Chapter 4

1006 Words
Nagtatagis ang mga bagang kong nakatitig sa kanya. Naramdaman kong magsimula nang mamuo ng luha ang gilid ng mga mata ko dahil nasaktan ako sa sinabi niya, pero bago pa mangyari 'yon kinalma ko ang sarili ko. Oh! Mahal kong Diyos. Inuubos talaga nang Pontio Pilato'ng ito ang natitirang pasensiya ko. "Oh? Ano naman sa'yo ngayon?" Mabilis kong singhal sa kanya. Gustong-gusto ko na siyang hambulisin ng bag ko. Nanggigigil na talaga ako sa galit. "I'm sorry. That's not what I meant." He apologized regretfully in a low tone which is far to different from the tone he used earlier. I know he's a man of thousand things but I never thought he would be this judgemental towards me. "You know what? Kung wala kang magandang sasabihin sa akin pwede ba umalis ka na lang? O mas mainam 'wag ka na lang magpapakita at babalik pa, total diyan ka naman magaling. F*cking liar!" Bigkas ko nang buong diin bago sabay martsa paalis sa harapan niya. Mas mabilis pa sa alas kwuatro na umalis ako at agad naman akong nakasakay sa sasakyan, mabuti at hindi na rin niya ako sinundan. Mukhang na-guilty siya sa mga sinabi ko. Kapag talaga pinigilan pa niya ako baka mas malala pa ang mga salitang maibabato ko sa kanya. Gusto ko siyang sumbatan, gusto ko siyang murahin ng murahin pero nagpigil ako, para saan pa? Eh ako lang naman talaga ang tangang naniwala sa huwad niyang pangako. I was furious and shaking in anger throughout the drive until I reached Dreamer's Bean. Walang Sophie na sumalubong sa akin pagkapasok ko. Mga barista lang ang nakangiting bumati sa akin. Mas lalo ko tuloy siyang na-missed. "Arvin, where are they?" Tanong ko sa Cashier. "Hello, Ma'am. Nasa private office mo po sila. Nagising na kasi si Sophie kanina kaya pinuntahan ni Ma'am Shania." Sagot nito. Kaya naman nag-pasalamat ako saka ko tinahak ang sarili kong opisina dito sa coffee shop. Nakasalubong ko si Shania palabas, kaya kinausap ko siya saglit. "Salamat pala sa pagsundo mo kay, Sophie, beshymars. Alanganin na kasi ang oras ko kanina." Pagpapasalamat ko kay Shania. Mabuti na lang talaga at mayroon siyang napa-pakiusapan ko palagi kung hindi ako pwede. Inikutan niya ako ng mga mata niya. "Ito naman para kang others. You're always welcome, Ma'am. Basta para sa inaanak ko, di mo na kailangang magdoble ng sabi." Tugon nito. Di ko na lang itinama ang tawag niya sa akin na "Ma'am" baka ibalik niya sa akin ang panenermon kaya hinayaan ko na lang. "Basta salamat palagi." "May pinapasabi pala ang Teacher niya. I-check mo raw 'yong activity niya sa klase kanina. Balik na ako sa counter. Puntahan mo na siya." Dire-direstong sabi nito sabay talikod at iniwan niya ako. Naabutan kong nonood sa tablet si Sophie nang makapasok ako. Maaliwalas din ang loob ng opisina, marahil inayos na rin ni Shania ang mga kalat ng anak ko. "Sweetheart, Mymy is here." I called her. Her beautiful face lit with excitement before she place aside her tab and run to me in full speed. Napaatras ako ng dalawang hakbang dahil sa impak ng pagtakbo niya. "Mymy! I missed you!" Her voice was full of joy. Biglang napawi ang lahat ng galit at inis na nararamdamam ko sa lalaking iniwan ko sa labas ng eskwelahan. I kneeled infront of her and tucked some hair behind her ear. "Sorry, Sweetheart ha, may bisita kasi sila Mymy sa school kanina kaya di ka niya nasundo." Pero hindi siya nagpakita ng kahit anumang sinyales ng pagkadisgusto, bagkus, binigyan niya ako ng punong-puno, makatunaw-puso na ngiti. God! What did I do to deserve this girl? "It's okay, Mymy! You told me that you are teaching so hard so you can buy me anything that I need just like to my classmates." Napalunok ako bago ako tumango. Nagtatrabaho ako nang matindi para sa kanya. God knows, kung paano ko ginagawa ang lahat-lahat ng aking makakaya. Pero alam ko, bawat magulang alam natin na hindi natin kayang ibigay ang lahat para sa mga anak natin. "Oo naman! Mymy will do everything for her Sophie." Mahinang tugon ko bago siya inakap nang mahigpit na siya namang ibinalik niya. Nagbasa lang ako sa mga naka-abang na financial report ng coffee shop bago kami umuwi ni Sophie. Mabilis naman siyang nakatulog kinagabihan pagkatapos namin gawin ang mga homework niya. I was just so lucky because that God gave me a smart baby. Inaayos ko ang laman ng backpack niya ng bigla kong maisip ang bilin ni Shania. Napuna ko ang nag-iisang pulang sobre na nakaipit sa art book niya. It has a print out text at the back and it says there "My Letter to Santa". I do not know why I suddenly feel nervous with the simple envelope I'm holding. Hindi ko rin alam kung bakit siguradong-sigurado ako na ang nilalaman ng pulang sobre na hawak ko ay kabilang sa mga bagay-bagay na hindi ko kayang ibigay sa anak ko. Hawak ang pulang sobre, sumilip muna ako sa nakaawang na pintuan ng kwuarto namin, nagtatalo ang isip ko kung babasahin ko ba ang nilalaman nito o hindi. Saglit na pinikit ko ang mga mata ko at humugot ng malalim na hininga bago ko dinahan-dahan na binuksan ang sobre. I took it out the paper from inside and notice her wriggly penmanship. "Shit." I silently cursed when I read what is written on the paper. Dear Santa, My name is Cassandra Sophia A. Real. I'm 5 years old. My Christmas wish list is: 1. My Dydy Love, Sophie Nilagay ko ang sulat niya sa dibdib ko at tahimik akong lumuluha. Umiiyak ako dahil sa halo-halong emosyon na bigla kong naramdaman, andoon ang awa, takot at kaba. Awa dahil alam kong hindi ko maibibigay sa kanya ang hiling niya. Natatakot ako at kinakabahan dahil baka unti-unti na niyang maiisip na hindi ako sapat para sa kanya. At baka isang araw magsisimula na siyang magtanong kung sino at kung nasaan ang tatay niya. Mga magiging tanong ng anak ko na hinding-hindi ko masasagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD