LEXXIE
Three years later…
KAKALAPAG ko lang sa mesa ko ng cellphone ko nang tumunog iyon, may nag-chat. Walang iba kung hindi ang mga kaibigan ko. Kadalasan seen lang talaga ako nitong nagdaang taon sa GC. Kung mag-reply man, bihira. Nawalan ako ng gana. Pilit lang din kung dumalo ako sa mga gathering nila.
Tumingin ako sa orasan. Pasado alas otso na pala ng gabi. Grabe ang pagod ko ngayong araw.
Akmang maghuhubad ako ng inner na damit ko nang may kumatok. Binaba ko muna at tinungo ang pintuan.
“Ikaw pala, ‘Tay.”
“Good evening, anak.” Pumasok siya at deretsong naupo sa kama ko. May bitbit siyang folder na pinatong lang din sa aking kama.
“Ano po ‘yan?”
“Mga ipapa-check ko sa ‘yo bukas pagpasok mo. Tumawag na ako kay Chief na hindi ka sasama sa kung ano man na operasyon bukas. Gusto kong i-priority mo ito.” Kinuha pa ni Tatay ang folder at itinaas.
“Sige po.”
“Mag-ingat ka, anak. Marami pa rin sa hanay natin ang may koneksyon sa Markesa kaya mag-doble ingat ka.”
Tumango ako kay Tatay.
“Kapag may result na, tawagan mo ako sa opisina or ang Tito Sebastian mo, maliwanag.”
“Sige po, ‘Tay.”
May mga sinabi pa siya sa akin na mahahalagang bagay tungkol sa Markesa bago siya tumayo mula sa aking kama.
“Kailangan ko nang mahiga ngayon dahil maaga ang alis ko bukas,” nakangiting sabi niya mayamaya.
Mukhang may mahalagang lakad siya bukas. Lagi naman. Kadalasan, ang Pangulo ang pinupuntahan niya.
Naglakad papalapit sa akin si Tatay kapagkuwan. Niyakap niya ako at hinalikan sa buhok.
“I’m so proud of you, anak.”
Ngumiti ko nang matamis sa kanya. “Salamat po. Kayo po kasi ang inspirasyon ko kaya pinasok ko ang propesyong ito.” Ginulo niya tuloy ang aking buhok.
“Okay lang maging dedicated sa trabaho, pero ‘wag mong kalimutan ang sariling kaligayahan mo. Marami pang iba diyan, anak.” Mapakla akong ngumiti. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Alam din kasi ni Tatay kung sino ang natitipuhan.
“Mukhang malabo po sa ngayon makahanap sa damin ng trabaho. Baka po kapag luminaw sa mga susunod na taon, sunggaban ko na kapag may dumating na para sa akin.”
“Si Zale ba?”
“‘Tay! Kapatid lang ang turing ko sa kanya. Saka napakalayo ng agwat ng edad namin.”
“Bakit? Si Ian din naman, malayo ang agwat niyo. Age is just a number, anak. Nagkagusto ka nga kay Ian, baka possible rin kay Zale. Mabait na bata naman ‘yon, opisina at bahay lang. Nag-aalala na nga ang Ninong mo, baka tumandang binata.”
Napalabi ako sa sinabi ni Tatay. May punto naman talaga siya. Posible nga. Hindi naman kasi mahirap mahalin si Zale. Magkasundo kami sa lahat ng bagay hanggang ngayon. Saka isang tawag ko lang nitong nagdaan, dumarating kaagad siya. Wala pang nababalitang nobya niya.
“O siya. Good night na anak.”
“Good night din po,” tugon ko na ikinangiti niya. Marahan pa niyang tinampal ang braso ko.
MAAGA rin akong pumasok kinabukasan dahil sa pinapagawa ni Tatay sa akin. Kapag may confidential siyang ipapagawa, sa akin iyon. Mahirap kasi ipagkatiwala ang pinapaimbistiga ni Tatay lalo na kapag Markesa ang pinag-uusapan. Kakabit kasi ng pamilya din namin ang Markesa dahil malapit kami sa mga Russo.
Kaagad na sumaludo ako nang makasalubong ang isang mas mataas pa na ranggo sa akin. Dumiretso ako sa opisina ko at humarap sa computer.
Bandang tanghali nang makahinga ako nang maluwag. Apat na lang sa mga hinahanap ko ang dapat kong trabahuhin.
