I woke up alone in bed. Akala ko ako ang unang nagising dahil sa pagod kahapon pero hindi pa rin pala.
I looked at the watch on the top of bedside table and I saw it's 7 am. Theres no trace of Jazz and Sophie too. Naunahan rin nila akong dalawa na bumangon sa kama.
I got up from the bed and did all my morning rituals. Inayos ko ang kama ni Jazz saka ako nagsuklay ng aking buhok.
"Nakabihis ka na pala. Akala ko tulog ka pa."
Napalingon ako sa aking likuran kong nasaan ang banda ang pintuan and I saw Jazz there wearing the same color of my top, jeans and white sneakers. He is ready also for the day.
Nakangiti ito sa akin habang ipinagpapatuloy ko ang pagsusuklay ko. Lumapit siya at kinuha sa akin ang suklay at siya na rin ang tumapos 'nyon.
Inilapag niya ang suklay sa tabi ng orasan saka niya ako hinila palabas ng kwarto pero napahinto siya.
"Oh bakit? You forgot something?" I asked looking around the room.
He showed me his perfect smile. "I forgot this," he uttered and leaned to give me a kiss on my lips.
"Good morning Hun." he said and kissed my forehead after.
Ang aga-aga nitong nagpapakilig. Dagdag points for him. Dahil medyo nasa mood ako, di rin ako nagpatalo.
I gave him a smack on his lips afterwards that made his eyes roundly open. Gulat ang nurse niyo.
"Good morning too, Dydy. For now yan na lang muna, saka na ang pag-change ng status mo." sabi ko na may kasama pang tawa.
Tinaasan niya ako ng kilay ng mahimasmasan siya sa pagkagulat. "Ano 'yon installment lang ganon?"
I just chuckled.
"Ano bang akala mo? Magbabago na status mo?" sambit ko.
Ngumisi siya. "Nakakasakit ka talaga ng ugat minsan ha. Paasa." birong hinanakit nito.
Masarap rin na makita siyang nagtatampo kuno pero mas nangingibabaw ang kilig sa itsura niya.
Natawa na lang ulit ako nang mapansin kong namumula ang mukha nito.
"Huwag kang mag-alala baka sa mga susunod na araw di na lang ugat ang sasakit at magpapahirap sa'yo." Tukso ko na nagpahalakhak sa kanya.
"Try it Ms. Real and we'll see what will happen to you if that day comes." banta nito sa boses niyang nanunukso.
Ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko. Ayaw kong bigyan ng malisya ang banta niya dahil hindi naman ako tanga na di makuha ang ibig niyang sabihin kaya kunwari wala lang sa akin 'yon at iniba ko ang topic.
"Nasaan si Sophie?" Tanong ko nang naglalakad na kami papuntang hapag.
"Bihis na rin. Nasa pool kasama nila Mommy at Daddy." sagot niya at hinainan ako ng almusal.
"Tapos na rin ba silang mag-breakfast?" Tanong ko ulit.
Tumango naman siya saka niya nilapag sa tabi ng plato ko ang katitimpla niyang kape.
Nakatayo lang siya sa gilid ko pagkatapos saka ko binigyang pansin ang pagkakapareha ng kulay ng mga damit namin.
"Anong meron sa araw na 'to at pareho tayo ng kulay ng damit na suot." sabi ko habang nahigop ako ng kape.
"Pink daw kasi ang n*****s mo." sabi nito at talagang nakatingin pa siya sa bandang dibdib ko. Bwisit na 'to.
Naibuga ko tuloy ang kape na wala sa oras. "Gago kang manyak ka." inis na sabi ko.
He got a table tissue and he's laughing so hard wipping my mouth.
"Mahal naman kita." sabi niya.
Binigyan ko siya ng nakakamatay na irap saka ako tumayo para mailagay sa kitchen sink ang pinagkainan ko. Kumain na siguro siya kaya di siya nakisabay sa akin. Minabuti ko na lang ding minadali ang pagkain ko.
"Ano ngayon naglalambing ka?" Tanong ko.
Napaigtad ako sa biglaang pagyakap niya sa likuran ko habang naghuhugas ako ng pinagkainan ko. Palibhasa may kasalanan.
"Dati na akong malambing, Hun. Sa ating dalawa ikaw lang naman itong hindi cariñosa," sabi nito. Siniko ko nga siya. Ipamukha ba naman niya talaga.
"Kita mo? Di ka na nga malambing, ang sungit sungit mo pa. Sinisiko mo pa ako."
Pumaikot ako paharap sa kanya saka ko siya kinintalan ng halik sa kanyang labi. "O ayan may kiss ka na ulit bayad sa mga reklamo mo. Ang dami mo pang pinagsisintir," sabi ko at naramdaman ko ang bahagyang pagnginig ng katawan nito. Ugh. Kinilig ang Dydy.
