Chapter 9

2822 Words
Nakarating ako sa coffee shop na parang wala sa sarili ko. Parang nililipad nang hangin ang utak ko na di ko mawari. Sa ginawa ni Jazz kanina aaminin kung may nabuhay sa puso ko na matagal ko nang pinatay at ibinaon sa limot. Aaminin kong nag-uumpisa na niyang magiba ang pader na ginawa ko para sa sarili ko. I was still under the spell of Jazz had put on me only to be woken up with a hand dragged me. "Kiara Celestine! Para kang baliw na wala sa sarili mo. Lutang lang ang peg natin?" Her shrill voice echoed inside the four corner of my office. I looked at her and she just lost her damn mind. "Wala. Wala to may iniisip lang ko." Tugon ko saka nagtungo sa mesa ko. Umalis siya saglit, akala ko lulubayan na niya ako pero pagbalik niya hatak-hatak na niya si Arvin. "Halla. Ayos ka lang, Marsy?" Nag-aalala na sambit ni Arvin. Tumango ako para ipaalam sa kanila na okay ako. "May nangyari ba kay Sophie? Kaya di mo rin kasama bebe girl?" He pushed even harder. "Wala. She's fine. Naiwan sa unit, ayaw sumama." "Ha? Iniwan mo mag-isa? Sino kasama niya?" Gulat na tanong ni Shania. Pag nalaman ni Shania na may Jazz na ulit sa paligid baka mapamura na lang siya bigla. Magiging armalite ang bunganga niya sa never ending na sermon niya sa akin. "Di pa ako ganoon kabaliw na iwan kong mag-isa ang anak ko sa unit namin. Kayo ata ang baliw, syempre may kasama siya." Sabi ko at nagsimulang buklatin ang mga folder na nakaabang sa lamesa ko. Pero hindi sapat sa kanila ang sinabi ko, talagang may kasunod pa na tanong kung kanino kung iniwan ang anak ko. Jusko naman talaga! Mapapaamin ako sa kanila. "So, kanino beshymars?" Ulit ni Shania. Kahit siguro marindi na ako alam kong di nila ako titigilan. Sa tagal ng panahon na magka-kaibigan kaming tatlo alam na namin ang likaw ng bituka ng bawat-isa, kaya walang dahilan na magsinungaling pa ako o itago ko ang sagot sa tanong nila. Kilala nila ako sa bagay na hindi ko basta-basta iniiwan ang anak ko kung kanino lang. Kahit nga saglit lang na aalis ako di ko pinapakisuyo si Sophie sa mga katabing unit. Tinignan ko silang dalawa. "Naiwan kay Jazz." Halos pabulong na sagot ko. "OMG!" Tili ni Arvin. "Putragis." Mura ni Shania. Magkasabay pa sila na nagbitaw ng reaksiyon nila. Imbes na mapairap ako, natawa na lang ako sa hitsura nila. Sabi ko na nga ba. Di ako nagkamali sa judgement ko pag malaman nila na nandito na sa Pilipinas ni Jazz. "Kailan pa kayo nagkita? Paanong siya ang nag-aalaga ngayon kay Sophie? Bati na kayo kaagad? Nagkabalikan na kayo na agad-agad? Ganun na lang ang mga ilang baldeng niluha mo dati?" Binaha ako nang samu't-saring tanong ni Shania habang lumalaki ang mata nito sa akin. "Huy! Grabe ka. Hinay-hinay ka lang naman sa pagtatanong." Saway din ni Arvin dito. "Saka na ako mag-kukwento 'pag nakapag-usap na kami para buo. Di putol ang chismis." Umikot ang mga mata ko na sabi ko. Pero kung ang tsismosa ay atat 'di ka talaga tatantanan. Babatuhin na naman sana ako ng bestfriend ko nang hirit pero narinig namin ang tunog ng buzzer. It indicates that the Manager or Owner's presence needs in the counter. Shania and Arvin frowned at me before they hurridly left my office. Thanks God! I was save by the bell. Nagsimula na ang oras ko sa coffee shop matapos nang pang-giginisa nila sa akin. Hindi ko lang alam kong paano ko pa sila maiiwasan sa mga tanong nila kapag free time o kaya sa mga susunod pa na may pagkakaton sila. Nakapokus ang atensyon ko sa mga paper works ng makareceieved ako ng text message kay Jazz. Jazz: "Hun, our baby is asking permission if she can play her nail polish kit?" I blushed crimson to his way of reporting, before I typed my reply. Claiming Sophie as his my heart flutters. Mas nahihirapan akong panatilihing matibay ang pader na nilagay ko sa pagitan namin. Me: She can. Please, don't leave her unattended while she's doing the painting. Hope you won't lose your sight to her. Knowing my daughter, she's too careless that sometimes she didn't care that she's painting it anywhere. Minsan pinapagalitan ko pa ang kakambal ko na nagbibili sa kanya ng mga ganun. Mabilisan ang naging sagot nito na nag-popped up sa screen ko. Jazz: Yes, Ma'am. I will keep my eyes on her, just like I didn't lose my sight the moment I was blown away by you. Nakagat ko ang aking labi. Hindi ko alam kung kilig ba ito o ano. Matagal akong nakatitig sa mensahe niya bago ko pinagpatuloy ang aking ginagawa. At the end of the last page of the papers that needed my signature, I felt relieved. Malaking tulong talaga sa akin ngayon ang pagiging acting manager ng bestfriend ko. Ang pansamantala niyang pamamahala simula nang inaprobahan ko ang maternity leave ng talagang Manager ay siya rin ang dami sa nadagdag na oras ko kay Sophie. Mabilis kong inayos ang papel at binalik sa folder nang makita kong pumasok ang bestfriend ko sa comfort room. Minadali ko ring kinuha ang mga gamit ko at minabuti ko na lang na umalis na. Kapag maharangan pa niya ako aabot na naman kami sa mahabang interview session. Pakiramdam ko parang bumilis ngayon ang paghakbang ng mga paa ko pabalik sa unit. Di ko alam kung ano ang tunay na dahilan; kung ang excitement ko na makita ang anak ko o ang dahilan na nasa unit din Jazz. Ilang hakbang pa muna ang nagawa ko bago ko narating ang unit kung saan kami nakatira ng anak ko. I pressed the password and automatically opened the door. Tila naisturbo ko ata kung anuman ang ginagawa nila dahil kumaripas sila pareho na salubungin ako. The have matching smiles on their faces when I got in. "Mymy's home!" Masayang wika ni Sophie sabay abot ang mga kamay niya para magpakarga na malugod ko namang ginawa. I looked at her and kissed her cheeks before my eyes zeroed in Jazz. I was avoiding him when I got in that I didn't feel he took my things with me. "Welcome home, Mommy!" He whispered. My cheeks flared that I was forced to look away. He let a soft chuckle before announcing that he ordered pizza for us. Sophie extended her arms to Jazz that he willingly obliged to carry her. I walked quietly and the two of them followed me. Totoo nga ang sinabi niya dahil may dalawang boxes ng pizza na galing sa isang sikat na pizza house sa ibabaw ng mesa dito sa sala. Umupo ako sa sofa at agad naman silang umupo sa may sahig. Pinaupo ni Jazz si Sophie sa hita niya. "Mymy, looked my nails, Dydy painted it." She swaggerly said, showing her both hands. Jazz polished her nails with cozy taupe polish color. I haven't seen Sophie this happy before eventhough I've painted her nails also for countless times. Napangiti ako dahil ang saya ng anak kong ipagmayabang ang ginawa ni Jazz sa mga daliri niya "Wow! Dydy, should learn more how to polish your nails properly." Natatawa ko ring sa sagot. Malinis naman ang pagkakapintura niya, may mga parte lang sa kuko ng anak ko na walang kulay. Sophie held Jazz's arms and showed it to me. "I painted also Dydy's nails." She was so proud announcing what she did to Jazz fingers. She polished it with toned-down pastels with glitters. Natawa ng bahagya si Jazz at di ko rin napigilan kasi kung kulang-kulang ang pintura sa kuko ng anak ko sobra-sobra naman sa mga kuko ni Jazz. Napansin kong nakatitig si Jazz sa akin na bigla kong ikinailang. "T-Thank you, napasaya mo ang anak ko." Dahan-dahang umangat ang gilid ng mga labi nito. "Always my pleasure KC." I was trapped inside Jazz duchenne smiles when Sophie decided to pop our little starey bubble. "I want pizza, Mymy." "Alright, I will get you a plate." Tumayo na ako at tinungo ang kusina para kumuha ng mga plato para makaiwas din ako sa mga titig ni Jazz. Honestly, di pa ako kumportable na nasa paligid ko lang si Jazz. Mas gusto ko pa nga na palagi kong siyang sinisinghalan o tinatarayan pero sa nakikita ko ngayon