IKA-SAMPUNG KABANATA " Anong plano mo ngayon pare?" tanong ng isang kaibigan ni Allan Jay sa binata habang pabilog silang nakaupo sa kanilang daily session o sa araw araw nilang paggamit o pagsinghot ng ipinagbabawal na gamot. " Plan B mga pare pero kagaya ng dati magagawa ko ito sa pamamagitan ng tulong ninyo." makahulugang sagot ni Allan Jay matapos singhutin ang hawak na foil. " Oo naman pare walang problema diyan magkaibigan naman tayo kaya dapat magtulungan tayong lahat." panggagatong naman ng isa sa mga kapwa nila lulong sa druga. " Iyan ang gusto ko sa inyo guys lagi kayong nandiyan kahit anong oras." may ngiti sa labi na sagot ni Allan Jay. " Oo naman pare magkakaibian tayo. At gano'n ka rin naman sa amin ah. Anyway ano pala ang plano mong iyan at ng mapag aralan natin?" ani