pasabog na iyon ni Head Teacher. Kaya pala kung maka-ngiti at maka-ngisi siya sa akin kanina pag magtatama ang mga mata paningin namin.
She dismissed me immedaitely after the talk. Akala ko kung ano na nagawa ko na di kanais-nais kaya niya ako pinatawag iyon pala mas binigyan niya ako mas maraming posibleng mangyari na iisipin.
The rest of the day went smoothly. Hindi na ako nakilahok sa mga kapwa ko guro after class dismissal dahi na-mi-missed ko na ang Sweetheart ko.
I missed to pick her from school today. Because of the visitacion and monitoring. Good thing, Shania was much wiiling to pick her for me. Mabilis kong tinahak kung saan nakaparada ang sasakyan ko ng biglang may humila sa braso ko papunta sa likod ng school guard house.
I wanted to scream so loud to ask for help but just a second a hand cover my mouth hindering me to shout.
My strong will vanished away when my eyes met the beautiful eyes of Jazz. Ang mukha niya ay kahibla na lang ang layo sa akin.
Namanhid ako. Hindi ko man lang siya nabulyawan. Hindi ko man lang siya naitulak o kaya nasipa para makatakbo. Nakatingin lang siya sa akin ng mariin, bago niya tinanggal ang kamay niyang nasa labi ko. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at pinakatitigan nang mabuti. Halos di nga pumikit ang mga mata niya para mainspeksyong mabuti kung ano ba talaga ang gusto niyang makita.
"Wala kang wedding ring, ibig sabihin wala kang asawa." Sabi niya. Ang mababa, namamaos na boses niya, ang siyang nagpatayo ng mga balahibo sa buong katawan ko. "Boyfriend?" Pagdedemanda niya.
Kahit hawak pa niya ang mga kamay ko, di rin ako ngpatinag sa mga matatalim niyang tingin. "It's not your business if I have or none." I greeted my teeth answering him.
"But you have a kid." He said sternly.
"Again! Wala ka pa ring pakiaalam, gago ka." Nanggagalaiti na rin ako sa galit. Pigil ko lang na mabugahan siya ng apoy.
"So? You got yourself pregnant, after I left?" He mocked at me that made my blood boil.