Something cold ran up my spine and I could feel the irrepressible panic that was slowly rising inside me. Hindi ko man lang nagawang magpalit ng damit. Dire-diretso akong lumabas ng unit papunta sa parking. Napamura na lang ako ng makita kong flat ang isang gulong ng sasakyan sa likod.
Dumoble ang nararamdaman ko habang lakad-takbo ang ginawa ko para mag-abang ng tricycle. Nangangatog ang mga tuhod ko, halos di ako makahinga sa sobrang nerbyos. At lahat ng nararamdadaman ko ay di ko kayang kontrolin habang nasa biyahe ako.
The usual 10 minutes ride to the hospital near us feels like eternity to me. I reeled that I had to take a breath. Pagkahinto ng tricycle ay agad akong tumakbo, di ko na nga rin naantay na abutan ako ng sukli sa bayad ko.
An overpowering of antiseptic scent filled my nostril. A gaggle of nurses in scrubs welcomed me. May naglalakad hawak ang chart. May iba namang nagtutulak ng pasyente na nakaupo sa wheelchair. Nahagip agad ng mata ko ang ER, kaya mas doble ang naging bilis nang paghakbang ng mga paa ko hanggang marating ko ang pintuan nang emergency room.
My heart was thumping when I let myself inside the room.
Agad ko silang nakita sa pangatlong nakahilerang hospital bed. Doon nakita ko nga si Sophie na may inhaler mask at nakatutok ang nga mata sa hawak niyang cellphone. Ang anak ko lang ata ang batang relax na relax na naisusugod sa emergency room.
But that's not the thing that was shocked me. Kasi nakilala ko ang taong kasama niya sa kama na humahaplos-halos sa ulo niya.
Jazz.
"Anong nangyari, Kuya?" Mangiyak-ngiyak na tanong ko.
"She's okay now." Paninigurado niya sa akin. His news was a breath of fresh air.
"Ang sabi ng doktor na-trigger lang ang asthma niya because the strong scent of some industrial cleaner outside the mall that cause shortness of her breathing." Dugtong nito. Somehow, it pushes away the rising fear and agitation that was threatening filled my chest.
"You scared the hell out of me, Kuya." Wika ko. Ang takot at kaba ko ay di pa rin nawala kahit alam ko na ang nangyari.
"She'll be fine, lil sis. You can relax now. Magsesetle lang ako ng bill." Sabi nito saka siya lumabas. Kahit ganoon ang mga narinig ko di pa rin ako nagpa-kampante hanggat di ko nakikitang maayos talaga ang anak ko.
As I drew near, a sighed of relief consumed me entirely. I ignored the strong drumbeat of my pulse and hauled my feet on the hospital bed where my daughter was.
"Are you okay, sweetheart? Tell to, Mymy, may masakit ba? May nararamdaman ka ba?" Binabaha ko na siya ng sari-saring katanungan. I wasn't even aware I was crying.
Tinanggal naman ni Jazz ang inhaler mask na nakatakip sa labi at ilong nito para masagot niya ako.
"I'm okay now, Mymy." She replied with a toothy smile. And by that, all my worries and bad feelings totally washed away.
"He helped me so much to stabilize my breathing, Mymy." She answered with her grateful voice looking at Jazz. I was deeply moved from what she said. Doon ko pa lang naalala na nandito pala si Jazz.
I looked at him with my brows knotted. I knew my face now was screaming dissatisfaction. But still, I lifted my lips in an effort to conjure up a smile. "Thank you." Iyon lang ang salitang nasabi ko.
He meet my gazed and I could see the wonder in his eyes as he stood up from the hospital bed.
Ako ang unang nagbawi nang tingin saka ako umayos ng upo sa gilid ng anak ko. Abala pa rin sa nilalaro niyang candy crush jelly saga at parang kay Jazz ang cellphone na gamit niya.
"Let's finish up this, baby, so we can go home afterwards." Tukoy ni Jazz sa inhalation solution. Muli niyang binalik at inayos ang inhaler mask para kay Sophie.
Pinagmamasdan ko lang ang bawat kilos ni Jazz sa pag-alalay kay Sophie. When our eyes met. I gave off a tight smile. Hindi ako makapagsalita. I really didn't know what to say. I'm not sure if I could speak at all.
Walang nagsalita sa pagitan namin hanggang matapos si Sophie sa pag-ne-ne-bulize, hanggang si Sophie ang bumasag ng katahimikan sa pagitan namin.
"Mymy, I asked him If he can be my, Dydy. And then he told me, we will ask you. He can be my, Dydy, right?" She asked innocently. Her eyes was just like she's pleading to my approval.
My mouth fell open. Kumibot ang labi ko sa kagustuhan kong magsalita. But words left my head and my mouth. Diyos ko, ito na nga ba ang sinasabi ko. Kung makahiling naman tong anak ko, parang humingi lang ng candy. Parang ako ang maoospital sa biglaang pagkakaroon ko ng matinding sakit sa ulo.
Napahagod ako ng pasimple sa aking sentido. How will I tell her that it's not that easy to give her plea? Paano ko ba ipapaliwang sa kanya.
I shifted uncomfortably. Tumayo ako at bumalik sa dating pwesto ko kanina na nakaharap sa kanya. "Sweetheart, it's not as easy as that." I said, voicing out what's on my mind. I want to elaborate more so she could understand but it tightened my chest her reaction.
Ngumuso ang mga labi niya ng buo saka siya napayuko. "Why not, Mymy?"
Parang gusto ko na lang sabunutan ang sarili ko sa pagsasabi sa kanya palagi na di masama ang magtanong.
"Umm... ano kasi, anak." Nauutal ko na sabi. Walang mahanap na salitang idudugtong ko para maintindihan niya.
Maya-maya pa, naaninag ko si Jazz na lumapit sa kanya at umupo siya sa tabi niya. Pareho na silang nakaharap sa akin.
He slid a mocking glance at me and threw a benign one to Sophie. Hinawakan niya ang baba ng anak ko saka niya inangat ang mukha nito. Namumula na ang gilid ng mga mata niya.
"It's okay, baby. I am much more willing to be your, Dydy. Okay lang naman sa'yo, di ba, Mommy?" Pahayag nito sa seryosong tanong.
He has that expressive hopeful eyes while waiting for my answer. Ano ang pinagsasabi ng sinungaling na to, mas di siya nakakatulong sa sitwasyon ko. Hindi ba siya nag-iisip na pwedeng dalawa kaming mahirapan pag nagkataon? Paano kung may girlfriend siya? May asawa pala? At pinakamatindi pamilyadong lalake siya?