Chapter 6

800 Words
Mahimbing na ang tulog ng kambal ngunit si Clara ay hindi pa dinadalaw ng antok. May insomnia na nga yata siya dahil sa takot at kaba dahil sa gagawin niyang pag amin bukas kay Garrett. Napabangon siya ng madahan bago madahang isinara ang pinto ng makalabas siya. Nais niyang lamanghap nang sariwang hangin upang maging ang pag-iisip niya ang maliwanagan. Tiyak na nag-aalala narin si Gloria at Rigor sakaniya kaya naman isa pa ito sa dumadagdag sa isipin ni Clara. "Gabi na Ms. Clara bakit hindi ka pa mahiga?" Kamuntik na siyang mapatalon kay Peter na bigla nalang nag salita. May hawak itong tasa na kapehan habang nakangiti sakaniya. "Pasensya na po na gulat ba kita?" Muling tanong ng binata. "Tulog na ba s'ya?" Curios si Clara. Hindi siya mapakali na ipag paliban ang lahat. Lalong hindi maaring bukas dahil ayaw niyang marinig ng kambal ang tungkol sa maselang usapin nila ni Garrett. "Gusto mo bang tawagin ko si sir?" "Pwede ba?" Nahihiyang tanong rin niya. "Pasensya na sa istorbo", pahabol pa niya ng tumalikod si Peter upang tawagin ang amo nito. "May kaylangan kaba?" Bungad na tanong ni Garrett ng makalapit sakaniya. Napaluhod si Clara bago pinag kiskis ang palad. "Pakiusap wag mong ipaalam kay Sage at Chloe ang lahat. Ako na 'yung nakikiusap, please.. Hindi pa sila handa, at ayokong ma bigla sila sa mga rebelasyong malalaman nila." Itinayo siya ni Garrett. "Paano mo na atim na itago sakin ang sarili kong dugo't laman?" "Natakot a-ako." Utal na sagot ni Clara. "Ang sabi kasi ni tiyo Oscar ay kaylangang birhen akong haharap saiyo kapag nasa tamang gulang na ako, pero na kidnap ako. Hindi ko alam na ikaw 'yon, tapos ay nag bunga ang nangyari. Sa takot ni tiyo at sa konsensya narin ay pinatakas n'ya kami. Nalulong lang si tiyo sa bisyo pero sa huli hindi parin niya kinalimutan na magka dugo kami." Paliwag ni Clara habang titig na titig kay Garrett. Umaasa siyang paniniwalaan nito ang paliwanag niya. "Pero bakit mo a-ako g-ginahasa? Bakit kaylangang ipadukot mo pa ako? Birthday ko na kinabukasan nun," mapait siyang ngumit. "Sana man lang pinag bigyan mo muna akong makapag celebrate bago mo ako dalhin sa impyerno. At alam mo ba 'yung hiling ko sa Birthday ko?" Tinitigan niya sa mata si Garrett. "Sana hindi nalang ako pinanganak." "Sinabi ko na saiyo na hindi kita ginahasa." Depensa ni Garrett na mas nakakapag pakirot ng puso ni Clara. "Pinapa-trabaho ko na kung anong nangyari kaya naman pwede mong hintayin ang resulta, o paniwalaan ang maling akala mo." "Parehas parin 'yun," mahinahong sagot ni Clara bago napaiwas ng tingin. "Pinag samantalahan mo parin ako dahil lang gusto mong ma-satisfied ka." "Paalala ko lang saiyo Clara," sumeryoso ang expression ng muka ni Garrett. "Ang tiyo mo ang lumapit at nangaylangan sakin hindi ako. Kaya wala kang karapatan na isisi sakin ang pagiging makasarili n'ya. Bayad na kita, nginse ka palang sakin kana. At ano bang masama kung maniningil na ako? Sa tagal ng panahon na nawala ka, masama bang bawiin ko naman 'yung pinuhunan ko?" "Isa lang pakiusap ko bago mo gawin ang naisin mo. Sana hindi malaman nila Sage at Chloe na binili mo ako. Sana maipangako mo, pwede ba?" "Sige." Tipid na sagot ni Garrett. "Salamat." Napabuntong hininga si Clara bago akmang tatalikod ng hilahin siya paharap ni Garrett. "Bakit?" Gulat na kaniyang tanong. "Sakin kana tumabi", bulong ni Garrett na nakalapit ang bibig sakaniyang tenga. "Hindi lang naman sa kambal ko gustong bumawi saiyo din." "Sir Ga--" Natigilan si Peter at nag iwas ng tingin. Mabilis na binitiwan ni Garrett si Clara. "Mali yata ako ng timing haha. Maya nalang siguro pag tapos na noh?" Namumulang napayuko si Clara at hindi makatingin kay Peter. "Sabagay sa tagal ba naman na walang dumidilig matutuyo talaga ang bulaklak. Pasensya na ulit sa abala," sabi pa ni Peter bago tuluyang umalis. "Hindi sanay na walang katabi ang dalawang bata lalo na si Chloe. Si Sage na lamang--" Hindi na nakatapos si Clara sa sinasabi. "Ayokong katabi ang masungit na iyon." Reklamo ni Garrett kaya naman nag alala si Clara baka hindi agad mag kasundo ang dalawa. "Maiba tayo. Gusto ko lang itanong kung may pinapasok ka bang ibang lalaki diyan sa puso mo?" "Oo," mabilis na sagot ni Clara. Nakuyom ni Garrett ang kaniyang palad. "Malas s'ya dahil akin kana." "Kasama ko naman siya palagi. Mahal na mahal ko s'ya," may sumilay na ngiti sa labi ni Clara. "Bayad kana kaya maging ang pagmamahal mo ay bayad ko na." "Mali ka," hinaplos ni Clara ang buhok ni Garrett. "Bayad mo nga ako, pero hindi ang ang puso ko. Dahil kung magmamahal man ulit ako? Ibibigay ko ito ng libre sa taong alam kong karapat dapat sakin at tatanggapin kami ng mga anak ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD