"Aba, ang mga Bruhilda na akala namin ay nilamon na ng lupa heto't nagpakita na sila." sigaw ni Arvin na siyang dahilan kung bakit napalingon ang mga customers ng restaurant sa kanya, kabilang kami ni Dhea na magkasama.
Ako ang nahiya sa mga tao pero binalewala ko na lang gawa ng matinding pagka-miss ko sa mga ito. Kahit si Dhea na kasama ko sa iisang eskwelahan na pinagtuturuan gano'n din. Sa sobrang pag-iwas ko sa chismis pakiramdam ko ngayon lamang ako nakahingang malalim.
Sabay kaming tumayo ni Dhea sa kinauupuan namin at pareho naman silang lumapit sa amin at umakap.
"Na-miss namin kayo." tugon ni Arvin, ang huling umakap bago kami nagsi-upo.
"Pasensiya na kayo kung ngayon lang kami nakipagkita at nagyaya tapos lunch break pa. Sobrang busy kasi namin lately. Alam niyo na sunod-sunod ang mga school activities." Sambit ko nang matapos na kaming mag-order.
"Kahit nga fifteen minutes break pa 'yan. Papatusin namin, ano! Ang tagal na nating di nagkakasama, pakiramdam ko dekada na. Sobrang busy niyo kasi masyado na di niyo na kami maalala." Shania said with a chuckle .
Ngumiti ako sa kanya na halos panggilidan ako ng luha. Ito 'yong namiss ko sa kanila. Simula kasi nang bumalik ang Manager ng coffee shop pagkatapos ng meternity leave nito ay bumalik na rin silang dalawa sa dati nilang buhay. Acting cashier lang namin 'tong si Arvin dahil inaasar niya ang ama nito. Si Shania naman di pa tapos sa hiatus niya.
"Kumusta naman kayo?" Tanong ko.
Nagkatinginan ang dalawa sabay gawi sa upuan ni Dhea, parang may gusto silang tanungin pero wala sa kanila ang gustong gumawa. Hanggang sa napairap at bumuntong-hininga si Arvin.
"Okay, fine. Ako na nga magtatanong. Shutang Shania na 'to!" I looked at him. His eyes shifted from happy to worried. "Beshymars, may nasabi kasi si Dhea sa amin na chismis. But please remember we don't believe any of it. Pero bilang mga kaibigan mo nag-aalala rin kami."
"Ang sarap sumugod sa pinagtuturuan niyo para hampasin ko lang sana ng heels ko mga bibig ng chismosa eh." Gigil na sambit ni Shania. "Mga echoserang palaka."
"A-ano bang nasagap niyo kay Dhea?"
"Marami ah." Sagot naman agad ni Arvin. "Na-promote ka lang raw may sariling mundo ka na raw. Mga ganon ba."
Katulad nga ng sabi ko umiiwas ako. Kung dati tuwing recess time nakikisabay ako sa kanila ng kain ng meryenda pero no'n makarinig ako ng mga gano'ng balita umiwas na ako. I prepare eating my food in peace inside my classroom kaysa sa makipagplastikan ako sa kanila.
I let out a sarcastic chuckle. "May sarili akong mundo kasi di nila tanggap ang kakayanan ko."
"Pero 'yong isang ikinaiit ng ulo namin, na halos murahin na namin ng murahin sa isip---"
"Hey." agad kong putol sa sinabi ni Shania. I looked at Dhea and she just shrugged at me maintaining her silence, na para bang wala siyang balak magsalita kahit inilalaglag na siya ng dalawa.
"'Yong sinabi ni Ma'am Angelica a.k.a. na Angel na walang pakpak na lalaki mo daw ang pamangkin ng Regional Director kaya na-aaproved promotion mo." Pagtatapos ni Arvin.
Gusto kong umiyak. Bakit parang sobrang daming violent reaction sa pagka-promote ko? I mean, I've been teaching for the past five years now, awarded as the Most Outstanding Teacher of the Year for two consecutive years, finished my Master's Degree in that span period of time para sa mga ranking. Was given to me the Very Satisfactory Performance for the last three years. Sacrificed so much for the welfare of the students honing their talents, boosting their confident and nourishing their knowledge. Di ko ba deserve ang mga 'yon para ma-promote ako?
People are really out there to get you when you started to grow. Bakit may ganoong mentalidad ang mga tao?
I felt someone touching my hand. Hindi ko napansin na nakayuko na pala ako.
"Kia, we're here okay? Di naman kami naniniwala sa mga sinasabi ng mga co-teachers natin. Katulad mo ayaw mo'ng pumatol kaya mas pinili mong umiwas at manahimik. Ako kunting-kunti na lang baka di ko na rin mapigilan ang sarili ko na sagutin sila para maitama ang mga maling iniisip nila." Dhea said after giving my hand a tight squeeze.
"Sana Brigada-Eskwela niyo na lang ulit para masungalngal ko ang Ma'am Angelica na 'yon. Isama ko pa si Ma'am Marie at Ma'am Tess na ka-chismis squad niya." Arvin said making us all laugh.
Kilala naman kasi nila ang mga teaching staffs na katrabaho namin ni Dhea dahil palagi namin silang dinadragged sa paaralan para tumulong maglinis at mag-ayos tuwing Brigada-Eskwela.
When the laughter died down and the food were being serve. Shania and Arvin faced me; their faces filled with comfort.
"Beshymars, so ano nga ba ang ganap?" si Shania.
I looked at them one by one. Thinking on how will I start the exact 6-year story of Jazz and I and gauging how will they react after. Then I realized, no matter how I say it, they will accept me wholeheartedly.
Humugot ako nang malalim na hininga. "Sophie and I are living with Jazz."
Tahimik. Walang umiimik pero laglag ang panga nila sa sinabi ko.
"W-what?" Shania breathlessly said. "Umalis lang ako sa pagiging acting Manager mo, sa ibang lungga na pala kayo nakatira ng inaanak ko?"
And then Dhea shrieked in joy. "I knew it." then she gave me a hug.
"O my M to G! Ang pagmamahal ng isang Kiara Celestine Real ay iba. Ibang-iba talaga, di nabubura, di nakakalimutan lumipas man ang mahabang panahon." tugon naman ni Arvin.
Pagkatapos no'n, I was bombarded by lot of questions. Kung paano kami nagkita ulit, paano kami nagkaayos at kung paano kami nag-end up na nakatira sa iisang bahay.
"Nagyon alam na namin ang buong kuwento ng love-story niyo. Pero teka, so anong problema? Bakit nag-ho-hold-back ka pa kung hanggang ngayon mahal mo pa rin naman si Jazz? I mean, the guy's nothing but amazing to you and our inaanak." Agad na tanong ni Arvin pagkatapos ng kwento ko.
Sumubo muna si Dhea ng vegetable salad bago dinagdagan ang sinabi ng kaibigan namin, "I agree. Wala ka na atang makikitang ganyang lalake ngayon sa mundo."
"Unless, may ibang bagay ka pang sikretong tinatago sa kanya kaya 'di mo masabi. Kahit naman galit ako sa tao, deserve niya ang katotohanan." Shania said, hitting the right reason.
Napaabot ako sa pineapple juice ko at napainom dahil sa biglang pagbara ng kinain ko sa lalamunan ko. I can't tell to Arvin and Dhea the truth about Sophie. Shania knows from the very start about my daughter because she's my Nanay's bestfriends daughter. Kung di siya siguro anak ni Ninang Shirley wala din siyang alam kung ano talaga ang pagkatao ni Sophie. Mananatiling anak ko si Sophie na iniwan ako nang nakabuntis sa akin sa isip nila. Maybe, after I tell to Jazz we'll decide kung sino pang dapat makaalam. Si Shania, ako, mga kaibigan ni Nanay, mga staffs ng orphanage at ang pamilya ko lang naman ang may alam. Ayaw ko nang magdagdag pa.
"Wala naman. Tanging si Jazz lang naman kasi ang naging boyfriend ko. Masyadong matagal na kasing naranasan ko ang na-inlove at umamin ng totoong nararamdaman ko kaya siguro ganito."
Napatango naman si Dhea, "Sa bagay may point ka. Sa ating magkakaibigan naman kasi ikaw lang naman ang one man woman."
"Sa akin lang ha. You just have to say what's on your mind and on your heart. Hindi ka naman magkakamali. Based from your stories, the guy is still head over heels in love with you, you know." Shania supplied.
My eyes lift up and my heart thumping like crazy, "Proven and tested. But until when?"
"Duh? Overthink ka naman beshymars." the three of them said in unison.
"A guy won't go to extraordinary lengths for a woman if he has still plans to leave you." Arvin justified.
Sabagay. Susugal na lang naman ulit ako, bahala na. Saka ko na lang ulit iisipin ang mga susunod na mangyayari kung nandiyan na.
"Kaya umamin ka na beshymars. Baka magsisi ka pa sa dulo." Shania finally said.
One sentence and it hit two things; one - telling him what I feel and two - telling him the truth about my Sophie.
"So, beshymars..." Arvin called yanking me out of my thoughts. I stared at him, sumubo muna siya ng pagkain bago niya tinuloy ang sasabihin niya. "May laban na bang naganap sa inyo ni Jazz? I mean nag-s*x na ba kayo?"
"Arvin/Bakla!" sabay-sabay naming suway sa kanya na may halong tawa.
Natawa rin siya. "Bakit? Na-curious lang naman ako." Depensa niya para sa sarili bago siya nakitawa sa amin.
That one hour lunch break was all I need to pull my head out of my ass and be finally be tough enough to tell Jazz everything. Naisip kong unang sabihin ang tungkol kay Sophie bago ang tunay na nararamdaman ko.
I waited for my afternoon classes to end and hurriedly waited for Jazz to come and pick me up. But before I can even step out of the school and go to the store, he called.
"Hey."
"Hello, Hun. Sorry, hindi kita masusundo. We have a urgent meeting and I was planning to go to Ninang's Lea house after."
"Ahh, okay. Sige, please take care, okay?"
"Will do, Hun. You too. I called Jonas to come and pick you up. He should be there."
Napangiti ako. "Sige, salamat."
Then we said our goodbyes and hung up, ni hindi ko nga nasabi sa kanya na nag-text din si Mika sa akin kanina para yayain akong mag-lunch out.
Pagkauwi ko, nadatnan ko na ang ibang gamit na hindi namin nahakot ni Jazz. Okay na rin para may pagka-busy-han ako habang hinihintay siya. Inasikaso ko naman si Sophie pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit. Kasalukuyan ko siyang tinutulungan sa mga homework niya nang naka-receive ako ng text kay Jazz na hindi siya makakasabay sa dinner dahil nagkayayaan daw ang mga taga-division na mag-dinner sa labas at baka gagabihin siya ng uwi dahil gagawi pa siya kina Mrs. Tamura.
Kaya hindi ko na siya nahintay umuwi. Siguro naman puwedeng ipagpabukas ko na lang muna.