Nakailang balikwas ako sa higaan bago ako tuluyang dinalaw ng antok. True to his words, for the first time after six years, I dreamt of him. Napanaginipan ko siya at kasama ako na napapalibutan kami ng maraming bata na tinatawag kaming mommy at daddy. It was so real in my dream that when my alarm hit off the next morning. Ayaw ko pa sanang ibukas ang mga mata ko. Tapos naalala ko na susunduin pala kami ni Jazz ngayon.
Ganito naman ang daily routine ko pero ewan ko ba ngayon para akong bata na excited na bumangon at maghanda. Ginising ko ang anak ko at inuna ko na siyang binihisan ng uniporme niya bago ako naligo at nag-ayos. She cannot hide her happiness when I told her that Jazz and I will drop her off to school. She showered me kisses all over my face because of her excitement.
Maaga pa naman kaysa sa usual time namin na lumalabas dito sa unit kung may pasok kahit tapos na rin kaming mag-agahan. Alas sais-medya nang dumating si Jazz at nadatnan niya kaming sinusuot ko ang sapatos ni Sophie.
"Dydy, good morning po!" Magiliw na bati ng anak ko sa kanya saka siya sinalubong ng yakap matapos kong i-strapped ang sapatos niya.
He squatted in front of our Sophie before returning the hug. "Good morning indeed." Sagot nitong ginaya pa ang istilo ng ngiti ng anak ko. "Now, saan ang good morning ko, Hun?" Tawag niya sa akin.
I bit my lower lip and smiled at him. "Good morning. You had your breakfast? I can still reheat the food and prepare it for you."
Umiling siya saka binuhat ang anak ko. Walang pakialam kung magugusot ang uniporme din nito. "Nagkape at tinapay na ako sa bahay bago ako umalis. Ayos na ayos na ako."
Hinintay nila akong makuha lahat ng gamit namin ng anak ko bago kami umalis. Nagulat ako nang makita ko sa mismong lobby ng building naka-parking ang sasakyan niya.
"Friends na kami ni Manong Guard. Sa kabila sana ako mag-parked kanina pero sinenyasan niya akong okay lang dito." Sambit niya sabay kindat sa akin bago niya inalalayan si Sophie sa back seat.
I waited for him to closed the car door before I utter the words that I wanted to say. "Can we drop first to the coffee shop? Iiwan ko sana ang pamalit ni Sophie mamaya." Tukoy ko sa isang bag na naglalaman sa mga ibang gamit ni Sophie. I-text ko na lang si Shania 'pag nasa daan na kami para makisuyo ako na siya ulit ang susundo sa anak ko dahil wala naman kaming dalang sariling sasakyan.
He closed in the space between us before giving my nose a pinch. "Leave it to me. I will fetch her later and take her with me in my office."
"Ikaw ang mag-susundo?" I stupidly answered him. Abala pa sa kanya 'yon.
Natawa siya saka niya ako pinagbuksan ng pinto, sumakay naman ako na walang anu-ano. Hindi pa kami masyadong nakakalayo sa unit ng nakita kong humihikab na si Sophie sa likod. Nakakatulog talaga siya sa biyahe gawa ng maaga ko rin siyang ginigising.
"Oo naman. Sino pa ba magsusundo sa anak natin kundi ako?" Sabi nito nang makasakay siya sa driver's seat. "From now on, this is now my duty. Ang ihatid-sundo ang mag-ina ko kahit saan nila naisin na pumunta. And Hun, no but's please."
Di ako agad nakaimik. O mas tamang sabihin di na niya talaga ako binigyan ng pagkakataong masalita at tumanggi pa. And the way he said 'mag-ina ko'. He's been saying that for awhile without hesitation. Bumilis ang t***k ng puso ko habang naghahanap pa ako nang dapat sabihin.
I looked at him and saw that he is so focused on the road.
"Eh baka kasi maisturbo ka lang niya sa opisina niyo. Kung busy ka sa trabaho mo siya pa ang iisipin mo." Rason na sambit ko. Paladesisyon kasi. Alam ko naman na di makulit ang anak ko pero nakakahiya pa rin. Sinasama ko nga lang siya sa akin sa eskwelahan kung may mga activity, program at kung talagang wala akong paghahabilinan na pag-iiwanan.