"Isa pa nga." Hirit nito.
"Maysa pay ta rupam." Sabi ko at tinalikuran ko na siya para magpunas ng mga kamay ko.
Nakasunod lang siya sa akin na ipinag-pipilitan ang hirit nito nang nakita kong patakbong sumalubong si Sophie na nakapink din. My print pa sa damit nito na 'Daddy' Princess'. What stunned me is she stopped midway and her small arms are on her waist.
"Too early. Is fighting now is added in the menu for breakfast? You started it Mymy?" She said.
Napaawang ang aking labi sa pangtatalak niya. Nakapamaywang pa talaga siya. I didn't want to laugh pero si Jazz na nasa likuran ko lang din ay bigla na lang tumawa.
"Sweetheart." Sabi ko.
"Kung mag-aaway kayo maraming kutsilyo diyan, kuha kayo tig-isa kayo at sa labas ng bahay kayo magpatayan. And where are your manners Mymy?" Dagdag nito.
"Sophie, baby that's enough. You don't talk to your Mymy like that." Saway ni Jazz.
"I was just kidding po. I'm only mimicking what Nanang always says if Mymy and her siblings are fighting." Hagikhik nito at yumakap sa akin saka siya daling nagpakarga kay Jazz.
Tawa pa rin nang tawa si Jazz tapos umakbay siya sa akin saka kami naglakad papunta sa sala.
Nadatnan namin ang mag-asawang Balbastre na parang kakapasok lang din.
"Ready na pala kayo. Tara na ng mas marami tayong malilibot sa Vigan." Sabi ni Mommy Lillien na parang batang excited.
Napailing na lang ang asawa nito na siyang ikinangiti rin namin ni Jazz.
"Convoy na lang tayo Jazz, may pupuntahan pa kami ng Mommy niyo pagkatapos." Si Daddy Railen ang nagsalita habang nagtitipa sa telepono nito.
"Yes Dad. Ihahatid ko rin po ang mag-ina ko sa kanila baka gabi na rin ako makauwi." Sagot naman ni Jazz na pinanggigigilan ang pisngi ni Sophie. Napapatili naman ang isa.
"Bakit di na lang kayo dito tumira, Kiara? Si Jazz lang at ang ang dalawang kasambahay ang nandito 'pag nakabalik na ulit kami ng Canada." Mommy Lillien suggested.
Saglit akong napipi dahil sa sinabi nito. Kami titira sa iisang bahay kasama si Jazz? Parang masiyado pang maaga ang gusto niya. Di pa nga kami nag-uumpisa ulit ng anak niya.
"Nagpaparinig ka mahal? Let them decide to what they want." Pigil ng asawa niya. Pansin siguro nito ang pag-aalinlangan ko. "Mas sila ang nakakaalam kung ano ang mas ikakabuti ng pamilya nila."
"Nagsa-suggest lang naman ako. Di ba mas maganda kung magkasama sila mas masubaybayan nila at mas madali ang pagpapalaki nila sa apo natin." Nakangiti nitong saad na di maalis ang tingin sa amin ni Jazz.
"Saka na mom. Pag-uusapan pa po namin ni KC ang bagay na 'yan." Si Jazz na hinawakan pa ang kamay ko at marahang pinisil 'yon.
Tipid lang naman akong ngumiti dahil wala akong masabi sa takbo ng usapan. Di naman na nagpilit pa ang mommy ni Jazz bagay na ikinailing na lang ng asawa.
Tulad ng napag-usapan, ang tourist spots ng Vigan City ang aming pinasyalan. At sa Heritage Village ng Calle Crisologo ang una naming nilibot na kung saan makikita ang isang kalye na puro Spanish houses ang nakatayo. Nakakamangha kung paano ang pagkare-store sa mga sinaunang bahay, at nakahilera lahat ang mga ito sa iisang kalye. Kahit ang ginamit sa street floor ay mga rock tiles na magpapabalik sa panahon ng mga Kastila. May mga kalesa din na masasakyan na binabalik-balikan ng mga turista. Lalo na ang experience na sakay ka nito habang nililibot mo ang buong siyudad. And the tictac of the horse shoe's feels nostalgic. All the Spanish houses were turned ito restaurants, bakery, guestels and souvenir shops.
"Ang galing lang no, para kang nasa Spain." Jazz stated. Bahagya akong natawa.
"Malamang, Spanish houses nga di ba?" Natatawang banat ko rin sa kanya. Natawa na lang din siya habang naglakad kami papunta kina Mommy na nagtitingin-tingin sa mga souvenir shops kasama si Sophie.
"Gusto kong bumili sa t-shirt nila pamapasalubong." Bungad ni Mommy Lillien ng nasa tabi na kami nito hawak ang mga 'I love Vigan' na tshirts.
"Two hundred fifty lang po ang isa, Ma'am. Plus fifteen pesos each depende po sa size." Sabi ng tindera na nagpa-angat ng tingin ko.
"Apay nagningan manang. One hundred ninety lang ti retail price yu ket." Sabi ko sa lenggwahe namin. Sobra naman kasi mag-presyo ang tindera na 'to porket napansin atang di taga siyudad ang bibili.
(Tanslation: "Bakit ang mahal ate samatanlang one hundred ninety lang naman ang bentahan niyo ng isang piraso.")
"Ilocana ka met gayam ading. Manu gamin aya ti gatangen da?" Tugon nito. Akala niya ha.
(Translation: "Ilocana ka pala. Ilang piraso ba ang bibilhin nila?")
Minabuti ko na lang na ako ang nakipag-usap mismo sa tindera para sa tamang presyo lang sa mga binila nila. Sayang din ang discount madami-dami pa naman ang mga binili nila
"'Yong totoo Hun, teacher lang ba talaga ang natapos mo o may degree ka din na related sa Business?" Manghang tanong ni Jazz sa sa akin.
Kanina pa siya nagtatanong kung paano ko napapayag ang tindera na bigyan niya kami ng discount at may kasama pang free sa mga benta nila. Di lang kasi t-shirts binili ng mommy nito bumili din siya ng mga towels, at table napkin na gawa sa 'Abel'.
"Teacher lang po na may Masters sa Mathematics." Sagot ko bilang tugon sa tanong niya.
"Wow! Mathematician. How lucky I can get? I have my own agreeableness Statistician, practical-minded Accountant and smart Financial Analyst." Proud na sabi nito and amusement is visible in his eyes. Di ko mapigilang kiligin pero di ko pinapahalata sa kanya. God! Kailan ba titigil si Jazz na maging ito? Nakakarami na siya eh.
"Wala ka nang hahanapin pa kahit kinulang ako ng isang kutsarang asukal di ba?" Pagyayabang ko din na mas lalong ikinangiti niya saka siya humalik sa noo ko. Saka ko dinagdagan ang sinabi ko. "May bunos pa."
Ang sumunod na pinuntahan namin ang Bell Tower. It's a brick bell tower na na-preserve at puwedeng-puwedeng akyatin. Kailangan mo lang ng tibay ng tuhod dahil medyo may kataasan din. Hingal din ang abutin mo pag nakarating ka sa taas ng mismo ng tower. Pero sa kabila ng pagod sa pag-akyat you will be rewarderd a magnificient view of the blue skies and green surronding around the tower.
We took a lot of pictures. Nagrereklamo na nga rin si Daddy Railen na sumasakit na ang panga niya sa kaka-smile sa harap ng camera. Kinantyawan lang naman ni Mommy Lillien at Jazz.
Next stop is a boodle fight restaurant in my Municipality. Ang Kamayan sa Caoayan ng Caoayan Ilocos Sur, ay nag-se-serve ng buffet meal na nakalatag sa mahabang lamesa ang mga pagkain na nakapatong lang sa dahon ng saging. Nakatayo ka pa kung kakain.
"Saan ang kutsara at tinidor?" Tanong ni Jazz sa gilid ko. Nakahilera kami at nakatayo sa harap ng pagkain. Napapagitnaan namin siya ni Sophie. Sa kabila naman ang mag-asawa na tinatawanan ang tanong ni Jazz.
"Kutsara't tinidor ka diyan. Saan ka naman nakakita ng boodle fight nang hindi nagkakamay, Dydy?" Kumamay ako ng kanin at ulam. "Here it is. Say, 'ah." Sinubo ko ang pagkain at kumamay ako ulit.
Tatlong beses ko siyang sinubuan na malugod naman niyang kinain ang mga sinubo hanggang siya na mismo ang nagkamay para sa sarili niya. But, knowing Jazz hanggat may pagkakataon siya mas kami ng anak ko ang inuuna niya. Kaya ang ending, mas si Jazz ang nagsubo ng pagkain sa amin ni Sophie. Medyo nahihiya pa ako sa mga magulang niya dahil sa klase ng tingin nila na parang nanunudyo kahit di sila nagsalita at nangantyaw.
Jazz parents were so happy with the experience. Pati rin si Sophie. Mas lalo naman kay Jazz na first time ma-experience ang boodle fight.
Pagkatapos ng tanghalian sunod naman ang Baluarte Zoo, na isang zoological park. It has a mini zoo with animals from other country and others endemic sa ating bansa.
