Chapter 2

1341 Words
"Di ka na ata nakatulog nang maayos ah. Ang lalaki ng mga eyebags mo. Mukha kang Panda for today's update." Bulong ni Dhea na nakaupo sa tabi ko. Kasalukuyan kong i-ne-encode ang mga grado ng mga estudyante ko sa laptop habang hinihintay pa namin ang mga kapwa naming guro. Nandito kami sa Head Teacher's Office dahil pagkatapos ng flag ceremony kanina ay nag-announce si Mrs. Tamura na may mahalaga daw siyang sasabihin sa amin. Nag-iwan na nga lang ako ng seatwork sa mga bata. "Hindi ah. Napuyat lang, " mahinang depensa ko. Akala ko di na siya magiging atribidida pero umikot na lang ang mga mata ko nang bigla niya akong siniko na may kasamang panunukso. "Uyy, dahil sa pa-bulaklak 'yan no? Boyfriend o manliligaw mo?" Siniko ko nga siya. Kita mo 'to. Pwedeng-pwede nang pumalit sa title ni Cristy Fermin at magkaroon ng sariling TalkShow. "Naniniko ka kapag kinikilig ka ha. Uy! Amin-amin din pag may time," pagpapatuloy niyang sabi. "Naka-drugs ka ba? O di ka na naman nakainom nang gamot mo sa tamang oras?" Mabilis na dumapo ang palad niya sa braso ko. Gagang to masakit ang hampas niya ha. "Para kang sira. Hindi ko siya manliligaw, mas lalong di ko siya boyfriend." Napasimangot siya na umupo ng tuwid sa tabi ko. "Eh kasi naman akala ko maglelevel up na ang status mo. Malay ko ba. Pero infairness ha, ang gwapo niya." I just rolled my eyes and at her reaction on my peripheral vision before I focus attentively my eyes on the screen. Hindi na ako nakarinig ng kung ano pang sasabihin niya dahil nagsidatingan na rin ang kapwa naming mga guro kasunod na pagpasok ni Head Teacher. Sunod-sunod silang naupo sa parihabang lamesa. "Attention, my dear teachers." She announced. Nasa kanya na ang buo naming atensyon. "Nagtataka kayo siguro kung ano ang meron ngayon. Pero makakaasa kayo na hindi pressure ang dulot nitong sasabihin ko." Biro nito at lahat kami ay napatawa sa turan niya. "We are here today because the School Division Office Staffs will pay their visit. We received already a memo weeks back but there is no specific date as to when they will arrive." Tahimik lang kaming nakikinig kay Mrs. Tamura dahil kahit sino sa amin ay wala din namang nakaka-alam ng rason. "Alam nating lahat na bibihira silang bumibisita sa bawat paaralan. Maski nga sumilip sa atin na nasa tabi lang nila. But, since the school divison nurse vacant position was filled, they will introduce to us the newly hired division nurse. Also, they will be here to roam around and monitor our school." Sa sandaling pananahimik ni Mrs. Tamura nagsimula na ang bulong-bulongan sa loob ng office. Kung sino daw ba ang bagong hired na division nurse. Kung saang division siya galing? Kung babae ba o lalake? At marami pang iba. Dhea and I looked at each other. Ngumiti ito sa akin ng nakakaloko sabay sabing. "Lalake yan." Bago siya kumindat. Samantalang si Ma'am Mhae na nasa tabi ko bumulong na babae. Mukhang magsisimula na naman silang maglabasan ng kanilang opinyon. Di ako nakisali. Nagkibit-balikat lang ako bago ko tinuon muli ang atensyon kay Mrs. Tamura. "I need your cooperation. Please guide our pupils to be on their best behavior. I don't want to see any of them loitering around. As much as possible, I don't to hear any negative feedback from them if it's our turn to be monitored. Are we clear on that?" "Yes, Ma'am." We politely all said in unison. With that she dismissed us and off she went inside her office. We followed after her. Habang naglalakad kami papunta sa kani-kanilang classroom, lumapit sa gilid ko si Dhea at ikinawit ang kamay sa braso ko. "Lalaki sana sa pagkakataong ito para maiba naman." Sabi nito. "Sus, babae na lang ulit sana para mas madaling lapitan. Di nakaka-ilang minsan ang mag-approach." Kontra ni Ma'am Mhae. "Mapa-lalake o mapa-babae parehas lang din. Banana plus saging equals saba." Sabi naman ni Ma'am Lynde na nagpahalakhak sa amin lahat bago kami naghiwa-hiwalay papasok sa aming mga silid-aralan. Napapailing na lang ako dahil sa kanila. Pagkapasok ko tahimik pa rin ang mga estudyante ko na sumasagot sa workbook nila. Kaya naman inabala ko din ang sarili kong ipinagpatuloy ang pag-eencode ng mga grades. Mabilis na lumipas ang oras. Last subject na bago mag-tanghalian nang mapansin kong dumaan si Mrs. Tamura papunta sa gate ng school. Abala ako sa pagwawasto ng takdang aralin ng mga estudyante ko nang may marinig akong boses na nagsasalitan ng pagbati. Malinaw sa tainga ko dahil ang classroom ko ang unang mabubungaran kapag galing sa entrance gate. Dumapo ang paningin ko sa labas. Unti-unting umawang ang aking labi nang mahagip ng mga mata ko ang paglalakad nila Mrs. Tamura kasama ang mga taga School Division Staffs at ni Jazz palapit kung saan ang pintuan ng classroom ko. Holy s**t. Kung nanadya naman talaga ang tadhana. Di ko i-ne-expect na si Jazz ang bagong Division Nurse. Marahas akong nagbuga ng hangin dahil bigla akong kinakabahan. 'Yong atensyon ko napako na lang sa boses nila at ang mga papalapit nilang imahe. "Welcome to Grade 3 classroom and they adviser Ms. Kiara Celestine Real." I heard the gleeful tone of Mrs. Tamura informing the guests. Agad akong tumayo at sinabihan ko din ang mga bata para bumati sa mga bisita. "Please you may take your seats." That command came from the School Division Superintendent Officer. "Thank you, Ma'am." Sagot namin ng mga bata na sabay-sabay. Nagkatinginan kami ni Mrs. Tamura, pero bigla akong nailang dahil parang may laman ang mga ngiti niya. Dahil malamang, namumukhaan niya ang isang kasama nila. "Feel free to wander the four sides of the corner, Sir's and Ma'ams." She usherred the guests. Nagkanya-kanya ang nga Bosses sa pagtitingin sa loob ng classroom ko. Ang iba sa kanila ay nasa subjects bulletin board kung saan ang main highlight lesson on the week. Ang iba naman ay nasa reading corner station, to where I designed it to more like a miny library. May mga Bosses din na nagsusuri sa mga nilagay kong instructional materials for teaching, like the flash cards, physical objects, charts and multimedia. Napansin ko si Jazz na manghang-manghang lumapit sa corner kung saan pinangalanan kong H²O Station. Agaw pansin talaga iyon sa lahat ng classroom sa school namin dahil nagbubukod tangi ang classroom ko lang ang mayroong DIY handwashing sink katabi nito ay water dispencer. Matagal akong napatitig sa kanya. Kahit dangkal ang pagitan namin di ko maikakailang gwapo talaga si Jazz. He's got the looks, the charm, the brain and the good attitudes. Pero sa pagtupad sa mga salitang binibitawan niya? Ewan ko na lang. Matapos niyang inspeksyunin ang sink, bumaling siya kung saan ako nakaupo. Biglang nagtama ang tingin namin sa isa't-isat. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti pero bigla akong umiwas. Para mabaling ang panginginig ng laman ko, inayos ko ang mga naiwasto kong mga papel mula sa pinakamataas hanggang sa pinamababang puntos. Umangat ang ulo ko nang maramdaman kong may bulto na nakatayo sa gilid ng aking mesa. "A plesant day, Ma'am. You have a nice learning room." He complimented. "Thank you so much, Sir." I replied ahead of me in surprised because his voice struck me. As I looked at him, I saw the faint smile on his lips. His narrow eyes were full of emotions and longing. He was really handsome with his perfect naturally trimmed but thick eyebrows, pointed nose ang chiseled jaw. His hair was neatly well-groomed perfectly on his hard pink short sleeve casual shirt and mustard yellow chinos. Suddenly I felt intimidated by his presence near me. Mariin niya akong tinitigan na nakatingin sa kanya bago niya itinuro ang light screen wallpaper ng laptop ko. It was Sophie's picture. "Your daughter?. He asked. His voice is enough for me to heard but coated with curiousity. "Yes, Sir." I quietly answered back. He nodded his head multiple times before he looked at me again. "Oh! She's beautiful." Then he strode walked away towards the Bosses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD