Pinauna na ni Garrett ang mag i-ina sa loob ng Jollibee. Naiwan sila ni Peter sa limousine. Pinasamahan na lamang niya ang mga ito sakaniyang mga tauhan na pasimpleng nag ma-manman.
"Any updates?" Malamig na tanong niya.
"Sa ngayon wala pa sir, pero pinapa-review ko na 'yung pag labas masok nang iba pang kasama natin. Pinapamanmanan ko narin ang galaw ni--" Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ni Peter.
Tiim bagang siyang nag salita. "Tss, gawin mo lahat para mahuli agad 'yung trahidor. Para alam ko kung may dapat ba akong ikabahala o wala, baka naman kasi pakana na naman ito ng pamilya ko." Napangisi siya.
"For now sir we're not sure about that," mahinahong sagot ni Peter.
"No Peter, I get it. They want to drag me down. Malaki ang inggit nila lalo na ng kapatid kong walang silbi."
Lumabas na siya ng sasakyan. Nakapamulsang pumasok si Garrett sa Jollibee kung saan ay na tanaw niya ang mag i-ina na masayang kumakain. Ngunit ang pangay na si Sage ay wala paring pinag bago ang expression. Parehas n'ya itong walang emosyon kung tumingin. At kung anak man niya ang kambal ay labis siyang matutuwa.
Hindi naman niya ipakita. Ipaparamdam naman niya sa kambal ang pagmamahal ng isang ama. Lalo na kay Sage na nag tanim nang sama ng loob sakaniya. Para sa isang batang gaya nito ay masyadong advance si Sage kumapara sa ibang bata na dapat ay sa paglalaro pa nakafocus ang isip.
Ngunit si Sage, pag protekta na agad ang iniisip nito kaya naman mas humanga siya.
"Kumain ka n-na." Nautal pa si Clara kaya naman napatitig siya rito. "Paborito kasi nila ang chicken kaya naman nag order ako para sakanila, ok lang ba?" Nahihiyang tanong pa nito. Nakatitig parin siya at walang imik. "May natira pa akong pera dito. Ito nalang ang ibayad--"
"Naningil ba ako?" Walang emosyong tanong niya bago tumabi kay Clara. "Order what you want, and eat."
"Dada gusto ko 'yung toys." Si Chloe na nag pretty eyes pa sakaniya. "Please?" Pinag kiskis nito ang dalawang palad habang nag papaawa.
"You don't need to do that", bulong ni Garrett bago sumenyas kay Peter. Alam na ni Peter ang gagawin kaya naman mabilis itong kumilos upang bilhin ang lahat ng kiddie meal.
"She always do that kaya masanay kana old man." Sabat ni Sage.
Napasulyap nang masamang tingin si Garrett kay Peter ng maubo ito ng peke na tila ba inaasar siya. Kung hindi nga lang niya matagal na kakilala si Peter ay binaril na niya ito. Si Peter lang kasi ang nakakabiro sakaniya. Sa tagal nitong na ninilbihan sakaniya ay naging kaybigan na niya ang binata.
"Sage anak hindi magandang asal iyan lalo na at nakakatanda saiyo si Garrett." Pangaral ni Clara sa anak kaya napangisi siya kay Sage upang asarin ito.
"Isip bata," inis na bulong nito.
"Isip matanda", ganti ni Garrett bago nila sinalubong ang titig ng isat-isa. "You know what bubwit, mabuti pa si Chloe." Napahagikhik naman si Chloe nang purihin niya.
"Hindi ako mabuti and I know that old man."
"Sage," seryoso na si Clara. "Hindi ka makikinig kay Mama?"
"Sorry Mama." Nakayukong sagot ni Sage bago pinag patuloy ang pagkain.
Matapos kumain ay bumalik na sila sa sasakyan. Nag baon pa si Garrett para kay Chloe dahil paborito nito ang Jollibee, at mukang minsan lang makatikim ang mga bata nito.
"Pinalaki mo ba siyang ganiyan?" Basag ni Garrett sa katahimikang bumalot sakanila sa loob ng limousine.
Tulog na ang kambal kaya naman seryoso niyang makakausap si Clara.
"Mahirap mag palaki ng bata lalo na at walang kinagisnang ama. Ginawa ko ang lahat," na nginginig ang boses ni Clara. "Single mother ako sa loob ng ilang taon Garrett. Dahil sa takot ay na hiwalaya ako kay tiyo Oscar. Naging palaboy din a-ako." Garalgal na ang boses ni Clara kaya naman pinatigil na niya ito.
"Siguro mas mabuting sa bahay nalang natin pag-usapan ang lahat, in private."
Napatitig siya sa mata ni Clara. Namamaga na ito dahil sa palaging pag-iyak. Napataas ang kilay niya ng may maalalang nakakatawang bagay na sinabi ni Sage kanina. "Sabi ni Sage namatay daw ang Papa nila dahil na bulunan sa kamote?"
Mas nauna pang tumawa si Peter kay Garrett.
"Pambata lang 'yung reason mo Clara." Naiiling na sabi pa niya bago mariing napapikit.