IKA-LABING WALONG KABANATA Sa paglipas ng mga araw habang papalapit ng papalapit ang nakatakdang kasal nina Allan Jay at Clarissa ay mas sinusulit nina Adrian at Clarissa ang kanilang relasyon. Though, nasa tamang edad sila ay itinago nila ito sa publiko sa kahilingan na rin ng huli. Kahit na gustong-gusto ni Adrian na ipaalam ito sa mga taong nakapaligid sa kanila pero dahil mahal na mahal niya ang nobya niya ay hindi na siya tumutol sa kagustuhan nito. Dahil maski siya ay hindi niya magawa-gawa ang magtapat dito at sa mga magulang niya tungkol sa kanyang sakit. ANG BAWAL NA PAG IBIG ay mas lumalim at minahal nila ang isa't isa na walang oras basta magkasama sila ay hindi puweding walang mangyari sa kanila o ang ritual ng pagmamahalan nila. Halos gabi-gabi nasa apartment ng dalaga ang no