LEXXIE’S POV MARIING diniinan ko ang sugat sa aking balikat para tumigil ang pagdurugo. Talagang bumaon sa akin ang patalim ng lalaking humahabol sa akin nang makipagbuno ako sa kanya. Parehas na kasi kaming naubusan ng magazine. Kung hindi ako napuruhan sa balikat at sa hita, nakikipagbuno pa rin sana ako sa kanya. Kaya ko naman siya, kaso biglang humugot ng patalim sa bahay na napuntahan ko. Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang lokasyon pero masasabi kong hindi basta-basta ang naka-engkuwentro namin. Ngayon, nagtatago na rin siya dahil napuruhan ko ang ulo niya nang hampasin ko iyon. Tapos tumama pa siya sa sink. At dahil well-trained siya, mabilis siyang naka-recover at nakatayo saka mabilis na lumabas ng bahay na iyon. Natigilan ako nang marinig ang sunod-sunod na mga lakad sa l