na dikit nila ng anak ko parang bumabait ako. "Anong gusto mo dito, Baby?" May tamis na ngiti si Jazz nang tinanong niya si Sophie. Nabuksan na pala niya ang box ng pizza. Umiwas ako ng tingin sa di ko malamang dahilan, 'di ko matitiis na titigan kung gaano niya tignan ang anak ko. "The supreme, Dydy." Sagot ng anak ko na may excitement. Nilapag ko ang mga plato at pizza slicer sa gilid. Agad namang nilagyan ni Jazz ang plato na para kay Sophie. "Here you go ,Baby." Nilapit niya ang plato kay Sophie. "Sayo?" Umiling ako. "Ayos lang ako, di ako gutom." Sagot ko. Sumimangot naman agad si Jazz dahil sa sinabi ko. "Don't be such a party popper, Mommy. First time nating salo-salo to bilang pamilya." He joke. Ang nakakatawang parte nang lahat ng ito kahit papano ay ang pagnanais ko na sana totoo ang sinabi niya. Na talagang pamilya kami. Na talagang gusto niya na ako at si Sophie ay maging kanya. But I know this man, one word is enough for me to judge him. Magkasalubong ang mga kilay ko na tinignan ko siya. "We're not a family." I said through clenched teeth bago ko sinilip si Sophie, sinugurado na di niya narinig ang sinabi ko. Hindi man lang siya naapektuhan sa sinabi ko. Humalik siya sa ulo ni Sophie saka nagtanong habang ang titig niya ay di mawala sa akin. " Sophie baby, what am I to you?" "My Dydy po!" Sagot ni Sophie na may kumikinang na ngiti. Nakangisi sa akin si Jazz at may halong ngiting tagumpay bago siya humalik ulit sa ulo ng anak ko. "Always remind that to Mymy, okay? Seems she always forget about it" "Yes Dydy." My daughter straightly answered to him before he took another plate. I want to strangled, kick and hit him. I want to hurt him so bad, but seeing my daughter, it's breaking my heart with the thought that this is one of the thing that I can never give to her. For him to have a father figure in her life. Nabigla ako nang nilapag ni Jazz ang plato na may laman din na pizza sa harap ko. Hindi naman na ako nakatanggi dahil nakatingin sa akin ang anak ko, sigurado kapag itulak ko kay Jazz pabalik ang pagkain gagayahin niya iyon balang araw kapag ayaw niyang kumain. Si Jazz ang umasikaso nang lahat kay Sophie sa buong durasyon nang pagkain. Hindi sa hinahayaan ko siya na siya ang gumawa ng lahat para kay Sophie, ngunit dahil puro si Jazz ang tinatawag ng anak ko para sa lahat. Halos marindi na nga ata ako sa kaka-Dydy ng anak ko kay Jazz. "Dydy the pizza is still hot. "Dydy, slice the pizza for me, please. "Dydy, pour some sauce, please. Natapos kaming kumain na para silang dalawa lang ang nasa mesa. Puro sila lang ang nag-uusap tungkol sa plano nila para bukas. Nawala lang ako ng sa paningin nilang dalawa may to do list na sila. Jusko, paano ko sasabihin sa anak ko na bukas di na sila magkikita ng Dydy niya. Iniligpit ko ang mga plato at pinaghalo ang natirang pizza sa isang box bago ako nagpunta sa kusina. Matapos kong ilagay ang pizza sa loob ng ref ay siya namang pagdating ni Jazz na nakahalukipkip at nakasandal sa pader. "Nangako kasi ako sa anak natin na ako na lang ang bibili sa request niyang piano. Agreeing to bond with her with her sketch art materials. I hope you don't mind, me telling yes to her." Nakangiti niyang sabi. Naptitig ako sa kanya. "Wala nang bukas, Jazz. Umalis ka na. Ako na lang ang bahalang magpapaliwang sa anak ko kung bakit hindi matutuloy ang pinag-usapan niyo. Just please lock the door before you leave." Biglang tumapang ang itsura niya kaya alam kong di niya nagustuhan ang sinabi ko. Hindi ko din alam kung bakit. "Bakit ba ang tigas-tigas mo, KC?" "And what am I supposed to do? To welcome you with two open arms? Na parang walang nangyari? After all these years... Why? Why did you come back?" I hissed. He suddenly closed our distance. He looked at me in the eyes, and I only saw his regret. Sinubukan kong tignan siya sa mata. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi niya ako madadala sa pagsisisi niya. I wanted to show him that I'm not ecstattic to see him again. "I'm here now, Hun. I know that I'm at fault for not sticking to my words. Alam kong ganito ang reaksyon mo na daratnan ko pag bumalik ako sayo. I'll be facing your anger. Plea---" I cut him off when he pleaded out of his frustration. "Don't start explaining now, Jazz. You're six years late to make me listen your reasons. Siguro kung katulad pa noon na isa akong tanga na madaling maniwala sa mga salita mo... sa mga pangako, baka pwede pa. Pero may anak na ako, at ayaw kong masaktan siya sa oras na kailangan mo na namang umalis at di na babalik at magpakita pa." I felt my throat constrict with tears but I swallowed them down. But something that I cannot control now but I chose to stand my ground. I need to be strong, not only for my self and also to my daughter. "Please, give me a chance to do what I should done six years ago. Please! KC, just please listen to me. I will tell you the whole story why didn't make it dat day." Sa halip na sabi nito na pag-iiba nang usapan. I was tempted to hear him out to be honest. I want to know everything. Pero may saysay pa ba ang nga iyon kung sakali? May magbabago ba kung malalaman ko ang mga dahilan niya? "Alam kong wala na akong magagawa at mababago pa. Nakahanap ka ng iba habang naghihintay sa akin na tutupad sa mga inasahan mo at halata din naman na iniwanan ka ng anak. Nung makita ko ang picture ni Sophie sa screen ng laptop mo, mas lalong nadagdagan ang pagsisisi ko. Ako dapat iyon eh, ako lang dapat ang maging ama sa mga magiging anak mo. Because I cannot fanthom to imagine someone having you instead of me, but it's all my fault. Kung tumupad lang ako sa pangako ko... sa mga plano at pinag-usapan natin, hindi nangyari to. Pero katulad nang sabi ko wala na akong magagawa at mababago pa. Sophie is a sweet and wonderful kid, hindi siya mahirap mahalin, di mahirap pakisamahan. Parang ikaw. Nang nalaman ko sa kapatid mo na mag-isa kang nag-aalaga, nagtataguyod at nagpapalaki sa kanya, napagtanto kong hindi pa pala ako huli. Hindi pa ako nahuli ng dati para tuparin ang mga pangako ko. Kaya kung hindi mo ako mabibigyan ng pag-asa, pagkakataon na bumawi sa'yo sa pagiging hangal at gago ko, naisip kong I will go after your daughter, so I can prove myself and my words to you this time." Tumigil siya sa pagsasalita at hinakbang ang ilang espasyo sa pagitan namin palapit sa akin. His arms snake around my waist before the other cupped my cheek. "Patunayan na ano, Jazz? Para saan?" Tanong ko, binaling ang aking tingin sa ibang direksyon para maiwasan ko ang nakakatunaw na tingin niya sa akin. Masyado na akong mahina sa sandaling ito, at alam ko na anumang oras na mapatitig ako sa mga mata niyang nagniningning at nangingi-usap, bibigay ako. "Hun, naiintindihan ko na kailangan mo siyang proteksyunan at nirerespeto ko iyon. Pero bibigyan din kita ng oras para masabi at maipaliwanag mo sa anak natin na di ako aalis. Na sa huli mangyayari ang ikaw at ako. Na hindi nalalayo ang kagustuhan niyang maging Dydy niya ako." His words made me froze at the moment. My heart pounding hard that I couldn't know how to calm it. Unti-unti kong ibinalik sa kanya ang tingin ko at nakita ko ang pagpapahiwatig na banta sa kanyang mga mata. "Aalis ako ngayon. But I will be back soon." Binigyan niya ako matagal na halik sa aking noo bago niya kinausap nang mabuti ang anak ko saka siya umalis nang unit namin. Naiwan akong nakatulala na nasa Jazz-state-of-mind ako. I just stood there for God know's how long. After that, I did all my chores on autopilot. Buti na lang at maagang nakatulog ang anak ko at di rin niya ako ginisa kung bakit umalis bigla ang Dydy niya. Dahil wala pa akong maisip na idadahilan sa kanya kung sakaling hanapin niya ang Dydy niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD