LEXXIE’S POV “S-SAAN ang punta natin?” kunot ang noo kong tanong kay Ian nang umakyat kami sa helipad ng Alleanza. Umaandar na rin ang makina ng helicopter noon at mukhang naghihintay na ang piloto. “Palawan?” anito na nakangiti. “What?” “Hindi ka naman siguro bingi? Tama na ‘yong pangit ka. Okay?” “Hoy! May trabaho pa ako!” Sabay tampal ko sa braso niya na ikinadaing niya. “Don’t worry. Naitawag ko na kay Ninong na isasama kita sa Palawan. At inaprobahan niya kaya wala kang dapat na ipag-alala. Okay?” “Ian!” Kasabay niyon ang panlalaki ng aking mga mata. “No! Marami akong pending sa opisina na kailangan kong matapos dahil ilang araw akong mawawala!” “I know. At simulan na natin ang pagkawala mo ngayon.” Akmang hahawakan niya ang kamay ko nang palisin ko iyon. Mabilis akong naglak