IKA-LABING SIYAM NA KABANATA Dahil wala namang kamalay-malay si Adrian na may planong gano'n ang kasintahan ay napahimbing ang tulog niya. Umaga na ng magising ito. " Hmmmm...Good morning babe I love you." bulong nito kahit nakapikit. Nakasanayan na niya ang sabihin iyun dito sa tuwing nasa tabi niya ito. Iyayakap na nito ang braso at doon niya napagtanto na wala ito sa higaan nila. " Babe? Asaan ka----" " Sulat? Babe where are you?" gulat niyang sambit ng mapabalikwas at makitang wala na ang kasintahan niya at ang sulat na nakapatong sa unan nito bagkos ang nakita. May namumuo mang hinala sa kanyang isipan ay hindi niya ito pinansin. Hawak niya ang sulat na hindi pa niya binubuksan ay naglibot siya sa buong bahay. Umakyat siya sa pangalawang palapag pero wa