LEXXIE’S POV NAPASINGHAP ako nang maramdaman ang daliri ni Ian banda kung nasaan ang puso ko. Para siyang nagsusulat doon kaya napatitig ako sa kanya. “A-anong sinusulat mo?” “My name. I'm now marking you as mine.” “Oh, Ian.” Hinaplos ko ang mukha niya. “Sa akin mo lang ginawa ito, I guess.” Masuyo siyang tumango sa akin. “I’m done.” Matamis na ngumiti pa siya sa akin. Hindi ko ini-expect na may tinatagong ganito si Ian. Nasusurpresa ako sa kanya pagdating sa pagpapakilig sa akin. Sa tingin ko naman hindi niya talaga ito ginagawa sa iba. Eh ‘di sana, hindi sila naghihiwalay ng girlfriend niya. “I-Ian,” anas ko nang halikan niya ang bahaging iyon ng sinulatan niya gamit ang daliri niya. “Hindi mo ‘yan makikita, pero mararamdaman mo ‘yan na may nakahawak sa puso mo, at ako lang ‘yo