LEXXIE’S POV BUMITAW ako kay Ian mayamaya. Lumayo din siya sa akin at lumangoy ng mag-isa. Pabalik-balik lang siya sa malalim at sa kinatatayuan ko. At kung tama ang nakita ko sa pagmumukha niya, ay hindi maipinta iyon. Ano ba kasi ang problemang hinarap niya sa kabila? Bakit inabot pa ng gabi bago siya makabalik? Naiiling na nilubog ko ang buong katawan ko. Hindi ko inaalis ang tingin kay Ian. Para siyang walang kapaguran sa paglangoy. Tinawag ko siya pero hindi niya ako marinig kaya inabangan ko ang pagbalik niya at niyakap siya mula sa likod. “Hindi ka ba napapagod?” tanong ko sa kanya. “Kanina ka pa pabalik-balik.” Humarap siya sa akin at ngumiti. Kita ko iyon dahil maliwanag naman ang sikat ng buwan. “Gusto ko lang i-relax ang isip ko kaya ko ginawa ‘yon,” hingal na hingal na