PAUNANG KABANATA
As an odd saying saying says "When it comes to love, you don't count on cost"
Clarisaa Adeline Pascual, anak mahirap pero dahil sa sipag at talino nakapag-aral at nakapagtapos sa kursong Business Administration major in Management.
"Lahat gagawin ko, Inay, Itay, para makahango tayo sa kahirapan. Ibabalik ko po sa inyo ang mga sakripisyo ninyo para sa akin lalo na sa aking pag-aaral. Kayo po ang naging dahilan upang makamit ko ang tagumpay ko sa ngayon. Ang tagumpay ko ay tagumpay n'yo rin. Huwag po kayong mag-alala dahil ako na po ang mag-papaaral kay Lito," aniya sa mga magulang na puno ng sensiridad.
Pero sabi nga nila ang demonyo ay demonyo.
Allan Jay Crisostomo, anak ng may kaya sa buhay sa kanilang lugar. Ang mga Crisostomo ay isa sa mga tinitingalang tao sa bayan ng San Vicente. Bali-balitar rin sa buong bayan ang ugali mayroon ang mga ito lalo na ang nag-iisang anak nilang anak. Ang binatang si Allan Jay ay malaki ang pagkagusto nito sa dalagang si Adeline.
Adrian Joseph Cameron Mckevin, ang panganay na anak ng mag-asawang Allien Grace at Marc Joseph. Ang negosyante sa kanilang pamilya na kahit sa pagtulog ay katabi ang mahal niyang papeles sa hawak na negosyo ng pamilya nila.
Sa pagtatagpo ng kani kanilang landas, ano ang naghihintay na kapalaran sa kanilang tatlo?
ANG BAWAL NA PAG IBIG ba ay magiging tama o mananatiling bawal na lamang?