Nagmadali akong umalis at iniwan si Jazz sa loob ng aming coffee shop. Alam kong kabastusan ang ginawa ko pero hindi ko pwedeng pagbigyan ang nais niya dahil malalate talaga ako sa klase ko. Kawawa ang mga batang nag-aantay sa akin kung sakali. Mabuti na lang at di pa tumunog ang bell na maghuhudyat sa start period subject ng hapon. Ano ba kasi ang gusto niyang pag-usapan namin? Bakit pa siya nagpakita ulit?
"Ma'am Kia!" Tawag ni Dhea na co-teacher ko nang maabangan niya ako, nasa labas ito ng classroom niya. Pilit ang ngiting iginawad ko dito dahil hanggang ngayon natetense pa rin ako.
"May nangyari ba?" Mapag-alalang tanong niya.
Alam kong bakas sa pagmumukha ko at ramdam na ramdam ko pa rin ang kaba at gulat. For what? Why I'm so nervous to see him again? Kung anuman ang meron sa amin noon ay hanggang doon na lang 'yon. Pero bakit? Ang makita ang anino niya sa harap ko ay siyang nagpapanginig sa buong kalamnan ko. Nagiging aligaga ako na wala sa oras.
Okay. Inhale, exhale. Relax, Kiara. That was six years ago already! Wala ka ng nararamdaman para sa kanya.
Nahila ako sa malalim na pag-iisip nang kinurot ako ni Ma'am Dhea sa kanang kamay ko. "Aray! Ang sakit nun ha." Bulong-reklamo ko sa kanya kasabay nang pagsalubong ng kilay ko.
Nakatingin ang mga iba naming co-teachers mula sa school canteen. Sigurado, sino bang hindi ma-curious sa amin? Akala mo may chismis na ayaw naming ipaalam sa kanila. Parang sinosolo namin ang mag-marites.
Umikot ang mga mata niya sa akin sabay hila papasok sa silid-aralan nito. Bilang ang mga estudyante nito sa loob na naglalaro. "Magsalamin ka kaya nang makita mo itsura mo. Daig mo pa nakakita ng multo." Sumirit ito.
Okay, ganyan talaga si Ma'am Dhea bilang Ma'am Dhea. Ayaw niyang nagpapahuli sa trending na balita.
I glare at her before I whisper. "Nothing. Just. Long story." I said. Wala naman kasi akong nakapagkwentuhan kung ano talaga ang nangyari. Oo, nakikisali ako kung nag-kukwentuhan sila sa mga bagay-bagay kapag recess time o uwian pero never kong nabanggit sa kanila ang karanasan ko. Lalong-lalo na kung tinatanong nila ako kung bakit sa edad ko ay single pa rin ako.
Bakit nga ba kasi sobrang naniwala ako noon? Bakit ba kasi sobrang tanga ko noon?
When the school bell rang, I immediately pulled my arm, bid goodbye and went to my classroom.
"Good afternoon, my babies." I greeted my Grade 3 class. They replied in unison with wide smile on their faces.
Because of their love smile, my nervous vanished away. I calmed myself before I focus on my teaching. The afternoon went by and discussing lesson every afternoon subjects and giving seatwork happened. Oras na nang uwian, I instructed my pupils to do their assigned task before going home.
I was busy erasing the blackboard when I heard someone called my name.
"Ma'am Kiara, you have visitor!" A man's voice informed me cheerly. I saw our School Guard standing in my classroom door. Di man lang niya inantay na tatanungin ko kung sino ang bisita ko nang sabihin niyang, "A certain Railen Jazz Balbastre is waiting for you in the guard house, Ma'am."
It rendered me speechless. My toes abruptly turned into jelly hearing his name. Napapikit ako nang mariin at napa-s**t na lang ako sa utak ko. Ano ba ang pinaglalaban ng taong 'yon at pati dito sa paaralan sinundan niya ako.
"Ma'am Kiara?" Nagtatakang tawag ulit sa akin ni Manong Guard pero di ko pinahalata ang dulot sa sinabi niyang nasa guard house si Jazz.
Ibinaba ko ang hawak kung chalkboard eraser sa chalkbox bago ako tumingin kay Manong Guard.
I guess I cannot avoid him this time.
"Sige po, Sir. Pakisabi po sa kanya susunod po ako." I replied before I gave him my sweetest smile. He returned it to me before he leave my classroom.
Kahit labag sa loob kong lumabas ng silid-aralan, kailangan ko dahil una, ayaw kong maging sinungaling sa harapan niya kung di ko gagawin ang pinasabi ko kay Manong Guard. Pangalawa, ayaw kong gumawa ng eksena dito sa paaralan na maging kumpulan ng recess time topic kinabukasan. At pangatlo wala akong ibang rason na sasabihin sa kanya kung bakit ayaw ko siyang harapin.
Siniguro ko munang malinis ang lahat sa loob ng classroom at nakauwi na ang mga pupils ko bago ko ni-lock ang pinto.
Nagsisimula pa lang akong maglakad papunta sa guard house nakita ko nang nakatayo si Jazz doon na nag-aabang ng paglabas ko. Pinansin ko ang paligid at nakita ko na lahat ng mga co-teachers ko kasama ang aming Head Teacher pati mga ibang estudyante na di pa nakauwi ay nakatingin din sa kanya.
Bakit ba kasi nandito ito?
Literal na lumulutang ako sa kaba habang naglalakad ako papunta sa guard house, papalapit sa kanya.
"Uumm. Good day, Ma'am." Bati nito sa akin. Agad akong lumingon sa kanya. Nakapaskil ang malawak niyang ngiti sa mga labi at inihambana nito sa harapan ko ang paborito kong bulaklak. He handed me a bouquet of pink peonies. Years have passed but he did not forget my favourite flower and its color.
Ayaw kong gumawa ng eskandalo sa paaralan kaya nagtimpi akong 'wag siyang tarayan o singhalan. Kinuha ko sa mga kamay niya ang bulaklak.
"Thank you." Labas sa ilong na sabi ko.
Rinig sa buong paligid ang hiyaw at tili ng mga kapwa ko guro at mga estudyante. Mas lalo namang lumapad ang ngiti ni Jazz na siyang mas lalong nagpakaba sa akin.
I jailed in his handsome face that God given to him. Siya 'yong lalakeng kapag makikita mo, masasabi mong siya lahat nakasalo ng lahat. Siya lang ang gising na sumalo sa lahat nung nag-paulan ang Diyos ng kagwapuhan.
"I wanted your favourite flower delivered it to you personally." He said and looked at me for so long. Long enough for me to make me hell a lot more nervous. "I missed you damn much." He added and walked away leaving me dumbfounded.
Nanginig ulit ang aking buong kalamnan sa pangalawang pagkakataon ngayong araw.