"You and our daughter will never be a disturbance or burden to me." He's now gripping his steering wheel tightly that his knuckles almost turned white.
Isa lang ang ibig sabihin nun. Di na naman niya nagugustuhan ang mga lumalabas sa labi ko. Di na lang ako umimik pa dahil baka mag-away na naman kami. Mahirap na lalo't kasama pa namin ang anak ko.
Ilang minuto pa ang dumaan sa pagitan ng katahimikan bago namin narating ang entrance gate ng paaralan ni Sophie.
"We're here, Sweetheart." Tapik ko sa hita niya matapos ko siyang lingunin para gisingin siya.
She yawned and opened her eyes slightly disoriented.
Rinig ko ang mahinang tawa ni Jazz sa tabi ko.
"You okay now baby?" Jazz asked her.
"Yes Dydy. You'll walk me to my classroom, right? Mymy can stay in your car, Dydy." Sabi nito nang tuluyang magising ang diwa niya.
I supressed a smile and fake my annoyance pero siya namang ikinahalakhak ni Jazz na nagtatanggal ng seatbelt niya. Naloko na. May Dydy lang ayaw na kay Mymy.
"Give Mymy now a goodbye kiss." Sabi ko na lang nang makawala siya sa carseat niya.
She obediently obliged and kissed me in my both cheeks.
"Wait for Dydy after your class dismissal, okay?" I reminded her and she nodded her head.
"Ba-bye Mymy. I love you." Then she waved her small hand.
Jazz took her bag and helped her going down from the car.
Nang maiwan akong mag-isa sa loob ng sasakyan ay minabuti ko nang minessage si Shania na di ko iiwanan ang anak ko sa pangangalaga niya pagkatapos ng klase nito. After I texted Shania, I found myself opening my f*******: account while waiting for Jazz. When I swiped open it I saw a one notification on the notification bar.
My mouth slightly open so as my eyes open wider when I saw Jazz and Sophie's picture in a small circular shape beside the words "Railen Jazz Balbastre sent you a friend request."
My sheer curiousity led me pressed 'accept' and I immediately went to his profile.
Again, I took a glimpse of his profile. It was a photo of him and Sophie inside our unit. They were both at the sala cutely wearing thoothy and goofy grins. It was taken the day after Sophie was got hospitalized and she asked to be with his Dydy the same day. I have to bit my lip because it made me mysteriously giddy and happy that he choose a photo of him and my daughter as his primary display picture. Scrolling down his feed, I saw his latest post which was an hour ago.
It was a photo of me and Sophie hugging each other inside the store at the Mall. I didn't even know he had this taken. My smile went on epic proportions when I read his caption,
"My motivation to start the day right ahead. The good in my good morning, afternoon, and evening."
#mygirls #Mymy&Baby
Smiling like an idiot, I never feel and notice that Jazz was already on the car.
"What's with that smile? Never saw you smiling like that to me since I came back."
Tinaasan ko siya nang kilay. I want to answer him but I choose to shut my mouth. Alangan naman aaminin ko sa kanya na nag-stalked ako sa newsfeed niya di mas lalo niya akong aasarin. Saka naalala kong naka-blocked pala siya sa akin dati dahil sa galit ko sa kanya.
"Hun." Tawag niya sa akin. There was an inkling of warning in his voice. I snapped my eyes to his face and saw his eyes trained at the road but his face contorted to a frown. "You're not answering and you're looking at me like that. Halikan kita diyan eh makikita mo."
Heat flared from my face and I quickly shift to look away.
"Wala. Ang dami mong napapansin." Sagot ko na lang para di na siya magtanong pa. Mas lalo namang humaba ang nguso niya.
I bit my lip to refrain from laughing. I squirmed against the leather chair. Umiwas ako ng tingin, pinipilit na pigilan ang sarili kong tumawa.
"Again, you're not still good in lying." He smirked at me. Bumalik ang tingin ko sa kanya at napansin ko ang kunot ng noo niya. Nasa daan ang buong atensiyon.
"Sungit." I blourted out.
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. "What?"
Mas lalo siyang sumimangot ng mapagtanto ang tawag ko sa kanya. Doon na ako tuluyang humalakhak. Pati siya nahawa at natawa na rin. I missed the sound of his laughters.
"Nasaan pala ang totoong tatay ni Sophie?"
Nagulat ako sa napili niyang tanong matapos ang saglit na tawanan namin. Sinilip ko siya at nakita ko kung gaano humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.
"Hindi ko alam." Totoo kung sagot sa kanya. Naisip kong aminin na lang sana sa kanya ang totoo tungkol kay Sophie pero wala akong lakas ng loob na gawin 'yon. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang biglang takot kong ito.
"Anong ibig mong sabihing di mo alam?" Tanong niya ulit. Siya naman ang saglit na tumingin sa akin ngayon bago niya binalik ang mga mata sa daan.
"One night stand. Nang malaman niyang may nabuo sa isang gabi na sarap, he bailed out. Ayaw niya kay Sophie dahil ayaw niyang maging dahilan ng tuluyang masira ang pagsasama nila ng asawa niya. At wala naman na akong pakialam doon. Kinaya ko namang pinalaki at buhayin ang anak ko."
Totoo din 'yon. Nang nalaman ni Papa ang balak kong pag-adopt kay Sophie dati ay nag-imbestiga siya. Siya mismo ang kumilos para malaman kung saan nanggaling mismo si Sophie. Nataon naman na nahagip ng CCTV camera ng Orphanage ang taong nagdala sa kanya at nang-iwan sa harap mismo ng pintuan. Siya ang naging lead ni Papa sa imbestigasyon niya. Sa kanya din nalaman ni Papa na nagtatrabaho ang nanay ni Sophie sa isang malaking videoke bar sa bayan kung saan sila nagkakilala ng nakabuntis sa kanya. Kaya hindi rin ako nagtaka dati at walang duda kung bakit mahina ang baga ng anak ko nang pinanganak siya.
"Did he ever contacted you or searched you?"
Umiling ako. "Hindi, kahit pa ginawa niya 'yon, I won't entertain him. Wala din akong pakialam sa kanya. He has chosen his path and he must stay in his lane."
Magaling lang silang nagpakasasa sa sarap pero ayaw nila sa bunga ng kanilang ginawa. Kung sakali mang nagbago ang isip nila at hanapin si Sophie, balikan at bawiin, ibang usapan na iyon. Di ako papayag na kunin nila sa akin si Sophie. Dadaan muna sila sa malamig kong bangkay bago nila makuha sa akin ang anak ko, dahil ilalaban ko ang karapatan ko sa kanya... ilalaban ko ang anak ko kahit hanggang sa kamatayan.
I saw him nodding his head. "That's good. That's good to hear." Bulong nitong paulit-ulit. Akala ko tapos na ang tanungan niya pero nang huminto kami sa stop light muli na naman siyang nagsalita. "Have you dated anyone after me? Or in a relationship to someone else after us?"
"When? Those years that you're not around? No. But I entertained suitors when I started teaching." He whipped his head to look at me. Naging bugnutin na naman ang mukha nito. "Ano? Natural lang naman iyon, bakit wala ba akong karapatang magpaligaw kahit may anak na ako? Bawal ba? Single naman ako ha?"
Nakita ko ang pagbabago ng mukha niya. From pissed to defeat. "Tama ka nga naman. Pero hindi naman ako pumayag noong nag-messaged kang makipaghiwalay sa akin, so technically girlfriend pa rin kita."
Ang lakas ng amats nito ha. Siya pa talaga ang may ganang mag-demmand ng ganun samantalang siya ang di nagpakita ng ilang taon.
"Wow lang huh! Wala na tayong relasyon simula noong nakipaghiwalay ako, gusto mo man o hindi. Kumbaga null and void na 'yon."
Natameme siya saglit kapagkuwan ay nagtanong siya ulit. "Pero nasaan na ang mga 'yon ngayon? Those stupid asshole suitors of yours."
Ayaw kong maging mayabang pero sa nakikita ko ngayon sa kanya para siyang nagseselos. "I don't know. They were all stop courting me when I started bringing Sophie around them. At first, it's just like they are okay with it that I have a daughter. Later on, as the courtship stage process going on and I started introducing Sophie to them, unti-unti silang tumitigil at nawawala na parang bula."
"But why you never introduced Sophie to them in the beginning?"
"I opted too. Pinili kong di ipinakilala si Sophie kaagad dahil takot akong ma-attached ang anak ko sa kanila. Na kapag lumalamin na ang koneksiyon niya sa kung sinuman na manliligaw ko at bigla na lang silang tumigil at nawala di ko kayayanin na masaktan ang anak ko."
He nodded again his head and continue drive ahead the car when the traffic light turns green. "Pero ngayon wala kang manliligaw? O baka wala lang na natataon na nakikita kong umaaligid sa'yo?"
Napairap ako sa kawalan sa dami ng tanong niya. Kanina ko pa napapansin na inunti-unti niya ako pero sinagot ko pa rin. "I declined entertaining suitors when Sophie turned three. Nagsawa na rin ako at the same I realized those kind of men don't want the responsibility of another man's child. Tsaka naging busy na ako sa mas maraming bagay. Una doon ang pagtuturo ko at the same ang pag-aaral ko ng Masters Degree ko. Pangalawa, mas kinailangan ng anak ko ang mas maraming oras ko. Pangatlo, tinanggap ko na rin ang pag-mamanage ng coffee shop ng mga magulang ko at sa marami pang rason. So I stopped and just focused all my attention and time to the most priority matters."
"Those stupid assholes missed their chance." I heard him whisper in the air, then he took a glance at me before turning to face the road again. " 'Wag kang mag-alala, Hun. Di na magiging problema ang mga iyan."
What does he meant by that?
Why he still wants me after all these years?
I ignored what he said and just keep the thoughts in my mind the silent took over us. It went on that way until I saw the corner near to the school.
"Baba mo na lang ako sa kanto malapit sa tindahan para di ka na mag-u-turn. Mapapalayo ka pa papasok sa parking space niyo." Tugon ko habang inaayos ang bag ko.
Tinuro ko ang isang bag ni Sophie na naiwan sa backseat. "Nasa backpack na iyan ang mga gamit ni Sophie. Please, Jazz, see to it na di natutuyuan ng pawis ang likod niya, marami siya diyang bimpo. Just incase nasa loob ng maliit na pouch ang asthma inhaler niya. She have also snacks and water in her bag."
I looked at him and found him attentively staring at me. His one arm dangling on the wheel while the other holds the gearshift.
"Calm down, Hun. I mentally noted everything. I'll update you later."
I sighed as I calmed my thoughts like he said. "Bahala ka na sa kanya. Just talk to her to behave around. Thank you and thank you for dropping us." Sambit ko. Akmang bababa na ako sana ako nang hawakan ni Jazz ang isang kamay ko.
"Where are you going?" He asked grinning.
I furrowed my browse at him, bewildered. "Papasok na para magturo." I said, stating the obvious.
But his grin grew wider. "You're going to teach without your goodbye kiss or vice versa? That won't do, Hun."
I stomped down the burning feel that traveled on my cheeks. Sinubukan kong simangutan siya but I failed miserably. "Hindi ko kailangan ng goodbye kiss mo." Matigas na sabi ko.
Pero determinado siya talaga sa gusto niyang mangyari. He didn't let go off me. "Mamili ka, goodbye kiss or parehas tayong male-late." He playfully said as he wiggles his brows at me.
Mukhang seryoso talaga siya sa sinabi niya. Kahit ayaw ko ay dumukwang pa rin ako para halikan siya sa pisngi niya. Mukhang nagulat naman siya pero hindi pa rin niya pinapakawalan ang braso ko.
"Hindi ganyan ang ibig kong sabihin." Sabi niya at nabigla na lang ako ng hinawakan niya ang ulo ko at naglanding ang labi niya sa mga labi ko.
Nalasing ako bigla sa lasa ng labi niya na di ko magawang manlaban pa. Kumapit ako sa laylayan ng pang-itaas niyang uniporme habang nalulunod ako sa tamis na dulot ng labi at dila niya. Madiin na madiin ang paraan ng paghalik niya sa akin na pakiramdaman ko nasugatan na niya ang labi ko.
When he let me go, I was still in Jazz fog not able to say or form anything unified words.
"See you after school hours, Hun. I love you." He muttered before he went down and open the door for me.