IKA-SIYAM NA KABANATA Sa bilis ng pangyayari ay halos hindi pa rin makapaniwala ang dalagang si Clarissa Adeline na nasa Baguio City na sila. Isinabay na rin siya ng kanyang boss. Ang lalaking lihim niyang hinahangaan pero pilit din niyang iwinawaglit dahil sa estado nila sa buhay. " Miss Clarissa bukas ka na lang mag umpisa sa trabaho mo. Guide naman kita don't worry but for now you need to have an accommodation for you to stay. Don't worry dahil bayad at sagot ng kumpanya ang bill ng accomodation mo. If you have a problem just tell me dahil ang pinakaayaw ko sa lahat sa iba ko nalalaman ang problema ng mga nasasakupan ko. Maging mabait ka lang dito I'm sure hindi magtatagal ay marami na ring maging kaibigan." paminula ng binata ng nasa loob na sila ng opisina nito. Pinaiwan na rin ng