LEXXIE'S POV NANG marinig ko ang pagbukas ng pintuan ni Ian ay nagmadali akong bumalik sa ginagawa ko. Akala ko, nakatulog na siya sa banyo. Ang tagal niya kasi doon. Luto na ang pastang niluto ko. Naghanda na rin ako ng wine para sa aming dalawa. Nakiligo na nga rin ako sa kabilang silid dahil nakakahiya namang amoy pawis ako kapag kumain kami. Nakihiram na rin ako ng polo at boxer niya. Pero nilabhan ko ang mga sinuot ko at pinatuyo para magamit ko bukas pag-uwi. Makikitulog ako dito gaya nang hiling niya sa akin bago ako naligo kanina. Feeling exhausted talaga siya. "Nice one, Pangit! Pinaghandaan talaga," komento niya mayamaya nang tumingin sa mesa. "Okay lang ba ang ayos?" tanong ko sabay nguso ng mesa. "Amazing, Pangit." Sabay kabig sa akin. "Just like you." Masuyong tinug