Kakalabas ko lang ng opisina ko nang makita si PO1 Flores.
“PO1 Flores!”
Kaagad namang tumalima si Flores palapit sa akin. Alam kong bibili siya ng ulam kaya nagpasabay ako.
“Isang gulay at isda. Kahit anong luto. Keep the change na rin,” ani ko na ikinangiti niya.
Lagi siya ang inuutusan ko bumili dahil sa lahat ng mga pulis dito, siya lang itong masipag bumili sa labas at matipid. Marami kasing karinderya malapit sa station namin. Ayos lang naman sa kanya na nagpapasabay ako dahil laging may sobra daw. Binibigay niya raw kasi sa anak niya ang sobra mula sa amin minsan. Pambaon sa eskuwela. Mula kasi sa simpleng pamilya sila, at dahil sa pagsusumikap niya, nakapasok siya dito. At ang sinasahod niya sa isang buwan, kalahati lang ang naibibigay niya sa pamilya dahil sa utang ng mga ito habang nag-aaral siya. Mas lumala nang mag-training siya.
Pagkatapos niyang kumain ay nagpababa muna siya ng kinain kaya lakad siya nang lakad sa apat na sulok ng opisina niya. Pero nang makatanggap nang mensahe mula police inspector ay napalunok ako. Gusto niya akong isama mamaya sa operasyon. Kaya naman minadali ko ang pinapagawa ni Tatay saka pumunta sa opisina ni Inspector.
Nakangiting sinalubong niya ako nang makita ako na papasok.
“Akala ko tatanggihan mo ako, PO2 Becker.”
Sumaludo muna ako bago naupo sa tinuro niyang couch.
“Kayo pa ba, Inspector. Game ako diyan.”
“Sabi ko na nga ba. Anyway, nawawala ang asset namin kaya ikaw muna ang ipapasok ko ngayon. Heto, pag-aralan mo muna.” May inilapag siyang paper at pinaharap din sa akin ang laptop. Iniwan niya din ako sa loob dahil pinatawag siya.
Mahigit kalahating oras na nawala si Inspector kaya tutok na tutok ako sa ipapagawa niya sa akin. Napangiwi ako nang mapagtanto ang undercover na ito. Ako magpapanggap na bayarang babae na ipapadala sa isang mayaman at negosyanteng nahaharap sa maraming kaso. Lagi naman akong nag-u-undercover pero isa lamang ito sa pinaka inaayawan ko. Ang kaso, bawal magreklamo, ginusto ko ito. Ito ang hiniling ko noon na mapasama sa mga mag-undercover.
Hindi na ako umuwi nang araw na iyon dahil sa undercover. Sa condominium na nag-stay at nag-ayos kung saan naroon ang aming operasyon ngayon. Kaunting lagay lang ng make up bago ako nagbihis habang hinihintay ang signal ni Inspector.
Napalabi ako nang makita ang sarili ko sa salamin. Parang hindi ako. Nawala na ‘yong Lexxie na boyish. Ilang beses na akong nagsuot ng ganito ka-daring sa misyon. Matanda pa ang pupuntahan ko mamaya kaya kinakabahan ako.
Paano kung amoy lupa pala siya?
Talagang nakakakaba kasi wala akong magiging kasama sa loob dahil sa mismong inuukopa na unit ng matanda at ako lang ang nandoon. Sa akin nakasalalay ang misyong ito ngayon.
Nilugay ko na ang mahabang buhok ko pakuwa’y muling sinipat ang sarili sa salamin. May lingerie naman ako sa bahay pero hindi ganito kalala. Kulang na lang hubad akong pupunta sa sa unit na iyon.
Napatingin ako sa pintuan nang makarinig ng sunod-sunod na katok. Hinigit ko ang coat ko at sininuot iyon. Si Inspector ang nabungaran ko kasama ang ilang kasamahan namin.
“Ready ka na ba?”
“Opo.”
“Good. Anytime kasi tatawag na si Madam sa ‘yo para puntahan si Mr. Kang.”
Tumango ako.
Nag-set up na ang ibang kasamahan ko ng laptop nang maglagay ako ng spy contact lens. Kaya kahit na hubaran ako– No, ayoko! Baka masapak ko ang matanda na iyon. I mean kahit na tanggalin ang coat ko na gagamitin mamaya na may camera din ay ayos lang.
Bandang alas nuebe nang tumawag ang Madam na tinatawag ni Inspector na isa ring asset nila. Napatingin sa akin si Inspector kaya tumayo na ako. Pagkatapos nga nilang mag-usap ay hinatid niya ako sa may pintuan. Dalawang pintuan ang unit ng matandang intsik bago ang inuukopa namin.
“Relax lang, okay? Hindi ko hahayaang mangyari ang kinatatakutan mo. Baka bigla akong ipatanggal ni General ‘pag nagkataon.”
Malaki naman ang tiwala ko sa kanila. Ilang misyon na ang napagdaanan ko, wali namang nangyayaring masama sa akin.
Kinapa ko pa ang labi kong pulang-pula. Inayos ko rin ang aking buhok at ang nunal sa ilong.
Ilang beses pa akong nagpakawala ng hangin bago umalis sa harapan ng unit namin. Ilang beses din akong nanalangin.
“Relax, Becker,” dinig kong sabi ni Agent Lizardo, hindi niya tunay na pangalan. Natawa din si Inspector dahil sa ilang beses ko sigurong pagpakawala nang hininga. Kabado ako, e.
Kumatok ako ng tatlong beses bago may bumukas.
“Boss, nandito na po ang inorder niyo,” ani ng kanang kamay ni Mr. Kang.
Nakita ko na litrato niya kanina lang. Buti na lang matandain ako.
Kaagad na tinanggal ko ang suot kong coat para makita kaagad ni Mr. Kang ang kahandaan ko.
Ngumiti lang ako nang matamis nang tumingin sa akin ang alalay ni Mr. Kang.
“Come here, sweety,” ani ni Mr. Kang sabay tampal ng gilid niya. Halata ang pagiging intsik sa boses niya maliban sa mata niya. Akala ko nga korean siya, hindi pala, Chinese daw pala.
Sa harapan niya ay maraming pera at ilang sachet ng ipinagbabawal na droga. May mga paraphernalia pa sa mesa kaya tumingin ako doon para makita mismo nila Inspector.
Matamis na ngiti ang iginawad ko sa matanda at malanding kumilos. Bahagya ko pang pinasabit ang hita ko sa kanya bago tuluyang naupo.
Napalabi tuloy ako nang pisilin iyon ng matanda. Parang gusto kong sikuhin.
“Take me to heaven later.” Parang gusto kong sagutin ang intsik ng ‘talagang dadalhin kita sa langit nang hindi nakakaranas nang sarap kapag naglumikot ‘yang kamay mo.’
“Later, sweetie,” malanding sabi niya sabay hawak sa dibdib niya.
Buti na lang naging abala ang matanda dahil dumating na nga isa sa mga nasa wanted list namin. Dalawa pa ang hinihintay kaya hindi ko maiwasang mainis. Pero nang marinig na nasa baba na daw ang tatlo pang katransaksyon ng matanda ay napangiti ako. Ang isa kasi ay si Agent Lizardo. Siya ang huling papasok para ma-korner silang lahat, pero siyempre, dapat sapat ang ebidensya bago papasok ang iba naming kasamahan. Walang madaanan sil Mr. Kang sa bintana dahil ilang sniper na ang nakatutok doon.
Napamura ako sa isipan ko nang maramdaman ang kamay ng matanda sa aking tuhod. Sana dumating na sila para masapak ko na ang matandang manyakol na ‘to.
Pinatigas ko pa ang aking tuhod dahil nanginginig. Naramdaman ko rin ang labi niya sa aking balikat kaya nandiri ako bigla.
Yari ako kay Tatay kapag nalaman niyang ganito ang pinaggagawa ko ngayon sa undercover.
Akmang itataas ni Tanda ang kamay sa aking dibdib nang tumunog ang doorbell.
Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang tikhim ni Agent Lizardo sa kabilang linya. Ibig sabihin kasama siya sa papasok kasama pa ang ibang target namin.
‘Konting tiis pa, Lexxie,’ kausap ko pa sa sarili ko.
May pumasok na lima kasama si Agent Lizardo. Ang dalawa ay armado. Pero sa pagkakaalam ko, asset din namin sila.
Nagsimula na nga ang transaksyon kaya doon ako nakatutok. Kahit si Tanda, wala sa na bewang ko ang kamay niya. Sinubukan na ng kliyente ni Tanda ang produkto niya bago inabot ang pera. May inabot ding black card kaya doon ako napatingin maging si Agent Lizardo. Hindi ko alam kung para saan iyon pero baka sila Agent, alam. Hindi ko kasi nakita iyon sa file kanina.
