LEXXIE’S POV NAKANGITING pinagmasdan ko si Ian na himbing pa rin sa pagtulog. Pasado alas singko na ng umaga noon. Nakadapa siya habang sa akin nakabaling at ang braso niya ay nakayakap sa akin. Sino bang mag-aakalang ang Pangit na ‘to ang magugustuhan ko? Hindi siya pangit, huh? Tawag ko lang sa kanya ‘yan na siya ang nagpasimula. Noong bata ako, hindi maintindihan kung bakit nagagalit siya sa akin sa tuwing hinihiram ko ang laruan niya tapos sasabihan niya ako ng pangit. Ngayon, sasabihin kong tadhana ang may gawa no’n. Inis na inis pa kami dati sa isa’t isa. Lalo na ako dahil kalalaking tao niya pumapatol sa akin na babae. Tapos no’ng nagdalaga naman ako, naiinis ako sa kanya no’ng isang beses nagsuot ako ng dress, dapat daw panglalaki sinusuot ko dahil parang lalaki naman daw ako da