We did picture taking again. After the picture taking we headed to Safari Gallery to see the Owner of the Zoo showrooms and collection depicting the preserved remains of animals he hunted in different parts of the world. Even though I don’t consent to the killing of different animals, it is an interesting sight to see the items, paintings, and prized collections portraying the slaying of the different kinds of animals hunted by Chavit Singson.
At ang aming last stop ay ang Hidden Garden kung saan matatagpuan ang mga ibat-ibang klase ng halaman. And Mommy Lillien is a fond of plants. Tinawag pa nga ni Jazz ang mommy nito na 'Lillien the Plantita.' Abnormal talaga.
Pagkatapos namin sa paglilibot ay mapagsyahan pa naming magpahinga bago kami maghihiwa-hiwalay. Umupo kami sa round table sa bungad ng Hidden Garden na nasisilungan ng mga naglalaking punong-kahoy. As usual ang anak ko na di mahiwalay kay Jazz nakaupo na naman ito sa hita ng Dydy niya.
"Bakit mo naman napiling maging guro, anak?" Tanong ni Daddy Railen sa akin ng magbukas ito ng mapapag-usapan.
Napatingin naman sa akin ang mag-ina sa isasagot ko.
Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "I love kids po. Dahil doon gusto kong ding makatulong sa kanila. Gusto kong maturuan ang mga bata ng kailangan nilang matutunan nila ng maayos. Lahat naman kasi puwedeng magturo. Pero iilan lang talaga iyong tunay na nakakapagturo. At kapag isa kang guro, malaki ang magiging impluwensiya mo sa utak ng isang bata. Kaya pinili kong maging isang guro. And to be honest, nakakaramdam po ako ng fulfillment kapag nagtuturo."
Nilingon ako ni Jazz at ngitian. Kinindatan ko naman ito ikinangisi niya.
"Pero di ka ba nahihirapan, anak?" Si Mommy Lillien ang nag-follow up question.
"Mahirap at nakakapagod po ng sobra. Dahil kapag teacher ka di lang natatapos ang trabaho sa apat na sulok ng silid-aralan, hanggang sa bahay dala-dala mo ang trabaho. But teaching is a pasion also. And it's my pasion. Kaya keri lang po. Masaya na ako na may natututunan ang mga estudyante ko. Sa totoo lang, sa loob ng classroom ko 'pag nagtuturo ako di ako masyadong naka-sentro lang sa lecture. Minsan hinahaluan ko po ng mga aral sa buhay iyong mga tinuturuan ko. Ayokong natatapos lang ang pagiging guro ko sa loob ng paaralan. Nagbabakasali ako na 'yong mga estudyante ko, di lang sila maging successful in the future, bagkus, maging mabuti silang mamamayan balang araw." seryosong sabi ko.
Ang lawak ng ngiti ng mag-asawa sa naging sagot ko samantalang si Jazz sa tabi mukhang tanga. Kinirot ko pa siya sa tagiliran niya.
"Uwian na, may nanalo na." Tumayo pa talaga siya karga ang anak ko.
Mas lalong ngumiti naman ang mga magulang nito. Dahil sa planong lakad ng mag-asawa doon na kami nagpasyang magkanya-kanya na ng destinasyon.
"I f*****g hate being away from the two of you. Nakakapanot ng bayag." Reklamo ni Jazz ng nasa pinag-parkingan na kami ng sasakyan. Binatukan ni Mommy Lillien ito dahil sa sinabi niya. Mga banat talaga niya na may kalaswaan.
Pinaikutan ko lang naman ito ng mata saka ako lumapit sa mga magulang nito.
"Thank you so much po. We had a great time spending bonding moments with you. Enjoy the rest of your vacation po." I said smiling.
Niyakap ako ng mag-asawa. Naunang kumalas sa akin si Daddy Railen. Nang kami na lang dalawa ni Mommy Lillien ang nasa labas ng mga sasakyan, hinawakan niya ang aking mga kamay at matamis na ngumiti sa sa akin.
"I hope this is not the first and last, anak." Sabi nito at pinisil ang kamay ko.
Tumangon naman ako at ngumiti sa kanya.
"Until the next time then, Mommy."
She peeked at the tinted window of Jazz's car then she face me again.
"Keeping a relationship isn't actually a two- way street. Tayo talagang mga babae ang may hawak ng relasyon. Kapag sinabi nating hindi na puwede, hindi na talaga puwede. Kapag sinabi nating puwede pa, talagang puwede pa." She said drawing circular motion in my arms.
I gave her a smile as I remained silent, digesting her words with her concept.
"My son really loves you, I can see that. And we are too. I just hope that you will still find in your heart to give him a chance. Praying that you will end up together as you build your own family in the future." Jazz mom said and she kiss me in my temple the she hug me tight.
I hugged her back as I close my eyes and all I saw was an image of Jazz and Sophie cuddling. I let that thought sink in and I found my lips tipping up to a smile.