Karga-karga ni Kuya Kenn si Sophie hanggang makapasok kami sa unit. Mula nang sinabi kong hindi pwede ang gusto niya na maging tatay si Jazz halos di na niya ako pansinin. Ako pa ang inatasan ni Kuya na nagmaneho ng sasakyan niya dahil ayaw niyang magpababa sa kanya. Tuwing tinitignan ko siya iniiwas niya ang tingin niya sa akin. Maiintindihan ko sana na naglalambing ito sa kanya dahil sa tagal na di sila nagkita pero alam kong hindi iyon ang tunay na dahilan.
Jazz on the other hand offered us a drive back home but I declined it. He even insisted pero wala siyang nagawa nang si Kuya na ang nagsalita.
He has nothing to do us. Not to me anymore or even Sophie. So when he asked me that ridiculous question, I shook my head in disagreement.
No.!
No is the answer to his desire. Why I rejected his idea to be Sophie's dydy, you ask? Well, I can dump a mountain of reasons why I don't want to yes to his want. He's a liar, a man who cannot keep his words and promises.
He left with a promise that after months he will come back, but that months turned into years, without a single f@cking explanation of his reason. Did I deserve that from him? Now he's back after six goddamn years and trying to crave a role to my daughter's life? For what? We are not either his responsibility.
"Alam ko ang rason nang pananahimik mo." Puna nito nang makaupo siya sa mahaba naming sofa sa sala. Nakakunyapit pa rin si Sophie sa kanya.
Nililigpit ko naman ang mga kinalat ko na picture frames sa ibabaw ng lamesa sa tabi lang nila.
"Napa-puzzle pa rin ako, Kuya, bakit magkasama kayo ni Jazz?" Walang paliguy-ligoy na tanong ko. Sa ospital pa lang nasa dulo na ng dila ko ang maraming tanong di ko lang isiningit dahil wala kami sa tamang lugar para pag-usapan 'yon.
Nakatutok ang tingin nito sa akin sa bawat kilos ko habang nag-aantay ako ng sagot niya sa tanong ko.
"You never introduced him to us." He started. That was true. Hindi ko siya naipakilala sa pamilya ko kasi ang usapan namin noon pagbalik na lang niya.
Tinaasan niya ako ng kilay bago siya nagpatuloy.
"Magkasama kami kanina kasi siya ang sinasabi kong kikitain namin ni Sophie na posible kong maging kliyente. A co-worker of mine from aviation is his friend. Jazz is looking an architech to plan and design his future building his planning to build. Since my co-worker knows that I'm also an Architech, he gave my contact to Jazz." He paused. Of course, Kennedy Cole A. Real, is an Architech and Pilot. He was a freelancer architech while studying in flying school.
Future building? Bakit wala na ba siyang balak bumalik sa pinanggalingan niya? Sa pinagtaguan niya?
Nakasunod pa rin ang mga mata nito sa akin. Kukuhanin ko sana si Sophie sa kanya para palitan ito ng damit pero tahimik lang na umiling ang anak ko. Sinenyasan na lang ako ni Kuya na pabayaan ko na lang muna.
"Napagkamalan nga niya akong tatay ni Sophie." Sabi nitong may kasamang tawa. Di ko rin napigilan ang sarili kong nakisabay sa tawa niya.
"But on the other side, lil sis, honestly speaking, I knew him." Pag-amin nito. Natigilan ako sa ginagawa ko.
"Magkakilala kayo?" Gulat na tanong ko. Napatayo pa ako ng tuwid sa harapan nila ng anak ko.
Tumango ito sabay ngisi. "Quits na tayo. Alam mong nakauwi na pala ang irog ko di mo man lang sinasabi sa akin. Ginawa mo pang acting manager sa coffee shop mo. Pambihira." Mas nagulat ako sa sumunod na sinabi niya. Pero hindi iyon ang nakakuha ng interest ko.
"Paano kayo nagkakilala, Kuya? Di ko naman siya nababanggit sa inyo kahit minsan." Sabi ko. Gusto kong malaman. Knowing him, he will not spill the tea, unless you corner and ask him.
"Nakita lang naman kita na hinatid mo siya sa airport dati. Mahigpit na mahigpit na nakayakap sa kanya." Kwento niya. "Tapos ang sinakyan niyang eroplano paalis nagkataon naman na ako ang piloto, di sinamantala ko nang kinilala siya." May nanunudyo na ang mga tingin niya sa akin.
Umawang ang aking mga labi sa kanyang mga sinabi. Ayaw ko nang maalala, dahil simula noon, sinumpa ko na rin ang araw na 'yon.
"Wag ka nang mag-follow-up question. Sa kanya ka na lang magtanong." Pagpipigil nito sa akin saka siya tumayo. Inabot niya sa akin si Sophie at humalik sa noo nito bago siya nagpaalam na aalis na. "Pero kung ang tatanungin mo ay kung single pa siya... he's even more ready to mingle. Kaya wag ka nang magpakipot pa, lil sis." Pahabol nito bago niya sinara ang pintuan.
Matagal na naproseso ng utak ko ang mga rebelasyon niya. Kung di pa nagpumiglas si Sophie sa pagkakabuhat ko di pa ako makakabalik sa tamang huwisyo ko.
Agad ko namang sinundan ang anak kong pumasok sa kuwarto namin. Tumigil ako sa pintuan at tahimik kong pinagmamasdan ang bawat kilos niya.
Umakyat ito sa ibabaw ng kama saka niya kinuha niya ang may pal violet niyang nasa ulunan ng kama. Humiga siya at niyakap ang bear na hawak niya. Tumagilid pa ito ng higa sa gawi ko.
Biglang bumigat ang nararamdaman ko dahil sa inaakto nito. Alam kong nagtatampo siya dahil hindi naman ganito ang nga kinikilos niya kung hindi. Halos ayaw niya akong tabunan ng tingin.
Nangingilid ang luha sa mga mata ko na umupo sa paanan ng kama.
"Ayaw mong manood ng favourite mong animated fantasy?" Tanong ko para bigyan niya ako nang pansin.
Umiling siya na di man lang niya ako tinabunan ng tingin.
This was the first. Kung Sophia the First ang usapan, nakiki-pagtalo pa siya sa akin kung papahintuin ko siya sa panonood niya. Lalo na kung oras ng pagkain o pagtulog.
"You want, Mymy, to order your favourite pizza, so you can have it while watching?" Tanong ko ulit baka sakaling mapa-oo ko siya at pansinin na niya ako. Umeepekto kasi ang paglalambing ko sa kanya kung nababanggit ko ang salitang 'pizza'.
Pero ganoon na lamang ang paglaglag ng mga balikat ko nang umiling ulit ito. Napahugot pa ako nang malalim na hininga.
"Or do you want, Mymy, to call Ninang Shania so you can share with her your new sketch drawing set?" I know how she loves sketching, especially when doing it with my bestfriend. Palagi ito ang bonding activity nilang mag-Ninang lalong-lalo na kung nasa coffee shop sila pareho.
And for the third time. She shook again her head. Sadness tightened my chest. Nalaglag na rin ang ilang butil ng tubig mula sa mga mata ko. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naging ganito ang anak ko sa akin.
"Then, what you want Mymy to do?" I asked. The tears starting to choke me.
"I want, Dydy." She replied almost whisper and still unmoving.
I held back the tears that trying to fall behind my eyelids. "Will you be happy if Dydy is here?" There's a myriad voice of bitterness in my question but I shoved it away.
She nodded.
I closed my eyes as I felt so unwanted. I balled my fists on my lap while I give my daughter a kissed on her head. All I wanted to do know is to burst from crying. Parang ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pala talaga naibibigay lahat sa anak ko.
"Mymy is not promising, sweetie, but, Mymy, will try her best to ask Dydy to come." I said in an attempt to cheer her up. I hugged her so tight, hoping I could take all her sadness away.
"You will do that, Mymy?" She asked in excitement. Agad na nagliwanag ang mukha niya pagkarinig na pagkarinig niya sa sinabi ko. Dali-dali siyang tumayo mula sa pagkakahiga at inakap ako ng mahigpit. Saka ko lang napagtanto na gaano kalaki ang epekto ng anak ko sa akin. Simula nang mahawakan ko siya at nakalong ko siya sa mga bisig ko, ang kasiyahan niya ay naging akin din.
Kinalas ko ang pagkakaakap niya sa akin at inalalayan ko siyang makababa sa kama. Lumabas kami sa kuwarto at dinala ko siya na pinaupo sa sofa bago ko kinuha ang cellphone ko sa mesang nasa harapan niya.
Saka ko naalalang wala pala akong number ni Jazz. Hindi ko alam kung paano ko siya makakausap o mahahagilap. Parang light bulb biglang pumasok sa isip ko ang kapatid ko. Magkakilala naman sila, may naganap pa na meeting na baka meron siya.
Sa mga nanginigig ko na daliri, i-unlock ko ang cellphone ko saka hinanap sa contacts ko ang number niya. Sana lang meron siya.
Ilang beses nang nag-ring na nag-ring pero walang sumasagot. Nag-dial ulit ako na nag-dial hanggang umabot ng tatlong beses.
Napabuga ako ng hangin dahil parang wala akong pag-asang makausap si Jazz. Nakatingin pala sa akin ang anak ko na parang naghihintay na magandang balita.
Sandali akong napatitig sa anak ko nang sumagi sa isip ko si Mrs. Tamura. Ang number niya ang sunod kong hinanap. Nagdadalawang-isip pa ako dahil ito ang unang beses na tatawagan ko siya na hindi related sa trabaho pero isinantabi ko para sa gusto ng anak ko.
Dalawang ring lang ang narinig ko mula sa kabilang linya nang sumagot si Mrs. Tamura, "Hello, Ms. Real." Bati nito sa parang gulat na boses. Napangiti ako dahil andoon pa rin ang pormalidad ng pagbati niya sa akin.
"Hi, Ma'am. I'm sorry for calling you in the weekend and for disturbing you." Hinging paumanhin ko rin agad.
"No, it's okay. Nanonood lang naman ako. Why this suddenly call anyway?"
"Ummm... Actually, Ma'am, I have a favor to ask, if it's not too much." God! Never I imagine this moment to come that I will ask my Head Teacher a favor because of his godson's number.
"Go on. What is it"
"Kukunin ko lang po sana, Ma'am, ang contact number ni Jazz, incase po na meron kayo." Nailayo ko ang cellphone sa tainga ko dahil sa pagtili nito sa kabilang linya. Mas malakas pa ang tili niya kaysa sa lakas ng tunog ng telebisyon nila.
"Acquintance, huh." Tudyo niya. Kahit di ko nakikita alam kong nakangiti ito na may kasamang ngisi. "I will send it right away, my future goddaughter."
Namula ako sa sinabi nito.
"Thank you, Ma'am. I owe you." She replied me welcome before she dropped the call. Mabuti na lang at di na siya nangusisa baka mas lalo pa niya akong kantyawan.
In just a seconds after the call, I received Jazz's number and dialled it immediately. Parang nakaabang siya na may tatawag sa kanya dahil isang ring lang sumagot agad ito.
"You surprised me, Mommy. This wasn't expected." God, kahit ayaw kong marinig ang boses niya parang pumalakpak ang tainga ko dahil sa pinaghalong galak at saya kung paano siya sumagot sa tawag ko.
"I do not know how you know its me who's calling you. Hindi ko alam kung ano ang pinakain mo sa anak ko at bigla ka na lang niyang gustong gawing Dydy niya. Hindi ko alam ang rason kung bakit bumalik ka pa. At mas lalong hindi ko rin alam kung paanong nagtagpo pa ang ating mga landas na magkita tayong muli. Marami pang bagay ang di ko alam na gusto ko nang kasagutan, pero natatakot ako sa mga posibleng maririnig ko baka mas lalong maging malungkot at masasaktan ang anak ko."
"KC? Ayaw kong marinig ang mga ito o pag-usapan sa tawag lang. Wait for me, Hun. " Narinig ko na lang na parang may nalaglag bago bahagyang nagulo ang linya at tuluyang nawala.