LEXXIE’S POV “SH!T!” Natigilan ako sa pagbaling sa aking katabi nang maramdaman ang kirot sa pagitan ng aking hita. Matagal ba ako sa ganitong posisyon? Bakit ngayon ko lang naramdamanq ang kirot? Mataas na noon ang sikat ng araw. Ngayon lang yata ako tinanghali ng gising. “I-Ian!” mahinang tawag ko. Namamalat din yata ang aking lalamunan. “Pangit!” Napangiwi ako matapos kong lakasan ang boses. Ilang sandali lang ay pumasok si Ian na bitbit ang laptop niya habang may papel sa kanyang bibig. Halata ang ngiti niya sa labi nang tumingin sa akin. May suot naman akong shirts niya pero ramdam kong wala akong suot na underwear. “Morning, my Lady,” bati niya sa akin nang ilapag niya ang laptop na nakabukas at lapag ng papel na galing sa bibig niya. “How’s your, um.” Nginuso niya ang aking