Chapter 5

1347 Words
I woke up feeling groggy and unrested the following morning. Parang hindi kasi nagpahinga ang utak ko sa kakaisip mula nang mabasa ko ang hiling ng anak ko sa sulat niya. Pero kahit ganoon pa man pinilit ko pa ring tumayo para maghanda ng makakain niya bago siya kukunin ni Kuya Kenn. May mensahe kasi siya kagabi na nakauwi siya sa bahay ng mga magulang namin. Sabado naman ngayon at walang kaming pasok na mag-ina. Kapag ganitong pagkakataon kasi na walang lipad si Kuya ay walang mintis na di niya makaka-bonding ang anak ko. I cooked her favourite tocino and garlic fried rice plus carrot juice, just so I could make her morning livelier before my brother will come over. I went back to our room, smoothly tapping her leg to wake her up. "Sophie, wake up sweetheart. It's good morning breakfast time." I said sweetly while kissing all over her face. Her eyes was still close but she managed to give me a glimpsed of her sweet smile. I smiled at her as I watched her stretched her arms and limbs. "Wakey wakey, Mymy." She greeted too before she got up and crawled to sit on my lap with her face nuzzled on my neck. It always made me smile everyday on her own way to greeted me to start a day. I carried her to the dining table and made her sit on the chair as I placed her food on her plate. Sinabayan ko siya pagkatapos. "Guess who is coming today, sweetheart." Pahula ko sa anak ko habang pinag-hihiwalay ang nahiwa ko na na tocino sa plato niya. Kunwari siyang napaisip bago siya ngumiti sa akin. "Hmmm. Si Tatang?" Patanong na sagot niya. Ang tinutukoy niya ay Papa pero umiling ako. Inulit niya ang ginawa niya nung una pero mas matagal siyang nag-isip ngayon. Sumasabay ang paglunok niya sa pagkain habang nag-iisip ng isasagot niya. "I know who, Mymy. Si Nanang!" Siguradong-sigurado siya sa sagot niya. Si Nanay naman ngayon ang tinutukoy niya. "Nope." Sagot kong umiiling saka din ako sumubo ng pagkain. Nakanguso niyang kinuha ang carrot juice niya saka siya uminom doon. Paglapag na paglapag pa lang niya ng baso ay siya namang pagbukas ng pinto namin. Agad na lumingon ang anak ko para makita niya kung sino ang dumating na bisita. Di ko tuloy maiwasan ang mapangiti ng makita ko ang saya sa mukha ng anak ko nang mapag-sino niya ang pinahula ko. "Papi Cap!" Sigaw niya at patakbo siyang lumapit kay Kuya Kenn. "Hello, baby love! You missed, Papi?" Natatawang bati ng kapatid ko sa kanya. Itinabi niya ang mga hawak niya paper bags. Yumukod ito para maabot ang pisngi ng anak ko at humalik siya dito. Humagikhik ang anak ko sa ginawa ng kapatid ko sa kanya. Naglalambing pa na naglambitin si Sophie sa braso ni Kuya asking for him to give her another kiss and hug. "You miss Papi Cap that much, huh?" Natatawa pa ring usal ng kapatid ko habang pinagbibigyan niya ang anak ko. "Okay, baby love. Let's go to, Mymy." Aniya at nagsimula silang lumapit sa hapag-kainan. Sakto naman nailigpit ko na ang mga pinagkainan namin ng anak ko. Patalon-talon pa ang anak ko. "Ang dami mo na namang binili, Kuya!" Sinalubong ko sila na hindi makapaniwalang nakatingin ako sa mga bitbit niya. Mukhang sabik din na buksan ng anak ko ang mga pasalubong nito. "I missed you, Kuya. Ang tagal mong hindi umuwi!" Mahigpit akong yumakap sa katapid ko, at naramdaman ko rin ang pagdiin ng labi niya sa tuktok ko. Hindi ko maiwasang mapangiti sa ginawa niya sa akin. "I love you, Kuya," usal ko. "Alam mong nandito lang ako...kami palagi, diba"? Simula noong nangyari ang gabing iyon, halos di na namin siya mahagilap. Kung di pa dinadramahan ni Nanay di pa namin makikita ang anino niya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at nakita kong lumapad ang ngiti niya. "Alam ko. I love you, most, lil sis." Nakakapit ako sa braso ni Kuya Kenn habang pareho kaming nakangiti na pinapanood si Sophie na di magkandaugaga