LEXXIE'S POV DAHIL sa insidenteng 'yon, muli kong tinutukan ang imbestigasyon ko tungkol sa Italian mob na Sangue Intoccabile. Pero tinapos ko pa rin naman ang limang araw ko sa ospital. Ang OA lang kasi ni Nanay kaya nagtagal ako ng limang araw. Sumakit na nga ang likod ko sa higaang 'yon, dagdag pa ang amoy ng ospital. Pero dahil gusto kong pumasok agad, sinarili ko ang pag- inda ko sa tuwing kumikirot. Kapag nasa harap ng ina ay parang magaling na magaling na ako. Nasa opisina ko kasi ang mga nasimulan kong imbestigasyon kaya kailangan ko nang pumasok. Hindi ako maaaring magkamali, SI ang may gawa no'n. Kaso, wala na akong makalap na impormasyon dahil para bang may humaharang sa aking imbestigasyon. O baka, umalis na sa sila sa bansa? "Dapat lie low ka muna. Malapit na ang alis nat