"Mymy, my teacher told me that I was good. I got three stars today in my class." Magiliw na balita ni Sophie nang makita niya akong nag- aabang sa labas ng kanyang silid-aralan. Tinuro nito ang tatlong star na naka-pin sa blusa ng uniporme nito sa kaliwang dibdib niya.
Ngumiti ako ng malapad bago ko iniluhod ang isa kong tuhod para magpantay kami. Humalik ako sa ulo niya saka ko kinuha sa kanya ang dala niyang bagpack at lunch bag. "Talaga? Wow! Ang galing naman ng anak ko."
Mas lumapad ang ngiti niya bago siya yumakap sa akin. I chuckled at the sight of delight in her eyes. My heart swelling with the warmth of her embrace as soon as she threw herself at me. I hugged her tighter that makes her giggle.
Cassandra Sophia A. Real
Inaamin kong sobrang nerbyos, kaba at walang kasiguraduhan noong una, pero noong inabot siya ng Nars sa akin at nakarga ko na siya sa mga bisig ko, doon palang alam ko na at alam na ng puso ko na akin siya. Taking her and treating her as my own was one of the best that ever happened to me in my twenty six years of existence.
Hindi ko makakalimutan kung gaano siya kaperpetong sumakto sa mga bisig ko habang mahina ko siyang kinakantahan at hinehele sa kanyang pagtulog.
My Nanay loves to help to the people who are in need. She always willing to volunteer to extend services to others. Kaya habang lumalaki kaming magkakapatid na ganoon ang nakikita namin sa aming ina, di nakakapagtaka na nagaya ko, namin ang pagkakagawang-gawa niya. The Light of Dawn Home is my favourite of them all. I love children, malapit sa puso ko ang mga bata. Katunayan isa din ang rason na 'yan ang dahilan kung bakit ako kumuha ng kursong Bachelor of Science in Elementary Education, at sa awa naman ng Diyos natapos ko at naipasa ko rin ang Liscensure Examination for Teachers at nagkatrabaho agad ako para magturo.
Simula noong kumikita na rin ako ng sarili kong pera kada buwan akong bumabalik sa orphanage na paborito ko. Sometimes, I teach the kids, read them stories and bond with them. I also took the kids out for ice cream or for pizza, until that one day visit.
I was twenty one back then when I saw her outside the orphanage door. Ilang buwan pa lang din noon na natanggap ako na magturo sa isang pampublikong paaralan ng elementarya. Nagulat ako noon dahil nakabalot lang siya ng kulay rosas na lampin. Alam mo agad na bagong silang siya ng dalhin siya sa harap ng orphanage dahil may dugo pa noon ang katawan niya. Mas lalong lumaki ang gulat na rumehistro sa aking mukha nang makita kong di pa natanggal ang ambilical cord niya.
Tinawag ko agad ang mga Staffs para alam nila na may sanggol sa labas na nangangailangan ng bagong tahanan. Nataranta kaming lahat dahil ang hina-hina rin noon ng bata. Kasama si Pastora Cez na siyang Administrator at isang residential caretaker dinala namin siya sa ospital. Doon din namin nalaman na talagang bagong silang siya and worst mahina ang baga niya.
Di kaagad pinahintulutan ng attending Pedia niya noon na ilabas siya sa ospital dahil kailangan pa siyang i-monitor kaya naman sa pamamalagi niya sa ospital, araw-araw ko din siyang binibisita pagkatapos ng pagtuturo ko.
As I always watched her though the glass in the nursery where they placed her, I knew by then that someone will take care of her. And that someone is me. I was unsure on how will I take care of her then, but still, I'm a legal woman who had a huge heart for the baby. So I made a decision to adopt her.
"Mymy, you're crying." Napatigil ako sa paggunita nang marinig ko ang boses ng anak ko. Di ko na rin pala namalayan na lumuluha na ako. Napatitig lang ako sa kanya na nakangiti. "Let's go home po." Aya niya sa akin.
"Okay. Let's go, Sweetheart." Hinalikan ko ang noo niya saka ko pinunasan ang luha ko. Tumayo ako at kinarga ko siya palabas ng kanyang paaralan.
While driving heading home, Sophie was non-stopped sharing her day to me. Hindi ko na rin napansin nakarating na pala kami sa aming simpleng unit na inuupahan.
I did my daily routine to her during weekdays, before I go back to school for my afternoon classes.
"Oh, ang aga niyo ngayon." Komento ni Shania nang makalapit kaming mag-ina sa counter ng Dreamer's Bean.
"Himala nga at di trapik ngayon, knowing na rush hour." Sagot ko nang maiupo ko si Sophie sa isang stall.
"Buti naman, nakakapanibago na di ka hinihingal sa ganitong oras." Totoo naman, dahil kung naiipit sa trapik gahol ako ng oras para umabot sa tamang oras ng klase ko.
Binibilin ko ang anak ko sa kanya ng bigla sumulpot ang isang barista sa harap namin.
"Ma'am Kiara, may naghahanap po sa inyo." Sabay turo niya sa isang lalaking nakaupo patalikod sa bandang sulok ng shop. He's facing the glass wall.
"Sino? Nasabi ba niya sa'yo kung sino siya?" Tanong ko. Kuryuso din ako kung sino.
"Kanina pa po siya diyan, Ma'am. Naka-ilang order na nga din po ng kape." Ngiti niyang sagot bago siya nagpaalam dahil marami pa daw siyang iseserve na orders. Lagi naman.
Nang maiwan kami, di rin ako nagtanong kay Shania dahil alam kong wala din itong alam. Kinuha ko ang mga gamit ko saka ako naglakad sa taong naghahanap sa akin.
Mula sa kinauupuan niya nasilip ko naman na nakayuko ito at busy na nangangalikot sa kanyang cellphone.
"Excuse me, Sir. Hinahanap mo daw po ako?" Magalang na tanong ko. Nasa bandang likuran pa lang niya ako.
Upon hearing my voice from his behind, he slowly turned his head to peep.
My jaw almost hit the floor when I recognized his face. My heart suddenly picked up its pace and my hands immediately sweating with his presence.
"J-Jazz." I stammered saying his name.
"KC." He blourted out.