sa pagbubukas ng mga pasalubong niya. "Spoiler ka talaga kahit kailan, Kuya. Parang ikaw si Papa." Basag ko sa katahimik sa pagitan namin. Bahagya kong sinulyapan ang kapatid ko. "I can't wait to see you with your own child, Kuya. I love the glow in your eyes whenever you're looking to my Sophie," ininguso ko ang anak ko. "Sigurado ako, kapag ang anak mo na ang tinitignan mo, mas magniningning pa ang mga mata mo." "Anak agad, lil sis? Hindi ba pwedeng asawa muna?" Pagbibiro nito pero hindi bumenta ang biro niya sa akin. "Siya pa rin ba, Kuya?" Bahagya itong natigilan sa tanong ko. "Siyempre. Walang naman iba kahit noon pa." "Pero, Kuya, paano kung ayaw na niya? Hanggang ngayon di pa rin siya han--," "Kahit na. Aasa pa rin ako. Maghihintay pa rin ako hanggang sa maging handa siya." Nakangiting putol niya sa sinabi ko. I sighed. "I can't bear seeing you like this, Kuya. Kung may karapatan lang akong manghimasok. Nasasaktan din ako kapag nasasaktan ka. Nalulungkot din ako kapag malungkot ka. Gusto ko din na maging masaya ka, Kuya, katulad ng saya na nararamdaman ko kasama ang anak ko." "Awww. So sweet of you, lil sis!" Tanging naibulalas niya sa akin at muli niya akong kinulong sa mga bisig niya. Hinayaan ko na lang siya. Let fate take it course for the woman he loves the most. Naputol ang yakapan naming magkapatid nang lumapit si Sophie sa amin. "Papi, lalabas ba tayo para maglaro sa paborito kung palaruan sa Mall?" Tanong nang anak ko. "Yes! That's the plan, baby love. We will play to your favourite Fun House. And then we will gonna meet Papi's possible client. Lastly, we will buy your long time request. Your piano." Inporma ni Kuya na siya naman mas lalong ikinasaya ng anak ko. "Yeeeeyy! Papi, you're the best." Walang pagsidlan ang excitement sa mukha ng anak ko sa narinig niya na mas lalo ko naman ikinasaya. Agad naman akong tumayo saka ko siya kinarga papasok sa banyo para paliguan at makapag-sipilyo siya. Panay ang hila niya sa akin palabas ng unit hanggang sa makarating kami kung saan na nag-parking si Kuya. Nang mapagbuksan siya nang sasakyan ni Kuya agad siyang umakap at nang-amba ng halik na siya namang buong puso kong tinugon... nagbilin sa kapatid ko saka ako bumalik sa loob nang unit namin. Nakakatawa lang isipin dahil sa kabila ng lahat na ibinibuhos kong pagmamahal sa anak ko ay may parte pa pala sa isip niyang hilingin ang wala sa habang lumalaki siya. I can't blame her, especially when she's seeing her classmates accompanied by their father dropping them off to school. Dali-dali kong inumpisan din ang mga gawaing bahay para mawaklit sa isip ko ang mga bagay-bagay. Dati, ang prinoproblema ko lang ay kung kanino ko siya ihahabilin sa pagsundo sa eskwelahan niya, ngayon nadagdagan ang aking listahan ng aking iisipin. Kasulukuyan kong pinagmamasdan ang mga frame na kalalabas ko sa storage box. Dito ko na lang ibubuhos ang mga ideya na naglalaro sa utak ko sa gustong tatay ng anak ko. I was in the middle of pictureing where to hang the frames when my phone rang. Ilang beses kong hinayaan tumunog iyon bago ko ako tuluyang naglakad at kunin sa ibabaw ng refrigirator para sagutin. I was expecting that it was my mother, since every Saturday she will call to inform me beforehand that she will visit Sophie and all. Pero laking gulat ko na si Kuya Kenn ang tumatawag at bigla ko na lang naramdaman ang mga kalamnan ko ng sinagot ko ang tawag nito. "Solid Northside Hospital, now." There is urgency in his voice when I heard him on the other line. I'm starting to panick. "Why? What happened, Kuya?" Agad na tanong ko. Si Sophie agad ang unang pumasok sa isip ko. 'Yong panik ko ay nadagdagan na ng kaba na halos umabot na sa langit. "Just come over here. Emergeny room!" "I'm coming." I replied and dropped the call.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD