Chapter 30

1987 Words
Hindi ko na namalayan kung anong oras nakauwi si Jazz kagabi. Natandaan ko lang na nag-text pa siya mga bago mag-alas nuebe at kararating lang niya sa bahay nila Mrs. Tamura. Nadatnan pa nga niya na nagkakasiyahan sila dahil birthday ng isang pamangkin niya at pinag-stay siya ni Mika. It really looked he enjoyed the celebration because he kept on sending me pictures of them throughout the night until pass 1 AM. I was surprised when he got up early the next day. Nadatnan niya ako sa kusinang abala na magluto ng agahan namin. "Good morning, Hun." Bati nito, umakap siya sa akin at binigyan niya ako ng halik sa pisngi mula sa likuran ko bago niya ako pinakawalan at kinuha ang coffee pot. "Good morning. What time did you reach home?" I asked while watching him pour himself a cup of his caffeine fix. "Almost 3 am. After the talked I had with Ninang, she and Mika forced me to stay throughout the celebration. Mika was drunk that she kept on repeating how her ex-boyfriend found someone else. That if she could only know, she would sacrifice everything to be with him just to make up what they lose all those years." Dahil sa huling salitang binigkas niya, natagpuan namin ang aming mga sarili na nakangiti sa isa't-isa. "Sound familiar, no?" Biro ko. Natawa siya. "Yup, Hun. Very familiar with the wasted years part." He took a sip of his coffee before setting it down on the countertop. "Anyway, Ninang informed me that you will represent your school for a half-day seminar-workshop? And Mika told me also that she messaged you yesterday?" Tumalikod na ako sa kanya at pinagpatuloy ko ang pagluluto ko, "Oo, ngayon ko pa lang sana sasabihin sa'yo. And yes, Mika did. Nag-text siya na lunch out daw kami ngayon. Since di ko rin naman alam kung anong eksaktong oras matatapos ang workshop na dadaluhan ko, nag-paalam na lang ako kay Ma'am Lea na absent ako sa buong araw. Pero sabi ko rin kay Mika kailangan pa kitang tanungin, kasi 'di ba kung may school inspection ka at deworming ako ang sumusundo kay Sophie?" Wala akong ibang narinig kundi katahimikan hanggang sa bigla na naman siyang umakap sa akin mula sa likod, "Hun, ako pa rin ang bahala mamaya sa anak natin. You go out and have fun with the girls. But not too much fun, though." I freaking giggled like a high schooler in love. "Ikaw ba kagabi? Hindi ka rin ba sobrang nag-enjoy sa pinuntahan mo?" "Bakit parang tunog nagseselos? Nagseselos ba ang mahal kong asawa?" I stopped stirring and faced him. "Yes, why?" Nalaglag ang mga kamay niyang nakaakap sa akin at bigla siyang naubo, na para bang nasamid siya sa sarili niyang laway. He rubbed his chest, all the while staring at me wide eyes. "Teka Hun, ginulat mo ako." Natawa ako saka ko pinagpatuloy ang pagluluto ko, "Tuloy-tuloy pala ang pagtatagalog mo kapag nagulat ka. Pakigising na si Sophie baka ma-late pa kayo." Sabi ko nang biglang pumasok sa isip ko ang dapat kong gawin ngayon. "And Jazz, we need to sit and talk tonight, I want to tell and discuss you something." "Okay, Hun. Gusto ko na sanang malaman ngayon ang sasabihin mo pero 'pag inumpisahan mo ma-le-late na talaga tayo pare-pareho." Tugon niya. Naramdaman ko pa ang presensiya niya ng ilang sandali bago siya nagtungo sa kuwarto namin ng anak ko. Mainam na rin na gano'n ang sinabi ko dahil may mga trabaho pa kami at may pasok pa si Sophie. Kapag naumpisahan ko kasi talaga ang mga sasabihin ko di kami agad matatapos sa maikling oras. Jazz being Jazz, malaki talaga ang tyansa na hindi na niya papatapusin kapag inumpisahan ko ang usapang 'yon. Dahil out of way na rin silang dalawa sa Central School kung saan magaganap ang seminar-workshop ay di na ako nagpahatid pa. Di rin nagtagal ng dumating ako ay nag-umpisa din ang nasabing seminar. The resource speaker talked about the Oplan ISIP (Isaalang-alang ang Sariling Isapan para sa Isang Payapang kamalayan) isa itong Gender and Development Seminar-Workshop and it gave us a learning endeavor for the teachers, to be shared to the learners and parents of the school. As we gained new knowledge and skills from the Speaker in terms of self-care, stress-management, and being resilient in times of difficulties in life and at work. Halos ala una din nang natapos ang seminar-workshop. At around 1:30, I arrived at the restaurant where the girls and I agreed to meet. Nandoon na nga sila kahit saka ko lang sila nainform sa availability ko nang makalabas ako sa venue. "Hi, Kiara." bati ni Jaliyah na siyang unang nakakita sa akin. Just like a signal, the two other rose give me a hug and kiss on my cheek. "Salamat naman sa Diyos at nagdesisyon kang sumama sa amin na walang Jazz na nakabuntot sayo." Natatawang ani ni Maisie nang nakaupo na kami. "Honestly, nahihiya pa rin kasi ako... ummm.. na sumama na tayo-tayo lang." Pag-amin ko. "So, we were told. Mommy also told me about the issues about the problems you're experiencing on your new position." Tugon ni Mika, yong maganda niyang mukha hindi naitatago ang pag-alala sa akin. "Baka 'di ka rin aware, Kiara, the Divisional Superintendent is my father." Sabi ni Maisie na nagpalaki ng mga mata ko sa rebelasyon niya. Natawa silang pare-pareho s reaksyon ko. "So don't worry about it, I'm sure hindi 'yon papalampasin ni Mommy, specially si Jazz." Mika added. "Hindi ko lang maintindihan kung bakit may mga taong ganyan, naturingan pa naman silang mga guro. Wala naman silang mapapala sa pagkalat ng mga kwentong hindi naman totoo. Hindi naman dadagdagan ng gobyerno ang sasahurin nila at mas lalong hindi naman sila magkakaroon ng talk show sa pinaggagawa nila." Jaliyah said with an eyeroll. "Kaya 'wag kang panghinaan ng loob, Kiara, kami bahala sa'yo. Alam ko ang pakiramdam dahil naranasan ko rin ang ginanyan. Akalain mo sabihan ba naman ako na nakuha ko ang posisyon ko sa ospital dahil Head Nurse ang asawa ko." Maisie said with clear disgust before drinking her iced tea. "Chill, Maisie. Na-suspend naman lahat ng 'yon." Mika said with a short laugh. Hindi ko masiyadong inintindi ang kuwento ni Maisie. I intertwined my fingers beneath the table while looking at them one by one "Thank you..." I whispered back. "You don't have to thank us. Kailangan mo ng masanay." Mika spoke. Sanay naman ako na makatanggap ng ganito dahil madalas ang ganitong bagay ay nanggagaling sa mga kaibigan ko, sa mga pamilya nila at sa buong pamilya ko. But hearing them talk and react with my own problems, brings me feelings I can't explain. "So, how are you and Jazz? I heard from Carl that you are living with him to their house?" Maisie said, putting me again in the spotlight. Napaubo ako dahil hindi ko inasahan ang bilis ng pagbabago ng usapan. "What? Really, Kiara? Binahay ka ng kinakapatid ko? Bakit wala akong alam tungkol diyan? Wala din siyang nabanggit kagabi sa amin ni Mommy eh ang tagal naming nag-usap." gulat na ani ni Mika. Nilingon niya si Jaliyah na parehas umiling, mukhang di rin nila alam. "Well, sa pagkachismo ba naman ng asawa ko, ay aba, wala akong hindi nalalaman." dagdag ni Maisie. "Ganito kasi 'yan. Hindi raw siya nasundo ni Jazz kaya nakiusap siya kay Jonas. Tapos nagkuwento si Jonas sa asawa ko na sa bahay daw nila Jazz siya hinatid. So, Kiara?" she urged, not letting this one slide. "Umm.. yes... Pero it wasn't planned. Nasunugan kasi ang kusina nang unit namin ng anak ko, tapos hindi na nagpatalo si Jazz na uuwi kami sa bahay ng mga magulang ko maski ang maghanap ako ng ibang matitirhan. Nagdesisyon na siya na sa bahay na lang nila kami titira. Hindi na rin ako nakaangal kasi sobrang dami ng tumatakbo sa isipan ko nang araw na 'yon." "Wala kayo sa unit niyo nang masunugan kayo?" Jaliyah curiously asked. I shook my head. "Wala, tayo ang magkakasama no'n ng mangyari ang sunog. 'Yong time na pinakilala kami ni Jazz sa inyo. Pagkauwi namin may mga pulis na at mga staffs sa labas ng building namin. "Kaya naman pala. I understand why Jazz decided that way. Nakakaalarma at nakakatakot naman talaga." Mika supplied. "Kumusta naman kayo?" "We're okay. It's not hard to Sophie to adjust to their house because we already went there before for many times." mabilis na sagot ko pero nakita kong umiling si Mika. Lahat sila ay may palihim na ngiti sa kanilang mga mukha. "Hindi mo pa rin inaamin ano?" Mika prompted. Wala ata talagang nakakatakas sa mga babaeng ito. Kaya hindi ko na itatago pa. Ibig kong sabihin, palagay ko this is the part where I start to loosen myself up and not be afraid of anything that comes with coming back to Jazz. "To myself, yes. But to him, not yet." I answered honestly. They looked at each other. Pagkatapos sabay-sabay pinakawalan ang pinipigil nilang hininga. "Sa wakas. Akala ko manganganak muna ako bago mo marealized 'yon at magkakaroon ka ng lakas ng loob." Jaliyah said caressing her tummy. "Bakit di mo pa sabihin sa kanya?" "Wala pa kasing chance, eh. Gusto ko 'yong dalawa lang kami para mapag-usapan talaga namin. Pero mamayang gabi, sinabihan ko siya na mag-uusap kami. Mamaya ako aamin sa kanya." Napatango si Jaliyah saka sumagot. "Sabagay, you can choose your own pace with stuff like this. Pero sana, maamin at masabi mo na rin na 'walang pag-aalinlangan, kasi 'pag pinapatagal mo you can't take back time that were lost." I looked at her and saw the sincerity in her eyes. Tumango ako. "Oo nga eh. Marami na rin kaming nasayang na panahon." "Kaya go na, Kiara! Tapos balitaan mo kami sa GC, i-add ka namin. Minsan kasi wala sa ayos ang kwento ni Deandrei." sabi ni Jaliyah. Then we all laughed. After that, the next convos were filled with question about being a mom, an effective mom to be precise, weddings and all about the things you wouldn't discuss when your significant is around. Maisie invited us to their home after, dahil nabitin daw siya sa lunch out namin. I got to play to her baby girl, whom she left to her mother para sa lunch out date namin. Almost three PM umuwi din si Jaliyah dahil nakatanggap siya ng text mula kay Kuya Deandrei na di daw siya makapasok sa bahay nila dahil naiwan niya ang susi niya sa loob ng bahay nila. We all just laughed, kahit matalino ang isang tao, may nakakalimutan pa rin, lalo na kung nagmamadali ka. Mag-aalas singko na rin nang nagdesisyon kaming umalis ni Mika. Nang makarating ako sa bahay bukas na ang mga ilaw sa loob. Nagulat ako nang makita kong nakaparada sa loob ng harap ng bahay ang Bentley na sasakyan ni Kuya. Malapit na ako sa pinto nang nakarinig ako ng boses ng babae, dali-dali akong pumasok at nagulat kung sino 'yon. "Mabuti naman at dumating ka na." Bungad ni Shania sa akin. I was shocked to see her in the house, together with my brother whose also playing with my daughter. "Shania, ano ang ginagawa niyo dito ni Kuya?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Di ka na namin inabala pa na nandito kami ng Kuya mo. Sumunod kami dito, kasi naman beshymars! Nakita namin ang inaanak ko at si Jazz sa Pizza House." Bigla akong kinilabutan. s**t. "Nasaan si Jazz?" Nagkibit-balikat ito. "Hindi namin alam kung saan nagpunta, eh. Wala naman siyang sinabi. Nang makarating kami dito, ang sabi may pupuntahan lang daw. Diba, bebe Sophie?" "Opo, Mama Ninang." Sagot naman agad ng anak ko habang busy na naglalaro kasama ng kapatid ko. "May nasabi ba kayo kay Jazz tungkol kay Sophie?" I ghostly whisper. Mukhang na-gets naman niya agad ang tinukoy ko. "Oh, gosh. You're Kuya did." Fuck.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD