IKA-APAT NA KABANATA

2087 Words
IKA-APAT NA KABANATA " Ikaw pala Allan Jay pasok ka." aniya ni Issa ng mapagsinu kung sino ang panauhin niya ng gabing iyun. Niluwagan niya ang pagbukas sa kanilang pintuan para mapagbigyang daan ang binata. Pumasok naman ito at dumiretso sa munting sala nila. " Salamat Clarissa. Bulaklak pala para sa iyo." aniya nito ng makalapit siya dahil nahuli siya kunti dahil isinara pa niya ang pintuan. " Nag-abala ka pa Allan Jay pero maraming salamat pala sa bulaklak. Maupo ka pala." tugon ng dalaga at bahagyang sinamyo ang bango ng roses at nauna ng umupo. " Okey lang iyun Clarissa basta para sa iyo. Ako nga dapat ang humingi ng pasensiya dahil naabala pa yata kita." sagot naman ng binata. " Ah wala iyun Allan Jay. Siya nga pala ano pala ang maipaglilingkod ko sa iyo at napasugod ka dito sa amin?" tanong ng dalaga kahit may hinala na siyang aakyat ito ng ligaw. Lumapit ito ng bahagya sa kanya at hinawakan nito ang dalawa niyang kamay. " Allan Jay?" sambit ng dalaga at bahagyang itinaas ang paningin para makita itong titig na titig sa kanya kaya't siya na rin ang nag iwas ng paningin. " Huwag ka sanang magalit Clarissa pero ang totoo niyan eh gusto sana kitang ligawan. Mahal kita Clarissa iyan ang dahilan kaya ako nandito para umakyat ng ligaw." aniya nito. " Bakit ako Allan Jay? Anak lang ako ng katulong ninyo. Marami namang mga anak mayaman diyan na kagaya ninyo. Hindi ka ba nahihiya na tiksuin, kutyain, pagtawanan ka ng mga anak mayaman ding mga kakilala at kaibigan mo kapag malaman nila na nililigawan mo ay ang anak ng katulong ninyo?" pang aarok ng dalaga dito. Kilala sa buong San Vicente ang mga Crisostomo. Isa ang mga ito sa pinakamayaman sa buong bayan at may ari sa ilang establishment sa siyudad ng Vigan. Pero kung may kapintasan man ang kanilang pamilya ay ito ang bali-balitang pag-aari ng mga ito ang pasugalan sa kanilang lugar kahit wala mang maglakas loob para magsumbong sa authority dahil hawak naman ng mga ito sa leeg ang hepe ng pulisya sa bayan ng San Vicente. At isa na sa mga ebidensiya na pag-aari ng mga ito ang naturang pasugalan ay ang anak ng mga ito. Halos doon na ito matulog kasama ang mga alipores. " Wala akong pakialam sa kanila Clarissa. Ang isyo dito ay ikaw at ako. Mahal kita iyan ang totoo Clarissa. At gusto ko rin palang kausapin sana si Aling Teresita para makahingi ako ng paumanhin sa kanya dahil sa nagawa kung pagsagot sa kanya kaninang umaga." parang maamong tupa na aniya ng binata. " Sandali lang Allan Jay ikukuha lang kita ng maiinum mo pero pasensiya ka na ka kung tubig at juice lang ang maihahain ko sa iyo." aniya ng dalaga. " Walang problema doon Clarissa." pakunsuwelo naman ng binata na kahit sa isip ay galing din naman sa mga magulang niya ang ipinambili ng mga ito sa ihahain ng babaing napupusuan niya. Iniwan ni Clarissa ang panauhin sa kanilang sala at nagtungo sa kanilang kusina para gumawa ng juice. Gumawa siya ng tig isa silang baso ng juice at tig isang baso ng tubig at hindi nagtagal ay bumalik siya sa kanilang sala. " Salamat Clarissa. Ang sarap mo namang gumawa ng juice siguro ang sarap mo ding magmahal." papuri ng binata pero ngiti lang ang isinagot dito ni Issa. Bagkos ibinalik niya ang kanilang usapan bago siya nagtungo sa kanilang kusina. " Ang tungkol kay nanay siya ang mismong kausapin mo araw-araw naman siyang nasa inyo para maglaba at maglinis doon mo siya kausapin. At tungkol sa pagmamahal na sinasabi mo ay ayaw kitang paasahin dahil marami pa akong pangarap sa buhay na gusto kung tuparin at isa na diyan ang maiangat sa buhay ang mga magulang ko kaya pasensiya ka na kung hindi ko matutugunan ang pag ibig na ihinahayag mo." magalang na aniya ng dalaga. Ngumiti naman ang binata bago tinugon ang dalaga. " Maghihintay ako na matutunan mo rin akong mahalin Clarisaa. Hindi ako susuko sa panliligaw ko sa iyo at ito ang ipinapasigurado ko na kapag maging tayo hinding hindi ka maghihirap. Titigil na rin sa pagkakatulong sa pamilya namin si Aling Teresita, kakausapin ko sina mama at papa na tulungan sa kabuhayan si mang Poldo at ipasok sa scholars list nila si Lito para mabawasan ang iniisip mo." pahayag ng binata. Nakaramdam naman ang dalaga ng kayabangan mula sa anak ng amo ng kanyang ina. Gusto niya itong suplahin pero ayaw din naman niyang bastusin ito kaya't sinagot pa rin niya ito ng mahinahon. " Ikaw ang bahala Allan Jay hindi kita pipigilan sa anumang nais mo pero ipinauna ko na sa iyo na may mga pangarap pa ako sa buhay na gusto kung makamtan. At gusto ko itong makamit mula sa sarili kung pawis hindi galing sa ibang tao. Sinasabi ko sa ito dahil ayaw kung isipin mo na pinapaasa kita at mas lalong ayaw kung isipin ng iba na kaya ako nakikipaglapit sa iyo dahil habol ko ang pera mo." magalang na sagot ni Issa sa binata. " Nauunawaan kita Clarissa at huwag kang mag alala dahil maghihintay ako. Siya nga pala puwedi ka bang maimbitahan na magsimba bukas? Sa Vigan para deretso tayo sa pamamasyal." aniya ni Allan Jay. " Naku Allan Jay pasensiya ka na ha pero simula bukas busy na ako at hindi ako makakasama sa iyo. Pasensiya ka na talaga ha." hinging paumanhin ni Issa dito. Gusto mang magprotesta ni Allan Jay dahil sa kauna unahang pagkakataon at may taong tumanggi sa kanya. Gano'n pa man pinanatili pa rin niya ang maaliwalas na mukha and deep inside of him ay desidido siyang mapasagot ito at gawing may bahay niya. " Ah linggo naman bukas ah saan ka pala pupunta Clarissa?" sagot nito. " May trabaho na kasi ako Allan Jay at bukas na ako pinapasimula ng superior sa orphanage." sagot ni Issa. " Orphanage? Management graduate ka Clarissa pero sa orphanage ka magtrabaho? Sayang lang pinag aralan mo diyan at paanu mo makakamit ang pangarap mo kung sa orphanage ka magtrabaho?" may kayabangan na aniya ng binata. Naiinis man ang dalaga dahil sa tuno ng pananalita nito na halatang minamliit ang trabaho niya ay pinigilan pa rin niya ang huwag tuluyang supalpalin ito. " Okey lang iyun Allan Jay mas gusto ko rin namang magsimula sa mababang posisyun para magkaroon ng experience sa trabaho. Who knows someday makakamit ko rin ang pangarap ko. At isa pa wala namang masama kung sa orphanage ako magtrabaho okey na iyun malaking tulong na iyun sa mga magulang ko." sagot ni Issa. " Don't get me wrong Clarissa. Wala akong ibang ibig sabihin sa nasabi ko. Sana minsan pagbigyan mo rin ako na mamasyal tayo sa ibang araw. Siya nga pala magpapaalam na ako pero may ipapakiusap sana ako sa iyo." aniya ng binata. " Ano iyun Allan Jay?" tanong ni Issa. " Hayaan mo sana akong dalawin ka gabi-gabi." tugon nito. " Nasa sa iyo na iyan Allan Jay walang nagbabawal sa iyo." tugon ni Issa. " Maraming salamat Clarissa. Sige mauna na ako. " aniya nito at tumayo na. Ihinatid naman ng dalaga ang panauhin sa kanilang pintuan. Hinintay niyang nakaalis ito bago isinarang muli ito. " Ayokong manlait sa kapwa ko Allan Jay pero ayoko sa isang tulad mo na addict na nga wala pang paninindigan sa buhay. Nakaasa ka pa rin sa mga magulang mo. Sayang ka lang dahil hindi mo magamit gamit ang pinag aralan mo." bulong ng dalaga bago tuluyang umakyat sa kanyang kuwarto. Samantala habang nasa daan pauwi sa kanila gamit ang kanyang motorcycle. " Kunting tiis lang Allan Jay Crisostomo pasasaan ba at bibigay din sa iyo ang pakipot kuno na iyon sa iyo. Kagaya lang ng mga nagdaang babae na naikama mo ang taong iyun kaya kunting suyo pa ang kailangan." aniya sa isip na aniya niya bago itinodo ang speed ng motor niya para makauwi agad sa kanila. Kinabukasan, gustong magwala at magprotesta ni BC ng sabihin ni Adrian Joseph na sa kanya makikisabay ang mala palakang pinsan nito. " What did I told you Adrian Joseph Mckevin?" inis na aniya nito sa pinsan. " I know it insan pero as you can see naman my car is full of our things." sagot ni Adrian Joseph. " Kina grandpa and grandma mo siya pasakayin insan naku mabibingi lang ako kapag sa akin iyan makikisakay and besides bakit hindi niya dalhin ang kotse niya." ayaw pa ring patinag sa inis na sagot ni BC. " Insan naman oh. Please?" pakiusap ng binata. " No insan no!" iling nito. " Ah insan Adrian some other time ns siguro ako makakasama sa inyo sa Ilocos. Kayo na muna ang bahala sa pinadala ko. Nasa shop kasi ang car ko dinala ni daddy kagabi pag-uwi ko. Nais ko mang sumama pero wala tayong magagawa diyan dahil wala namang space." sabad ng dalaga. " Huwag kang mangunsiya diyan palaka! Pumasok ka na lang sa sasakyan kaysa naman mag-inarte ka diyan bilisan mo!" hindi maiwasang bulyaw ng binata dito. " Sige na insan doon ka na muna makisabay at pasensiya ka ha as you can see naman behave ha." bilin ni Adrian Joseph sa pinsan. Alam niyang ito ang bukod tanging hindi nadadala sa kasungitan ng pinsan niya samantalang halos lahat ng tao ay ilag dito pero si Shainar Joy ay hindi nasisindak sa sungit nito. " Nakakahurt ka naman Adrian Joseph parang sinabi mo na rin na hindi ako behave na tao." tugon ng dalaga pero lihim namang kumindat sa kausap. " Mabuti naman at alam mo iyun na maingay ka! Sumakay ka na nga lang huwag ang mag inarte ka pa diyan! See you there na lang insan." formal na aniya ni BC sa dalaga at si Adrian Joseph. " Salamat Mr Masungit este Mr Harden." nakangiting aniya ng dalagang si Joy at nauna ng nagtungo sa kinapaparadahan ng sasakyan ni BC. " Paano iyan insan nauna na si insan Joy sa car mo. Ikaw na lang muna ang bahala sa kanya. Mabait naman siya eh don't worry iyun nga lang may pagkapilya." alanganing aniya ni Adrian Joseph. " Ano pa nga ba kaysa naman kargo de konsensiya ko pa ang tao. Sige na insan tara na bago pa dumaloy ang traffic alam mo namang parang pagod ang usad ng traffic lalo at linggo." aniya ni BC at tinungo na rin ang sasakyan kung saan kampanteng nakaupo na si palaka este si Joy. Hinintay ni Adrian Joseph na makausap ang sasakyan ng pinsan niya bago niya tinungo ang sasakyan niya. " Hopefully maging maayos din kayong dalawa. Kung bakit pa kasi masungit ang pinsan kung ito idagdag pa ang maingay na pinsan ko. Kung mayroon mang unang matutuwa kapag magkaayos kayong dalawa ay ako." bulong ng binata at tuluyang binuhay ang makina. Kaso hindi pa niya napausad ang sasakyan ay patakbong humabol sa kanila ang kambal niyang kapatid. " Kuya! Sama kami ni kambal!" kalampag ni JP. " Behave! Kambal nakita mo namang pinasakay na niya si ate Joy kay kuya BC para may lugar tayo eh ang ingay mo." aniya ni CJ dito na nakatawa. " Ang sabihin mo excited kang makapunta sa lugar nila Johnson noh?" kantiyaw dito ni JP. " Hmmm puwedi rin kambal." naka make face namang gatong nito. " Sasama kayo o hindi?" baling ni Adrian Joseph sa mga ito dahil nagsimula na namang mag ingay. " Huwag ka ngang tumulad kay kuya BC na masungit kuya kaya hanggang ngayon wala pang nobya ikaw din kuya tatandang binata ka rin diyan." pambabara ni JP na binuksan pa talaga ang stereo ng sasakyan. Walang nagawa ang kuya ng kambal dahil ayaw na rin nitong humaba pa nag diskusyun nila ay pinausad na lamang niya ang sasakyan. Samantalang patuloy pa rin sa harutan ang kambal na hindi alintana kung nabubulabog na siya sa pagmamaneho. " Ang aga mo naman anak." puna ni Aling Teresita kay Issa ng makita siyang bihis na. " Attend muna ako ng misa inay pero doon na rin sa orphanage. At nasabi ko na kasi kay miss Perez na doon na lang ako magsimba para deretso sa trabaho pagkatapos ng misa." tugon ng dalaga. " Siya anak magpahatid ka na lang kay Lito para may kasama ka." aniya na lamang ng ginang. " Huwag na inay tulog pa kawawa naman lalo at pagod sila ni tatay kahapon sa bukid. Sige po inay mauna na po ako." tugon ni Issa at humalik sa noo ng ina bago inayos ang blouse at palda niya. " Mag ingat ka anak." pahabol ng ginang ng sumakay na sa tricycle ang dalaga. "Salamat po inay." tugon nito. Ilang sandali pa ay binaybay na ng tricycle driver ang daan patungong THE SURVIVORS ORPHANAGE kung saan siya pinalad na natanggap bilang isang secretary ng nasabing lugar. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD