LEXXIE
WALA kaming imikan ni Ian sasakyan nang papunta kaming Spotlight. Naghihintay sa amin sila Tatay, Tito Akilah at Tito Sebastian. May pag-uusapan lang kami tungkol sa Markesa. May mga nakuha na akong data para sa mga taong pinapahanap sa akin ni Tatay nitong nakaraan. At sa pagsasaliksik ko nga, marami akong natuklasan sa Markesa na alam kong alam na nila Tatay at ng mga Madrid, lalo na si Tito Aki. Ang ama pala kasi ni Tita Naarah ang pinaka pinuno ng Markesa. Under classified siya. Hindi ko alam kung bakit. Para sa ikabubuti siguro ng mga anak nila Tita Naarah.
“Hindi ka pumunta nitong nakaraan,” untag ni Ian sa akin.
Binalingan ko siya. “Busy,” tipid kong sagot.
“Always busy,” anito.
“Alam mo namang pulis ako, Ian.”
“Pulis ka rin naman three years ago.”
Hindi ako nakaimik. Pero parang gusto kong sabihing, kung hindi mo ba naman ako nireto sa kung sinu-sinong babae hindi ako iiwas. Hindi lang naman no’ng araw na iyon niya ako nireto, marami pang sumunod, partida mga naging babae niya. Sino bang gaganahan na sumama pa sa mga gano’n?
“Pumupunta pa rin naman ako kapag may oras, Ian,” ani ko na lang.
“Pumupunta nga. Pero hindi pa nag-iinit ang kuwentuhan, lalayas ka kaagad.” Totoo. Kapag nakakuha ako nang pagkakataon nilalayasan ko sila lalo na kapag wala sila Andy at Laura.
“Ayaw mo na ba kaming maging kaibigan, Ate?”
Natawa na naman ako nang pagak sa tawag niya sa akin. “Parang gano’n,” ani ko na lang sabay salpak ng headphone sa ‘king tainga.
Hindi na nga ako nilingon ni Ian. Abala na siya sa pagmamaneho. Hanggang sa makarating kami ng Spotlight ay wala kaming imikan. Nauna siya sa akin dahil ayokong makasabay siya. Saka hindi niya ako makakausap dahil may nakasalpak na headphone sa aking tainga.
Pagdating namin sa opisina ng Spotlight ay naabutan ko ang tatlong nagtatawanan pero nawala din nang makita kami ni Ian.
Akmang sasaludo ako kay Tatay nang pigilan niya ako. Ilang beses na niyang pinipigilan ako kapag wala kami sa trabaho.
Kagaya kanina, nagpatiuna si Ian pumasok sa malaking opisina nila sa Spotlight.
Napatingin ako sa kanya nang maghila siya ng upuan. Nakatingin siya sa akin at mukhang para iyon sa akin. Pero pinaghila rin ako ni Tatay ng upuan sa tabi niya kaya doon ako naupo.
"Bakit mo pinili na tumabi sa akin, anak?" nakangising tanong ng Tatay pagkuwa'y nakatingin kay Ian na nakahawak pa sa upuang hinila niya kanina.
"Tay." Medyo pinanlakihan ko siya ng mata kaya napaayos siya nang upo.
“Masama na bang magtanong, anak?”
Inilapit ko ang sarili kay Tatay. “Wala po tayo sa bahay. Pakiusap lang po.”
“Okay.” Sabay taas ng kamay na ikinatingin ng tatlo sa ama.
“Yes? May suggestion ka, Becker?” kunot ang noong tanong ni Tito Sebastian sa ama.
“Hmm, wala. Pero ang anak ko, meron.” Tumingin sa akin si Tatay na nakangiti. Hindi ko nga alam na nagsisimula na pala sila. Napatingin tuloy ako sa malaking screen.
Napatitig ako sa isang lalaking may hawak na kustilyo. Sa palengke ang kuha na iyon. Sa kabilang side niya ay may naka-zoom, ang kamay niya na may tatak na M na kaparehas sa logo ng Markesa.
“Sorry, Tito, hindi ko nasundan ang pinag-usapan niyo. Saan na po ba tayo?”
Napaayos nang upo si Tito Seb. “Hmm, actually, gusto kong tauhan ko ang tumutok sa kasong ito dahil masyadong mapanganib para sa inyo. Kaya lang, kailangang nasa tama tayo. Pero nakausap ko na rin ang Pangulo, alam na niya ito. And of course ng ating butihing General.” Tumingin siya kay Tatay na ikinatango lang nito. “Kaya lang, gusto kong magsimula ito sa inyo, para mabuksan na rin at para hindi maisip ng Markesa na Alleanza ang nakatutok, PC Becker.”
Kapag si Tito ang kausap ko, talagang PC Becker ang tinatawag niya sa akin. Ang PC ay ang pinaikli lamang ng Police Corporal. Mas sanay ako sa dating classification ng rank namin, PO2. Pero dahil sa bago na ang ranking na inilabas.
“Sige po. Pero kung may maitutulong po ako ngaayon, tutulong po ako. Maaga naman po akong nakakuwi kapag walang operasyon, para po matutukan ko rin.”
Kilala ko na rin naman ang lalaking nasa screen dahil sa inuutos sa akin ni Tatay. May asawa’t-anak siya na binubuhay. Pero ang nakakapagtaka, isa lamang itong boy sa palengke pero kayang pag-aralin ang panganay na anak sa magandang eskwelahan. Grade 3 pa lang ang panganay niya pero sa pribado na kaagad? Wow. Ako nga, kahit na may kaya sila Tatay hindi ako nag-aral sa pribado nang ganoong grade. Sabagay, si Nanay nga pala ang nasusunod kapag sa pag-aaral naming magkakapatid. Pero mabalik tayo sa topic. Hindi naman sa pagmamaliit, magkano lang ang sinasahod ng regular boy sa palengke. Kaya nakakapagtaka. Marami na akong nakausap sa palengke namin habang namimili at kagaya nang sinsabi nila. Ang hirap ng buhay.
Saka classified na kaso ito dahil madadawit ang pamilya Russo dito. Konektado kasi ang pamilya nila Tita Naarah sa Markesa.
“Good. Pero kailangan ko ng sagot ng Tatay mo.” Tumingin ulit si Tito kay Tatay kapagkuwan.
Tumango si Tatay kaya napangiti ako. Akala ko sasabihin na naman niya, delikado ‘yan. Pinayagan niya pa ako magpulis, ‘di ba? Kahit nga sa mga misyon, walang bukambibig mga superior ko kung hindi, oy, si PC Becker, huh? Wow, huh., parang bata lang na ibinilin sa yaya? Makakapasa ba ako sa propesyong ito kung hindi ko kaya?
“Thank you, ‘Tay.”
“Pumayag ako, anak, pero hindi naman pwedeng wala kang bantay.” Tumingin pa siya kay Ian.
So ang gusto niya si Ian ang magbantay sa akin?
“‘Tay,” mahinang sambit ko
“Just kidding, dalaga ka na nga pala.”
“‘Tatay,” ani ko na naman. Walang koneksyon ang sinasabi niya tapos tumingin pa kay Ian habang sinasabing dalaga ako. Pakialam ba ng pangit na ‘yan kung dalaga ako?
“Don’t worry, Becker, may nakatalaga akong magbabantay din sa kanya.”
“Good. Mabuti na iyong safe ang anak ko, magkakapamilya pa ‘yan. Sayang ang lahi namin.” Hindi maiwasang batuhin si Tatay ni Tito Aki sabay tawa.
“Si Zale ko, baka pwedeng masingit. Mukhang walang balak mag-asawa, e.” Ngumiti pa siya sa akin.
Sabay kaming napatingin ni Tatay kay Ian nang mahulog ang telepono nito.
“Enough! Sa labas niyo na ‘yan pag-usapan.” Bumaling si Tito Seb kay Ian. “Ikaw na ang bahala kay Antonio, anak.” Si Antonio ang pangalan ng boy sa palengke na pinaghihinalaang aktibo pa sa Markesa. Tumango lang ang kaibigan.
So, si Ian pa rin pala ang hahawak ng kaso. Akala ko si Tito. Sabagay, hindi na active si Tito nitong nagdaan dahil abala sila nila Tita Nikki sa ospital. May bagong bubuksan kasi sila sa Thailand kaya si Ian ang halos nagma-manage ng Alleanza Oscurra. Pero ilang taon na akong pulis, hindi pa ako nakakapasok ulit ng AO headquarters. Noong bata pa ako, oo. Pero nitong malaki na, hindi. Ayaw kasi ni Tatay na sumali ako sa AO. Kalahati daw ng katawan mo ay nasa hukay kaya ayaw rin ni Nanay. Pero nasabi ko na dati kay Ian, pag-iisipan niya kung isasali niya ako. Matagal na panahon na iyon, mukhang ayaw niya akong pasalihin talaga. Kaya lang nila ako laging kausap dahil pulis nga ako.
“Iniisip ko pong umupa ng bahay malapit sa bahay nila. Malapit lang naman kasi sa station namin ang palengke na pinagtatrabahuhan niya kaya hindi naman magtataka ang mga tao kung bakit ako doon titira.” Sa lahat ng pinapaimbestigahan ni Tatay kasi, ang lalaking nasa palengke lang madaling lapitan.
“A-anak, ipaalam mo muna sa Nanay mo ‘yan. Yari ako sa desisyon mo.”
Napakamot ako sa ulo. Kinumbinsi ko pa rin si Tatay na tulungan ako kay Nanay. Saka para maranasan ko namang bumukod ng bahay.
Maliban kay Antonio, may apat pa kaming tao na pinag-usapan. Ang isa ay isang ex-militar na nagtatago pa rin ngayon. Si Tito Aki na ang lead ng meeting dahil marami na rin pala itong nakalap na impormasyon tungkol sa iba. Mas marami itong alam dahil sa kapatid ni Tita Naarah na naging miyembro noon ng Markesa. Palaisipan kasi sa kanila kung bakit nabuhay ang organisasyong iyon samantalang patay na ang pinuno, ang ama ni Tita Naarah. Hindi lang iyon, malakas ang kutob nila Tatay na Markesa ang nasa likod ng pagkamatay ni Tita at ng dating nobya ng kaibigang si Zale.
Napagkasunduan din ni Tatay at ni Tito Sebastian na magkaroon ng secret meeting sa pagitan ng Alleanza at ng kapulisan kasama ang pangulo ng Pilipinas sa mga susunod na araw para sa misyong ito. Pero ako, magsisimula na. Kakausapin ko na si Nanay sa aking balak.
IAN’S POV
MASUYO kong tinanaw ang kaibigan na pasakay ng sasakyan ng ama. Mag-uumaga na noon at pauwi pa lang kami.
Natapos ang meeting namin na hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung bakit. Ilang oras pa lang kasi ang nakakalipas nang makita ko si Ate Lexxie na hubad sa aking banyo at hnaggang ngayon nga nanginginig ang aking kalamnan. Siguro, hindi ako sanay na makitang gano’n siya.
Kakapaandar ko pa lang ng sasakyan nang kumatok si Daddy sa aking binta.
“I’m reminding you about the initiation, Son,” bungad ni Daddy nang pagbuksan ko.
“Yes, Dad.” Ngumiti siya sa akin at tinalikuran na ako.
Hindi ko talaga maintindihan si Daddy kung bakit napakaaga niyang magretiro sa posisyon niya bilang Boss ng Sangue Intoccabile. Gusto niyang ipasa na kaagad sa akin samantalang wala pang limang taon nang maging Underboss ako ng organisasyong iyon. Sabi niya, sa Alleanza raw siya tututok. Iniisip kong baka dahil sa muling pagkabuhay ng Markesa kaya siya nagdesisyon.
Hanggang ngayon kasi, sinisisi niya ang sarili sa pagkamatay ni Tita Arah. Guilty siya dahil nag-ugat sa Alleanza ang hidwaan ng Markesa at ng Alleanza. Tinututukan daw nila si Zale ngayon. Pero mukhang imposible sa kaibigan ang umanib sa mga pumatay sa ina niya. Kung hindi opisina, bahay ang inaatupag niya ngayon. Kaya hindi mangyayari ang kinatatakutan ni Tito Aki.
Pero natigilan ako nang maalalang nirereto ni Tito Aki ang anak kay Lexxie as if babae ang kaibigan. What if nga ano?
I couldn't get enough of her the first time I saw her naked. I found her so damn… hot. Naramdaman ko si Ate Lexxie that time. Inaamin ko iyon. Hindi maninigas ang kaibigan ko kung wala siyang epekto sa akin.
Pero kaibigan ko siya at… ang layo ng agwat ng edad namin gaya ni Zale.
Bigla kong ipinilig ang aking sarili.
Pero bakit naman sumasang-ayon si Ninong Axel kay Tito Aki? Mas malala si Zale. Halos kaedad niya lang ang sumunod kay Ate Lexxie. Pero okay lang sa kanya. At si Ate, hindi man lang nagalit dahil inireto ni Tito Aki si Zale.
Hindi kaya may gusto rin si Ate Lexxie kay Zale? At kaya ba wala man ni isang pinapansin si Ate sa mga babae dahil may lihim siyang pagtingin kay Zale?
Simula rin pagkabata, laging magkasama ang dalawa. Alam ko kung gaano sila ka-close. Actually, mas close pa sa amin. Sila ang laging magkasama. At ako? Nakakasama lang ni Ate kapag kasama ang buong barkada. Hindi kasi kami magkasundo sa lahat ng bagay kaya siguro umiiwas siya sa akin, pero wala kaming galit sa isa’t-isa. Gano’n lang talaga kami.
Pero maituturing na magkaibigan pa rin dahil sa magulang namin. Basta nagising na lang ako na aso’t pusa rin kami with matching batuhan nang hindi magagandang salita. At ang malala, parehas kaming nagsisiraan ng gamit kapag nang-aasar. Sanay na kami at mas lalo ako. Hindi kumpleto ang pagkikita namin kung walang bangayan. Sanay na rin akong tawagin siyang pangit kapag inaasar ko siya.
Madilim na condo ko ang bumungad sa akin. Medyo magulo pa rin dahil hindi pa nga naayos gawa ng Markesa. Dumiretso ako sa silid at nahiga.
Akmang pipikit ang mata ko nang maalala si Ate Lexxie. Napatingin pa ako sa banyo– kung saan siya ang huling gumamit niyon. Napalabi ako na naupo pagkuway nahiga. Tiningnan ko din ang laptop ko na nakasara.
Kinapa ko ang telepono ko tinawagan ang butler na laging nakabantay lang sa akin sa malayo.
“Niccolò,”
“Ciao,” bungad sa akin ni Niccolò nang marinig ang boses ko.
“I'll send you a photo, and please find someone who looks like her. A.S.A.P.” Kapag mga ganoong utos alam na ni Niccolo ang gusto. Wala namang ibang tagahatid sa bahay ko kung hindi siya lang.
Nga pala, hindi ko siya tinatawag na Niccolò kapag nasa Alleanza ako. Tinatawag ko lang siya ng totoong pangalan niya kapag sa Sangue Intoccabile na ang tinutukoy ko– I mean ang inuutos ko.
Iilan lang naman sa kaibigan ko ang nakakaalam tungkol sa organisasyon na 'yan. Unlike sa mga kaibigan ni Daddy na halos. Pero sa utos ni Daddy, hindi na nila pinapaalam sa mga anak nila. Hindi naman kasi nakabase 'yan dito sa Pilipinas kung hindi sa Italy.
“Will do, Mister,” pormal na sagot niya sa akin.
Pagkababa ko ng telepono ko ay nahiga ulit ako at tumingin sa kisame. Matutulog na lang ako habang hinihintay ang dadalhin sa akin ni Niccolò.
Usually, hapon nasa ospital ako. Pero ngayon, mukhang hindi ako makapagtrabaho dahil sa nangyari kagabi.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Basta nagising ako sa sigaw ng babae mula sa sala. Pamilyar sa akin kaya napabalikwas pa ako nang bangon.
Hanggang sa paggising ko ba naman, boses ni Ate Lexxie ang naririnig ko?
"Fvck you, Ian!" naisatinig ko.
Tumayo ako at naglakad papuntang pintuan. Wala akong suot na pang-itaas noon.
Dire-deretsong binuksan ko ang pinto at lumabas. Pero napatigil ako nang makita ang babaeng nagwawala na naka-blindfold sa mismong sofa ko habang kaharap ni Niccolò. Saktong kakatapos lang niyang lagyan ng tape ang bunganga ng babaeng nagwawala Nakatali din ang mga kamay maging ang paa ng babae.
Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino ang babaeng nagwawala na iyon. Saktong tumingin sa gawi ko si Niccolò. Napalunok siya kapagkuwan.
Mabilis ang mga hakbang ko at kinuwelyuhan si Niccolò sabay hila siya papasok sa aking silid. Wala siyang imik dahil sinenyasan kong manahimik. Kahit na sa malayo, kilala ni Ate Lexxie ang boses ko.
“How in the hell did she end up here?” matigas na tanong ko kay Niccolò nang bitawan ko.
“You said hanap ako kamukha ng nasa picture. Viola!” Hindi ko alam kung matatawa ako conyo na ito dahil sa tagalog niya o magalit na lang sa maling ginawa niya. Pure Italian kasi siya na sadyang inaral ang Tagalog at English para sa akin. Ang pamilya nila ay talagang nakatalaga na para sa amin. Kaya bata pa lang ay magkakilala na kami. At ako lang din ang nagtuturo sa kanya umintindi at magsalita ng Tagalog.
“Porco cane, Niccolò! Ang sabi ko, kamukha! Ka-look-alike ba, hindi si Ate Lexxie mismo! Tonto!” Tumingin ako sa kanya at tinanong kung naintindihan niya ba ako.“Tu mi capisci?”
Yumuko siya.“Si. Si, Mister. ” Kumamot pa siya sa ulo kapagkuwan nang mag-angat nang tingin sa akin. “But the girl in the photo is Lady Lexxie, so I assumed you wanted her.”
Saglit akong natigilan sa sinabi ng butler ko. Inulit ko pa sa aking isipan ang mga huling sinabi niya. Gusto ko nga ba siya?
Napapikit ako kapagkuwan. Damn! Hindi na talaga pwedeng pumasok si Ate Lexxie sa lungga ko! Hindi na pwede!
“Lumabas ka nga. Now! Naiinis ako sa ‘yo!” sigaw ko sa kanya na ikinatalima niya.
Pero bago siya tuluyang lumabas ay inutusan ko siyang ibalik si Ate Lexxie kung saan man niya ito kinuha. At binilinan na ‘wag sasaktan.