Malapit nang matapos kaya napaayos ako nang upo. Kapag nagpaalam na ang bisita ni Tanda, saka namin haharangin. At iyon nga ang nangyari.
“Itaas ang kamay, NBI ito!” Sabay pakita ni Agent Lizardo ng badge. Kasabay niyon ang pagtutok ng dalawang kasamang armado kay Mr. Kang. Habang ang tatlong tauhan nito ay naglabas din ng baril sabay tutok kay Agent.
“Walang hiya kayo! Napasok na tayo hindi niyo alam?” Baling ni Mr. Kang sa mga tauhan niya. May side pa siyang tiningnan.
Hindi kasi alam ni Mr. Kang na halos sa mga tauhan niya ang napalitan na. Kahit sa labas na nagbabantay ay tauhan ng namin at ng NBI.
Dahan-dahan akong tumayo para umalis na sana pero pinigilan ako ni Tanda. At akmang ho-hostage-in niya ako nang makita niya ang pulang bilog na nakatutok sa kaharap niyang ka-transaksyon niya. Nanginginig na ang mga ito parehas dahil anumang oras ay mamatay ang mga ito. Hindi lang sa dalawa ang merong red dot, meron na rin sa likuran ni Tanda na ikinabahala ng dalawang tauhan nito kaya napalingon ang matanda. Pero dahil sa likuran nito ay hindi nito makita.
Sinamantala ko ang pagiging aligaga ng matanda, napalabas na rin ako ng baril na galing sa loob ng aking suot na coat kanina at tinutok sa leeg ng matanda. Nasa tabi ko lang kasi iyon.
Tumingin ako sa dalawang alalay ng matanda at sinenyasan na ibaba ang mga baril. Ayaw nilang ibaba kaya sa isang alalay ko na lang tinutok ang akin, since may nakatutok na baril naman sa matanda, maliban sa baril ng sniper.
“You slut!” Napadaing ako bigla nang biglang hawakan ng matanda ang hita ko pagkuwa’y pinanggigilan pa ng kamay, napadiin doon ang kamay niya lalo kaya napadaing pa ako sa sakit. Kita ko ang pag-ipon ng dugo niyon nang tingnan ko.
Bigla namang pumasok sila Inspector kasama pa ang ibang tauhan namin at ng NBI kaya napaluwag ang hawak ng matanda.
“Bitawan mo siya kung gusto mo pang mabuhay.” Nakatutok na sa matanda ang barili nito. “Hindi mo alam kung sino ang hinahawakan mo,” banta ni Inspector. Tumingin sa akin si Inspector particular na sa hita kong namumula.
Kasabay ng mura ng inspector ang pagtumba ng dalawang alalay ng matandang intsik. Maging ng ilang tauhan ni Mr. Kang na nakatago sa mga makakapal na kurtina.
Gulat na gulat si Mr. Kang kaya sinamantala ko iyon. Sa sobrang inis ko dahil sa ginawa niya, pinukpok ko ang ulo niya ng baril na ikinatumba niya sa upuan. Hindi naman gano’n kalakas, sapat lang para mapadaing ako. Kailangan pang dalhin kasi ang mga ito sa presinto ng buhay.
“Manyakis!” ani ko sabay tapon sa baril sa mukha niya. Ramdam ko pa kasi ang sakit dahil sa panggigil niya sa hita ko.
Napasandal pa ako sa upuan at sinipat ang hita na namumula. Bahagyang dumiin ang kuko niya pero tago naman. Hindi naman makikita nila Nanay at Tatay.
Mabilis na pinosasan na ito ng mga kasamahan namin pagkuwa’y ang dalawang wanted din.
Tumayo ako kapagkuwan at naunang lumabas. Sila na raw kasi ang bahala doon sabi ni Inspector.
Bumalik ako sa inuukopa ko at kumuha ng yelo saka inilagay sa hita na malapit ng magkulay ube.
Napapikit ako kapagkuwan. Pero napamulat din nang marinig ang tawag mula sa telepono ko. Tumayo ako at kinuha ang telepono ko. Numero ni Tatay kaya kaagad kong sinagot. Pinapadaan niya ako sa Spotlight bago umuwi kaya napalunok ako. May pag-uusapan daw kami na mahalaga. Pero ang ikinabahala ko ay ang hita ko kaya binalikan ko iyon na gamutin sa pamamagitan ng yelo na binalot ko sa tela.
Unti-unti nang nawawala ang kulay sa hita ko kaya napahinga ako nang maluwag.
Akmang pipikit ako ng mata nang muling tumunog ang telepono ko. This time, si Tito Sebastian naman kaya sinagot ko. Sumandal pa ako sa upuan.
Napatayo ako bigla nang sabihin niyang nasa panganib si Ian. Kaagad kong hiningi ang kinaroroonan ni Ian. Nasa condo pala nito. Alam ko naman kaya mabilis pa sa alas kwatro na nilisan ko ang silid na iyon. Dinaanan ko sila inspector at nagpasama pa sa ilang pulis.
Malapit lang naman sa kinaroroonan namin ang condo ni Ian kaya mabilis din naming narating. Sakay kami ng elevator nang mapagtanto ko ang suot ko.
Sunod-sunod tuloy ang lunok ko. Never pa akong nakita ni Ian sa ganoong suot kaya magtataka siya. Sabihin ko na lang na galing sa operasyon. Saka wala namang pakialam sa katawan ko ‘yon. Mas gusto no’n tingnan na katawan, katawan ng mga Clara niya.
Hindi ko na pinapasok ang mga kasama ko sa loob. Alam ko ang passcode pa naman ng unit ni Ian.
Pagpasok ko sa loob ay wala naman akong naabutang ibang tao. Kanina pa yata nangyari dahil mismong si Ian pala ay wala ring naabutan. Exaggerated lang si Tito Sebastian. Nag-alala pa tuloy ako.
Dahil nandiri ako sa katawan ko ay nagpaalam ako sa kanya na makigamit ng banyo.
Sinubukan kong sabihin na hinalikan ako sa operasyon pero nainis lang ako sa tinanong niya. Ano daw ang pakiramdam? Nang sagutin ko naman na nakakadiri, aba’y tinanong din ako kung ang halik din daw ba ng babae hindi?
Nakakainis talaga siya! Akala niya siguro pumapatol ako sa babae! Hindi ba niya nababalitaan na wala akong inuuwi na babae! Kaloka. Kaya wala akong magawa kung hindi ipagpatuloy na lang ang nasimulang pagpapanggap sa harapan nila na pusong lalaki nga ako. Kaya halos sa mga kaibigan ko na babae, may endearment ako. Kaya hayon, paniwalang-paniwala siya. Marami nang naibugaw ‘yan sa akin. Sinasakyan ko na lang pero minsan hindi ko kaya, inuuwian ko nang hindi nagpapaalam.
Ang dami arte ni Ian, ayaw akong pagamitin ng banyo niya. Akala naman niya maraming gold sa banyo na kukunin ko.
Napailing na lang ako nang isara ko ang pintuan. Pero nainis din ako habang naghuhubad ako nang makarinig ng pagsipa niya mula sa labas. Sinigawan ko tuloy siya.
“Ian, ano ba!”
Napaharap ako sa malaking salamin at tumagilid para tingnan ulit ang hinawakan kanina ni Mr. Kang. Wala na akong saplot noon. Hinaplos ko pa ang bahaging iyon at diniinan.
Muli akong nakarinig ng kalampag sa labas kaya napatingin ako doon.
Hindi pa ako nakakalapit sa dutsa nang biglang bumukas ang pintuan. Natigilan na ako, napaawang pa ng labi. Kung may langaw man sa laoob ng banyo baka pumasok na ‘yon sa aking bibig. Kahit siya rin ay gano’n.
Ako ang unang bumalik sa kamalayan.
“Bastos kang bata ka!” sigaw ko sa kanya na ikinasara naman niya kaagad nang pintuan ng mabilis.
“I-I’m s-sorry, Ate Lexxie,” paulit-ulit niyang sabi mula sa labas na ikinasapo ko sa ulo ko.
“Ate Lexxie,” ulit ko sa isipan ko.
Tumingin pa ako sa salamin para tingnan ang sariling repleksyon.
Babaeng babae naman ako pero hindi niya makita. Ate niya nga lang talaga ako. Kung hindi Ate, tingin niya sa akin lalaki. First impression last siguro siya.
“Hay, Ian…” anas ko na lang sa mahinang tinig.